Chapter 12 (05/13/2015)

2.9K 48 0
                                    

Pagkatapos ng huling paalam namin kina Papa at Mama ay tuluyan na kaming sumakay ng sasakyan. At infairness ,kasya talaga kami dito sa sasakyan. Sabagay , ano pa nga bang aasahan mo sa mga kaklase ko? Mayayaman sila kaya ok lang magdala ng van.

Naupo lang ako sa may gitna kalapit sina Gabie at ung iba pa namang classmates. Nakakatuwa dahil hindi naman kami ganung ka-close pero kung ituring nila kami ay parang super duper closeness kami kaya heto hindi ko na namang mapigilang maluha.

Grabe naman kasi, naaalala ko na naman si Clare. Pasimple kong pinunasan itong mga luha kong isa isa na namang nagpapapansin.

"Oh. Hannah, umiiyak ka ba?" napalingon naman ako kay Shella na kalapit ko. Siguro ay napansin 'nyang pasimple akong nagpahid ng mga luha ko.

Ngunitian ko lang sya. "Oo, pasensya ka na. Alam nyo naman wala si Clare ,kaya pag pasensyahan mo na ako" at isa pang matamis na ngiti.

Sige Hannah, idaan mo na lang sa ngiti ang lahat. Sabagay , ano pa nga bang magagawa ko? Alam ko sa sarili kong nalulungkot ako pero heto nagagawa ko pang ngumiti.

Naramdaman ko na lang na pinat nya ang balikat ko at sabay sabing ... "Don't worry. Friends mo na kami ." saad nya habang nakangiti kaya napangiti na rin ako.

Sana . Kung nasaan man ngayon si Clare, sana ok lang sya.

At pagkatapos ng sandali naming pag-uusap ay natahimik na ako. Inaantok lang ako siguro kaya pinikit ko na lang ang aking mga mata ng may narinig akong boses na pamilyar sa aking pandinig.

"Jether, wala ka bang balak na sabihin kay Hannah na ikaw ang driver?" isang makulit na boses ng babae na naggagaling din sa may unahan ang narinig ko dahilan para magmulat ako ng mga mata .

Itinuon ko ang atensyon ko dun sa dalawang taong nasa unahan. Ung taong nasa driver seat at ung isa namang nasa shotgun seat. Nagkukuwentuhan lang sila .Pero kahit halos lahat ng mga tao dito sa sasakyan ay nagkukwentuhan ay parang mas anggat parin ang boses nitong dalawang nasa unahan.

"Oh, Jether tingnan mo oh ! Nakatingin sya satin" at natutuwa pang saad ni Alissa. Medyo naguluhan naman ako.

Seryoso , ganito ba talaga ang ugali ng isang 'to ?

"Alissa, shut up. Baka maasar pa sya sayo" saway naman ni Jether na nasa driver seat ng hindi man lang inaalis sa daan ang kanyang paningin.

"Pero babyboy ko ..." hindi na natapos ni Alissa ang sinasabi nya ng bigla syang nilingon ni Jether at sandaling hinalikan sya sa  labi. Ung smack lang pero alam mong malaki ang naging impact kay Alissa dahil nung pagkalayo na pagkalayo ng mukha ni Jether sa  kanya ay parang automatic na namula ang mukha ni Alissa.

At parang nagpipigil sya ng kilig dahil nanginginig din sya.

"Oh! Ano babygirl ko, hindi ka na nakapagsalita dyan . Okay ka lang ba?" nakangiting tanong ni Jether kay Alissa habang hindi parin inaalis ang kanyang tingin sa may daan.

"U-ung first kiss ko babyboy ko , inagaw mo" still nanginginig na saad ni Alissa na nagbigay sakin ng ngiti. Tahimik lang akong natawa sa kanila.

Hindi nila siguro napapansin na may isang Hannah Mikaella Gonzales na nakikinig sa usapan nila. Sabagay , baka nga hindi nila napapansin na nakikinig ako dahil maingay dito . Ung mga kalapit ko kanya kanyang kwentuhan at samantalang ung mga likuran naman ay may kumakain pero ang atensyon ay nasa smartphone nya at mukhang may pinapanuod ata. At ung iba naman ay nagkukuwentuhan at ung isa naman ay natutulog kaya walang mag-aakala na nakikinig pala ako sa usapan nila Jether.

"Babyboy ko, sabi ng kanununuan ko kapag daw inagaw daw ng isang lalaki ang first kiss ko magpapakasal na daw kami at kapag hindi sya pumayag ay hindi naman nya talaga ako mahal"parang bata na sabi ni Alissa. Nakapout pa sya habang sinasabi 'yon.

Kaya heto ako, tahimik na napapahagikgik ng tawa dito sa may gilid. Nakakahiya. Ako na mismo ang napapahiya para kay Alissa. Ang cute cute nyang magsalita parang bata.

"Babygirl ko, niloloko mo ba ako? Paano mo naman nasabing sabi ng kanununuan mo ? Diba 18 years old ka lang din katulad ko?" medyo mahinahong saad ni Jether . Hahaha, siguro ay nagpipigil na ito ng inis.

"Oo nga babyboy ko , pero nagtag kasi sila sakin . Ang sabi dun sa post na 'Kapag hinalikan ka nya dapat pakasalan ka nya at kapag hindi ka nya pinakasalan isang patunay na hindi ka nya mahal' sabi ni Alissa habang nilalaro ang daliri nya.

Seryoso, ganito ba talaga si Alissa ? Para syang bata ah !

"Babygirl ko, wag ka ngang magpapaniwala sa mga sabi sabi. Magtino ka nga , hindi ka na bata" malumanay na naging seryosong saad ni Jether dahilan para matahimik si Alissa.

Nabalot na sila ng katahimikan ng tumigin sya sa mirror kung saan makikita mo ung nasa may likuran at nakatinginan kami. Bakit bigla akong nakaramdam ng kaba ? Alam nya bang kanina pa ako nakikinig sa usapan nila ? Nakupo ! Patay kang bata ka.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nagpalinga linga ako sa kaliwa't kanan. Humahanap ng anumang bagay na pwede kong hawakan at ipangtakip dito sa mukha ko pero dahil nga sa nasa sasakyan ako ay wala akong nakita kaya umayos na lang ako ng upo at naglabas ng isang buntong hininga.

Okay, Hannah, it's now or never. Galingan mo na lang ang pag-arte.

"Alam kong kanina ka pa nakikinig sa usapan namin ni Alissa" madiin nyang saad habang nakatingin sa may mirror kung saan kitang kita ako.

Alam mo 'yung pakiramdam na parang nanigas kang parang yelo ? Halos hindi ako makagalaw.

"Ahh . Eh, ano eh ..." un lang ang lumabas na salita dito sa bibig ko dahil sa sobrang kaba. Nakakainis. Bakit ba ako natatakot ?

"I knew it. You've been eavedropping on us."  sabi nya habang nakatiningin na sa may daan. Samantalang si Alissa naman ay napalingon sa may direksyon ko .

"Talaga ? Hannah, nakikinig ka sa usapan namin ng babyboy ko?" Tae ! Anong sasabihin ko? Magsisinungaling ba ako dito ? Pero hindi pwede. Bawal magsinungaling kaya kailangan kong gawin ang nararapat.

Napakit matang sagot ko . "Oo, pasensya —-" hindi ko na natapos ang sinasabi ko ng biglang sumabat si Alissa.

"Diba, tama naman ako Hannah , totoo ung sinabi ng kanununuan ko tungkol sa first kiss diba?" parang batang tanong sakin ni Alissa. Ung batang parang handang ibigay lahat ng candy-ng hawak nya basta sagutin ko lang ang tanong nya.

"About that—"

"Alissa, isa kang author ng isang bestselling book tapos magtatanong ka ng ganyang walang kwentang tanong?" natigilan ako. Seryoso . May namumuo ng bagyo sa pagitan nilang dalawa. Mukhang nagagalit na si Jether at mukhang iiyak na 'tong si Alissa.

Gosh!Really ! What's happening to this world ?


Jonelle's Note :

Sorry, hindi ito ang chapter na balak kong isukat pero diba siguro mas maganda kung ilagay ko kung anong nangyari nung papunta pa lang sila dun sa resort.

Haha. Nakakatuwa . Ang sweet sweet nila Jether at Alissa.

#Jelissa

I Fell Inlove with the Heartbreaker ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon