Chapter 2

188 32 11
                                    


HARRIETH'S POV

Ako si Harrieth tubong Bicol, nakaluwas na lang ako nang maynila mga limang taon ang nakakalipas. Naalala ko pa na halos wala akong alam dito at iilan na kakilala lang. Nanilbihan akong katulong noon tapos in-offer-an ako na maging tindera sa isang tindahan ng gamot. Hindi naman kilalang tindahan pero parang pang barangay pharmacy lang pero stay-in at mas malaki ang sahod.

Kumikita ako ng anim na libo sa isang buwan na hindi katulad sa pagkakatulong na apat na libo at limang daan lang ang sahod pero libre kain naman kaya lang mas importanteng makapadala kila Nanang at Tatang.

Hindi naman ako pangit kasi may ilong naman ako at matangos naman pero hindi ako kaputian, medyo morena lang at simple lang talaga, mabuti nga kahit papaano nagbago ang pananamit ko medyo bumagay na rin dito sa Maynila.

Sa ngayon ay naninirahan pa rin ako sa apartment ng tindahan na kung saan stay-in ako kaya lang nagsisimula na ako maghanap ng trabaho kasi itong si Paul na bunso kong kapatid ay magkokolehiyo na at hindi na sapat ang sahod ko.

Matalino naman ako at kaya ko makipag-usap ng English sa katunayan nga may online boyfriend ako na si Tyler. Isa siyang foreigner pero sa online lang naman at dahil doon ay sinubukan ko nang mag-apply ng call center. Sabi kasi malakihan ang sahod! Eh bente-singko pa lang naman ako at alam ko "no age limit" doon kaya pinatulan ko na.

Sa awa ng diyos nakapasa naman ako at ito nga magme-medical na ako for requirements. Ewan ko ba ang dami pa lang mga eche-bureche ng mga ganitong trabaho, halos maubos ang sahod ko ng isang buwan sa pagtitindera para mag-asikaso ng requirements.

Nagpa-schedule na ako ng pagpapa-medical ko at bukas daw ng alas-nuebe ng umaga ito kaya naman dumiretso na ako sa tinutuluyan kong apartment, nang makarating ako ay mayroon kung anong komosyon sa loob.

Agad akong lumapit kay Stella kasamahan kong tindera.

"Anong nangyayari?"

Nalilitong tanong ko.

"Si Mrs. Garcia, eh sabi simula ngayon daw magbabago na siya ng policy, sabi niya bali magbabayad na raw tayo ng pagtuloy rito, mula Enero! Eh ako nakadalawang buwan pa lang kasi Marso lang ako rito"

"Ha? Kaloka naman! Nako eh halos limang buwan ako eh! Grabe naman siya! Biglang palit ng policy! Eh paano naman na kaya tayo nito?"

"Nako! Wala ka nang magagawa kasi iyong iba na nagreklamo eh pinalayas na kanina, eh mayroon ka ba na matutuluyang iba?"

Biglang tanong ni Stella na nakapagpahinto sa akin, hay! Wala pa naman ako extra na pera! Kakatanggap ko pa lang sa bago kong trabaho, paano kaya iyan, malamang ang sahod ko eh buong bayad ko lang sa upa!

"Wala rin eh, mauuwi lang pala sa kamay niya pa rin ang lahat ng sahod natin! Ang tuso rin ng matandang iyan!"

Sabi ko naman pero nagkibit-balikat lang itong si Stella! Wala eh! Hindi naman kasi siya masiyadong mamomroblema kasi dalawang buwan lang naman siya!

Nakayuko na lang akong pumasok sa kwarto naming. Wala pa si Jasmin na kasama ko sa kwarto kaya makakahinga pa ako ng bongga!

Habang pabagsak na humiga ako sa kama ay naalala ko si Tyler, agad na tinignan ko ang laptop na binili ko nakaraan, hindi man ito magandang klase at bago dahil sigunda-mano ko lang nabili, eh malaking tulong na ito para kay Paul basta mapadala ko sa probinsiya.

Sa ngayon ako na muna ang gumagamit kaya naman nagtingin ako agad sa social media ko at ayun na nga si Tyler nag-message na sa akin.

Napapangiti ako dahil ang sweet talaga ng lalaki na ito, sabi niya nag-iipon siya ng tamang pera at oras para pumunta rito. Ang saya lang! Sana nga makauwi na siya rito, ewan ko ba, kahit sinasabi nila na huwag ako magtiwala eh hindi ko mapigilan, kahit online lang eh aaminin ko na nahuhulog na talaga ako sa kaniya.

Her Baby is in my BellyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon