CHAPTER 6:

4.7K 108 8
                                    

"Promise,sasali na ako sa track and field kung meron sa University! Promise talaga!"ang wika ni Lucy,hindi n'ya napansin na may naghihintay sa kanya. At di inaasahan na mabunggo ang mukha n'ya sa machong katawan. Machong katawan ni Arvin.

Hindi makahuma si Lucy,paano,sinisinghot ang amoy ng nakabangga. Parang pamilyar eh. Sininghot ni Lucy ang dibdib,patungo sa leeg. Pamilyar talaga. Waaaaa,pamilyar nga dahil si Fafalicious ang nakabangga n'ya.

"Paktay!'ang tanging nasambit ni Lucy.

"Paktay ka talaga sa akin!"galit na wika ni Arvin. Parang bubwit na binitbit si Lucy,hawak ang damit sa likod ng dalaga. Napaangat naman ang paa ni Lucy,kung bitbitin s'ya,wagas!

"Bitawan mo nga ako!'nagpapalag na wika ni Lucy.

'Manahimik ka,ihagis kita d'yan eh!"inis na wika ni Arvin. Nag-isip si Lucy kung paano s'ya makakatakas kay Fafalicious. Hanggang sa...

"Tulong! Tulungan n'yo ako! Kinikidnap ako ng taong ito!

Gustong kunin ang lamang loob ko at ibenta! Maawa kayo sa akin,tulong!'ang malakas na sigaw ni Lucy,huli na para takpan ni Arvin ang bibig nito.

Ang mga nakarinig,agad ay saklolo sa dalaga. Bigla tuloy nabitawan ni Arvin si Lucy. Kumaripas ng takbo ngunit nagbanta sa dalaga.

'Magkikita pa tayo,tandaan mo! Gagantihan kita!"ang sigaw ni Arvin,saka nagmamadaling sumakay ng kotse at pinaharurot iyon.

Nagmamadali na ding umalis si Lucy,ngunit humahalakhak.

Kinabukasan..

Parang si Pink Panther si Lucy.

TANANTANAN...TANAN..TANANTANANTANANTANAN....

Pumasok na kasi ulit s'ya sa University. Ngunit pasilip-silip. Baka nag-aabang na naman si Fafalicious sa kanya. Hanggang sa may nakitang matabang babae. Palibhasa at balingkinitan,sumabay s'ya ng lakad sa matabang babae. Ndi nga naman pansin. At wari ay nakahinga s'ya ng malalim ng sa wakas ay makapasok ng tuluyan sa loob ng University. Patalon-talon pa,habang may matamis na ngiti sa kanyang labi.

Attentive pa din si Lucy kahit nasa loob na s'ya ng University. Baka mamaya,bigla na lamang s'yang dagitin ni Fafalicious. Paktay na ang naglason. Ngunit naging smooth ang lahat. Dahil ni anino ni Fafalicious ay hindi n'ya namataan.

Oras na naman ng uwian. Parang tuko s'ya kung humawak sa kaibigang si Lina.

"Hey! Ano ba ang nangyayari sa'yo?"nagtatakang tanong ni Lina.

"Basta,wag mo akong hihiwalayan ha."ang wika ni Lucy.

'Bakit nga?'tanong ulit ni Lina.

"Hayyyyssss! May stalker kasi ako. Sunod ng sunod sa akin."ang wika ni Lucy.

"Di nga?'wari ay hindi naniniwalang wika ni Lina.

'Maniwala ka na lang! Basta wag mo akong iiwan hanggang sa makasakay ako pauwi sa amin."ang sabi na lamang ni Lucy.

Natatawa na lang si Lina sa kalokohan ng kaibigan,kaya inihatid na nga niya ito sa sakayan pauwi sa bahay nito. Kumaway na lamang s'ya, ng papaalis na ang sinasakyan nito. Nakahinga na naman ng maluwag si Lucy,lalo pa at nakauwi na s'ya.

Pagbaba ni Lucy ng jeep sa tapat ng kanilang bahay. Kay tamis ng kanyang ngiti. Siguro ay sinukuan na s'ya ni Fafalicious. Kaya hindi na nagpakita pa sa kanya. Pero hindi nmya napansin na may kotseng nakaparada di kalayuan sa kanilang bahay.

"Nay,Tay,andito na po ako."ang wika ni Lucy,pumasok sa loob ng bahay.

'Anak,buti at dumating kana. Kanina kapa hinihintay ng teacher mo."ang salubong na wika ng Nanay ni Lucy.

"Huh? Teacher?"nangunot ang noo ni Lucy,kumpleto naman ang teacher n'ya sa University. Lahat ay napasukan n'ya,paanong may naghihintay na teacher sa kanya?

Hanggang sa lumabas buhat sa banyo ang teacher na ikinukwento ng Nanay ni Lucy. Hala! Nanlaki ang mga mata ng dalaga. At pinamutlaan. Naubos na yata ang dugo n'ya sa mukha. Paktay kang Lucy ka!

SEDUCING MR. ARROGANT By: Reinrose (B3: LET THE LOVE BEGIN) (complete)Where stories live. Discover now