Prologue

288 6 1
                                    


"SIGURADONG matutuwa ang parents mo," nakangiting sabi kay Hazel ng class adviser niya na si Ms. Tayag.

"Oo nga po eh, excited na akong umuwi para ibalita kila nanay at tatay," masayang sagot niya.

Kanina sa klase ay inanunsiyo ng teacher nila na siya ang Valedictorian ng batch nila. Ngayon ay naroon naman siya sa Faculty matapos siyang ipatawag para sabihin kailangan niyang maghanda ng speech para sa darating na graduation ceremony.

"Congratulations again, Hazel. You really deserve it. Nakita ko kung paano nag-aral ng mabuti at nagbunga ang lahat ng sakripisyo mo," sabi sa kanya ni Ms. Tayag.

"Maraming salamat po."

"May papasukan ka na bang University?"

"Opo," hindi pa rin nawawala ang ngiti na sagot niya. Kalakip niyon ay ang excitement dahil magka-college na siya.

"Anong course ang kukunin mo?"

"Communications Arts & Literature po. Gusto ko po talagang maging Writer eh."

"Wow. That's great. You can be a Scriptwriter, o Romance Writer. Anyway, magaling ka naman talaga pagdating sa literature. Sigurado akong matutupad ang pangarap mo."

"Thank you po ulit sa suporta, Ma'am."

"Walang anuman."

Mula sa Faculty ay bumalik na siya sa klase para kunin ang mga gamit at umuwi. Dahil malapit lang ang eskuwelahan sa bahay nila, naglakad na lang si Hazel. Ngunit natatanaw pa lang ang bahay nila nang makita na tila may nag-uumpukan ang mga kapitbahay nila kasama ang dalawang pulis. Nang papalapit na siya ay halos sabay-sabay lumingon sa kanya ang mga ito. Napahinto siya sa paglalakad dahil sa pagtataka nang mapansin na umiiyak ang mga ito. Agad siyang nilapitan ng isa sa kapitbahay nilang malapit na kaibigan ng mama niya na kung tawagin niya ay Manang Luz pagkatapos ay umiiyak na niyakap ng mahigpit.

"B-Bakit po kayo umiiyak?" nagtatakang tanong niya.

"Magpakatatag ka, anak," sa halip ay emosyonal nitong sagot.

Hindi pa man alam ni Hazel ang eksaktong nangyayari pero labis na kaba na agad ang kanyang naramdaman. Paglapit sa mga pulis, agad niyang nakilala ang isa sa mga ito. Ang kanyang Ninong at matalik na kaibigan ng papa niya. Gaya ng mga kapitbahay ay malungkot at halos mangiyak-ngiyak ang ekspresyon ng mukha nang salubungin siya nito.

"N-Ninong?" sabi pa niya.

"Hazel, huwag kang mabibigla sa sasabihin ko, ha?"

"Bakit po?" kinakabahan na tanong niya.

"Ang nanay at tatay mo..."

"Ano po ang nangyari?"

"Wala na sila, anak. Patay na sila," malungkot na sagot nito.

Mabilis na nag-unahan sa pag-agos ang luha sa mula sa kanyang mga mata.

"Po?! Si nanay at tatay?! Sigurado po ba kayo?" hindi makapaniwalang tanong niya.

Mabigat na humugot ng hininga ang Ninong niyang pulis bago nagpaliwanag. "Pauwi na sila galing sa trabaho kanina nang madamay sa naging gulo sa pagitan ng mga pulis at kidnappers. Sa kasamaang palad, natamaan sila ng ligaw na bala at hindi na umabot ng buhay sa ospital."

The Last Bid (Incomplete/For Promotion ONLY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon