Epilogue

555 13 0
                                    

Joshua Parco's POV

Nagdadrive ako ngayon papunta sa shooting location ni Oli. Kakabalik lang niya sa 3-week hiatus niya sa social media. Tuloy na ulit ang kaniyang brand endorsements at humupa na rin ang issue tungkol sa kaniya.

Ganoon naman talaga. Laging may bagong pinag-uusapan ang mga tao.

Kahapon, nag-brainstorm sila ng team niya ng idea sa 'comeback' niya. Nag-shoot sila ng Q&A vlog tungkol sa buong nangyari at maganda ang naging reception noon sa fans niya. Umakyat ulit ang follower count niya at YouTube subscribers. Napag-usapan din na dadalasan na rin niya ang pagshushoot ng vlog—at least once a week starting next week.

Sa Mandaluyong ang shooting location niya. Malapit lang sa condo niya at hindi rin naman ganoon kalayo sa akin lalo pa at sa Makati naman ako magmumula.

Today's a Thursday. I took a leave because we will be doing a photoshoot together. Talagang pinilit ako ng babaeng iyon para mag-shoot kaming dalawa. Ngayon ay nasa isa pa siyang shoot kasama iyong Jake daw.

May dala akong dalawang cup ng iced coffee at dalawang malaking S&R pizza para sa team nila. Hindi niya alam na bibisitahin ko siya dahil ang alam niya ay mamaya pang hapon kami magkikita. It's only 10:16 in the morning.

Pagkapark ko ng sasakyan ay deretso na ako sa reception area. Alam naman na darating ako dahil inabisuhan at kinuntsaba ko na si Tricia, ang PA niya, na sosorpresahin ko siya ngayon.

Umakyat na ako sa floor na sinabi ng receptionist. Pagkalabas ko pa lang ng elevator ay nakita ko na agad ang mga shooting equipments, malalaking reflectors, at kung anu-ano pa. Nahaharangan noon si Oli kaya marahil ay hindi pa niya ako nakikitang dumating.

Si Tricia ang unang nakapansin sa akin. Nag-mostra lang ako na 'wag siyang maingay at tumango naman siya bago lumapit sa akin.

"Uy, ang aga mo, ah?" bati niya. Iniabot ko sa kaniya ang box ng pizza.

Mahina akong napatawa. "'Di naman ganoon ka-traffic dahil tanghali na. . ." sabi ko saka ibinaling ang paningin sa unahan.

"Next layout 'yong sa kanilang dalawa ni Jake," aniya. Tumango lang ako at pinagmasdan ang paligid.

"May sweet scenes doon," dagdag pa niya. Napabaling ako sa kaniya nang may maliit na kunot sa noo, pero natawa rin. "Okay," iyon lang ang sagot ko.

Hindi ko alam na may sweet scenes. Wala namang kaso sa akin iyon kasi modelling ang trabaho ni Oli. In-expect ko na iyon. At hindi rin naman ako ang tipo ng tao na mabilis magselos.

She just chuckled at my reaction and shook her head.

Nanatili lang kami sa gilid habang pinapanood ang shoot. Si Tricia ay may kagat na slice ng pizza at ako naman ay sumisimsim ng kape.

I was silently watching them when my brows furrowed. Masyadong malapit iyong Jake kay Oli. It looked like he was teasing her, but my girlfriend was just dodging him. Her face was scrunched up in what I assume was annoyance.

Tsk.

A man ought to know if he's pissing off a woman, if she's not interested.

Ilang minuto lang ay natapos na rin ang unang layout. Oli's eyes wandered around the studio, probably looking for her assistant, when her eyes found mine. Awtomatikong nanlaki ang mga mata niya at patakbong lumapit sa akin.

"Babe!" Natawa ako nang makalapit siya sa akin at patalon na yumakap.

"You're here! So early!" Hindi makapaniwalang sambit niya saka hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

Ngumiti ako sa kaniya saka hinawi ang buhok na tumabing sa mukha niya. "Yeah. Thought I'd surprise you," I grinned. "Were you surprised?"

She nodded.

If You Asked Me To (An Epistolary Novel)Where stories live. Discover now