Chapter 16

1.6K 110 49
                                    

Chapter 16 #smashedsrs

Nagdaan ang ilang linggo na on repeat sa akin iyong una at nag-iisang kanta na inilagay ni Uno. Uno didn't say anything about it even though we were talking on both online and actual each day of our lives.

It was me who took the initiative to mention it one time. "By the way, 'yong Fallen na in-add mo sa playlist natin . . . I liked it!" I exclaimed. "Pati 'yong ibang songs ng Lola Amour, bet!"

Magkatabi kaming nakaupo sa indoor court ng campus, naghihintay na magsimula ang training habang nagra-rally naman for fun ang ibang badminton players.

For a while, I appreciated where I was. From the waitlist to an official athlete is something big of a deal for me. May scholarship grant na nga rin ako dahil dito, tapos gusto ko pa ang ginagawa ko—ang nilalaro ko.

Ate Riva . . . It was you who introduced this sport to me and Kuya Rivo when we were little. It was you who began honing my skills here. I owe this to you. Kahit na hindi mo na matutunghayan ang improvement ko. Para sa 'yo talaga ang mga laro ko.

Maliit akong napangiti sa sarili.

And then the silence dawned on me. Napalingon ako sa katabi ko dahil naalala na kinakausap ko nga pala siya at wala akong natanggap na sagot.

"Hey . . ." tawag ko sa namumulang si Uno habang nakatuon ang mga mata sa mga naglalaro sa harapan namin.

"Y-Yup?" he replied, but his eyes were still not on me.

"I said, I like the song you added. Saka 'yong Lola Amour. I listened to some of their songs . . ." I repeated reluctantly. Napaisip kasi ako kung ayaw niya ng istorbong madaldal habang nanonood sa mga naglalaro? Ni ayaw kasi akong tingnan, e!

"Glad you liked it."

Binasa ko na lang ang mga labi ko kasi confirmation na siguro iyon na ayaw niya ng istorbo. Ang tipid saka hindi ako binalingan. Sumandal na lang din ako nang maayos at nagbalak na manood ng mga naglalaro.

"Hey. May bibigay pala 'ko sa 'yo," aniya bigla.

Just when I looked at him, he was already facing the other side where his training bag was. Naghalungkat siya roon habang curious na curious ako sa kabila. He drew out a kraft paper bag shortly after, handing it to me.

I unconsciously stared before I got to accept it. "T-thanks. Ano 'to?" tanong ko kahit binuksan din naman agad.

Humarap na ulit si Uno sa mga naglalaro, tumikhim at humalukipkip. Hindi niya ako sinagot, so I think I should find out myself ang drama?

"Oh, my god," I muttered, seeing the glass jar inside. "Oh, my god, strawberry jam?" I added, identifying the color of the content.

Uno brushed the back of his head shyly, glancing at me. "Gawa ko."

I shrieked, enough for only the both of us to hear. Mahina ko siyang hinampas sa braso at tinanong, "Gawa mo?! Marunong ka?"

Napatawa ang guwapo at umiling. "I just followed the internet."

Pinagmasdan ko iyong glass jar na wala nang kahit anong sticker cover. Napangiti ako nang matamis—kasing-tamis ng jam.

"Saka ka na matuwa, Vi. Judge it first," sita niya, halatang hindi confident. Pero wala naman na kasi iyon sa tuwa ko dahil hello, ginawan niya ako ng strawberry jam!

"Masarap 'to, sus!" I declared confidently.

He grimaced but the ghost of smile was breaking free. "Tikman mo nga muna. 'Yong mga napitas ko lang 'yan na strawberries no'ng nag-Baguio tayo."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 28, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SmashedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon