Chapter 17; JoBby?

71 1 0
                                    

Johnny's POV;
It's our lunch break today and yung mga kaibigan ko ay bumili pa ng pagkain na kakainin nila. Kami ni Jay ay nandito lang sa table at kumakain kami ng tahimik.

Gusto ko sana siya maka usap kaya lang mukhang galit pa din siya sa akin. I know Jay kapag galit siya or bad trip siya hindi niya muna kakausapin yung mga tao sa paligid niya.

Hindi ako sanay na hindi kami okay ni Jay.. Kakausapin ko nalang siya kapag hindi na siya galit, kapag malamig na yung ulo niya.

"Nakaka bad trip naman!" Bigla kaming napa tingin ni Jay kay William pansin ko ang galit na galit na facial expression ni William, napansin ko na may dala dala din siyang food tray.

"Bakit na naman?" Seryosong tanong ko.

"Na ubusan ako ng Mint Choco Ice Cream.. Ang tagal kasi mag pa dismiss ng professor namin, yan tuloy na ubusan ako ng mint choco ice cream." Sarkastikong reply sa akin ni William pag ka upo niya sa tabi ko.

"Bumili ka nalang sa convience store mamaya." Suggestion ko.

William really likes Mint Choco, same sila ni Anna. Sa dorm namin ang daming mint choco at si William lang ang nakaka ubos.

"Baka ubos na yun doon kasi maraming mint choco lover noh." He said on a sassy expression.

"Hindi lahat noh." Seryosong sabi ko.

"Okay." Tipid na sabi ni William.

Bigla namang dumating yung tatlo samantalang sila Abby, Anna at Ethan ay wala pa.

"Guys tambay tayo sa Everlasting Cafe gusto ko kasi uminom ng Ice Americano." Naka ngiting sabi ni Jake pag ka upo niya sa upuan.

"Pass ako.. Kayo nalang pumunta doon." Seryosong sabi ni Jay.

"At bakit naman pass ka?" Tanong ni Benjamin kay Jay.

"May mahalaga akong gagawin." Paliwanag ni Jay.

Bigla namang napa tahimik ang lahat.

Baka nakakaramdam na sila na hindi kami okay ni Jay.. Sana hindi.. Ayoko na madamay sila sa away namin ni Jay.

"Parang iba ang atmosphere dito ah." Tugon ni Benjamin.

"Oo nga.. May problema ba kayo Jay at Johnny?" Tanong sa amin ni Jake habang naka tingin sila sa aming dalawa ni Jay.

At naramdaman nga nila.. Anong sasabihin ko? Ayoko na malaman nila na hindi kami okay ni Jay, na nag away kami dahil lang kay Abby.. Sa totoo lang hindi ko naman inaaway si Jay, si Jay lang yung nang away.

Sasabihin ko ba or hindi? Ayoko talaga eh.. Pero ayoko din na mag sinungaling sa kanila.

Hays! Sasabihin ko ba talaga or hindi?

"Na-"

"Guys nakita niyo ba si Ethan?"

Anna bad timing ka talaga.. Sasabihin ko na sana sa kanila saktong dumating ka.

"Hoy Anna! Pw-" Hindi ko na ituloy yung sasabihin ko dahil nakita ko si Abby.

Shocks! Bakit kasi bigla bigla silang dumating eh?! Buti nalang na putol yung sasabihin ko sa apat.

Lazo Academy.Where stories live. Discover now