01

62 3 0
                                    


Tiffany Perez.

“Magkano?” Tanong ko sa kaklase ko na ngayon ay nakatayo sa harapan ko. Siya kase ang naatasan na maningil sa bawat studyante ng section namin para sa concert na gaganapin sa December.


“150,” tipid na sagot niya. Kumuha ako ng pera sa wallet ko at ibinigay sa kanya. Isinulat naman niya ang pangalan ko sa notebook na dala niya na sa palagay ko ay listahan na ng nasingil niya.


Ang boring. Ang tagal naman pumasok nila Arianna.


“May lecture ka sa Science?” Tanong ni Sebastian sa akin. I nodded and took my science notebook from the bag. Ibinigay ko ito sa kanya. Ngumiti siya sa akin at umalis na sa harapan ko.


“Hoy! Ano 'yon?” Nakangising tanong ni yza na ngayon ay kakapasok lang. “Anong ano 'yon?” Nagtatakang tanong ko.


“Crush mo si Sebastian, 'no?” Nakangisi pa rin siya. Natawa nalang ako sa tanong niya at napailing. Inilagay na niya ang hawak niyang folder color yellow bag niya sa tabi ng upuan ko.


Umupo siya. “Anong tinatawa mo d'yan?” Tanong nito. “Ewan ko,” isinara ko na ang bag ko at humarap sa kanya.



“Papasok ba sila abrinna? Anong oras na eh,” napatingin ako sa relo na malapit sa television. Malapit nang magsimula ang klase.


“Ewan ko sa mga 'yon. Si lohrain, baka u-mabsent nanaman sa subject ni ma'am gelado.” Natatawang ani nito. “Si Arianna naman ay baka nakikipagchukchukan nanaman 'yon sa mga pogi sa senior high,” napailing ako. Tama nga siya, halos araw-araw siyang mayroong crush. “Si Abrinna ay nagchat sa akin, talagang male-late s'ya dahil may kagagaling niya lang ng maynila,” paliwanag pa nito.


“Anong ginawa naman ni abrinna sa manila, aber?” Tanong ko.


Napatawa siya.


“Baka naghanap ng sugar daddy,” sagot nito kaya naman pinalo ko ang braso niya.


“May sasabihin ako,” seryosong sabi niya. Umayos ako nang pagkaka-upo at nakakunot-noong tinignan siya.


“Ano 'yon?” She sighed. Kinakabahan tuloy ako sa kanya dahil sa pagkaseryoso niya. Minsan ko lang kase s'yang makita na ganyan ka-seryoso.


“Namatay ang character na binabasa ko sa wattpad,” binigyan ko siya ng What-the-fuck-sis?dati-kabang-nakashabu- look.


“Kaya pala mugto ang mga mata mo.” Ngayon ko lang napansin ang mata niya. Mukhang kinagat ng insekto eh.


“Pero... Punyeta ka! Akala ko, ano na ang nangyari!” She laughed loudly. “Ayieee! Concerned si beshie!” Napailing nalang ako.


“Shunga! Syempre, best friend ko kayo. Alangan tumawa ako kapag may problema kayo!” Binatukan ko naman siya.


“Ay hindi, dagdag kalang sa problema namin.” Si lohrain na kapapasok lang. Tinaasan ko naman siya ng gitnang daliri.



“Ma'am oh, si Tiffany, nang papakyu!” She dramatic said. Inilagay na niya ang dala niyang bag at umupo sa tabi ni yza na ngayon ay nakakunot ang noo dahil akala niya ay hindi papasok 'tong isa.


“Wala naman si ma'am.” I whispered.


“Akala ko bang, hindi ka papasok?” Tanong ni yza. Napatikhim naman si lohrain at napapikit na dikala-una'y nagmulat rin.


Whispered her Dream (High School Series #1)Where stories live. Discover now