Chapter 8

121 7 0
                                    

Chapter 8: Meet their child.




Ngumiti ako ng malaki at tumulo ang luha habang nakatingin sa aking apat na anghel. Sobra ang saya na aking nararamdaman habang pinagmamasdan ko sila. Hindi ako makapaniwala na sa loob ng ilang buwan heto ako ngayon at hawak ko na sila habang pinagmamasdan!.



Hindi naman magkaumayo si Sayreen sa pagkakatitig sa aking anak habang hinahawak hawakan sila sa kanilang mga kamay. Tuwang tuwa ito kaya napangiti nalang ako.



"Ihhhh ang cute nila besss, tingnan mo lahat sila kamukha koo" malakas na sabi nito kaya mamagod magod akong napailing sa kanya.



Napapikit ako habang malalim na nagiisip ng mapamulat ako ng mata dahil narinig kong magsalita si Sayreen.



"Oo nga pala girl...hehe ano, gago sorry may mga pangalan na pala silaaa....Don't you worry naman dahil pinagsama ko naman ang pangalan nyo ni Craide, sorry talaga girl inunahan kita kasalanan kase to nung babae kanina inaarongkada ako nung tulog kapa kung ano daw ipapangalan ko sa mga inaanak koo..ikaw kasi ang tagal mong tulog!" mahabang litanya ni Sayreen at naninisi pa kaya napakunot ang noo ko.



"Ha?" tanging nasabi ko nalang dahil dipa nagsisink in sa isip ko ang sinabi nito.



"Haha bala ka dyan diko uulitin sinabi ko" pangaasar nito.



"Ha?...Bakit ano bang pinangalan mo?" taka kong tanong habang nakatingin dito. Ngayon ko lang naramdaman na masakit ang lalamunan ko at paos ang aking boses. Gawa siguro ito ng pagsigaw ko kanina.


Wag niya lang talagang sasabihin na Berto, berting, erting, at karding ang pangalan ng mga anak ko kundi malilintikan siya sa akin.



"Ganto kase yung panganay mo or should i say yung unang lumabas ay Ezequiel Ajax Herbweso-Volerom, tapos yung sumunod naman ay Zayden Lucas Herbweso-Volerom, tapos yung pangatlo ay Cayden Luke Herbweso-Volerom ,at yung pangapat ay Caden Atticus Hebweso-Volerom at saka dimo ba napansin ang name tag na nakadikit sa damit nila?" mahabang litanya ni Sayreen habang isa isang itinuro ang aking anak.


"Akala ko ba pinagsama mo name namin ni Craide? ang layo naman sa pangalang kong Arriane Grace Evelyn lalong lalo na sa Liam Craide ah" taka kong tanong kaya nakita ko ang pagngisi nito.



"Tsk sinama ko ah tamo yung apelyido mo at yung sa asawa mo ah magkasama" umirap pa ito kaya napanga nga nalang ako.


"Literal Sayreen, Gaga."nahihirapan kong sabi bago binuhat ang nagitla kong anak na ang pangalan ay Zayden Lucas. Pinadede ko ito habang hinehele kaya mabilis din naman ulit itong nakatulog. Pinagmamasdan ko lang sila ng mapansin kong hindi nila ako masyadong kamukha. Buti pa si Craide kahawig nila samantalang ako hindi.


Nakakatampo ha!


"Girl nagugutom ka na ba?bibili akong pagkain baka may gusto kang pabilhin?" tanong ni Sayreen matapos tumayo at maginat inat.



"Bahala ka na basta yung makakain" napasimangot nalang ito sa aking sinabi. Nagpaalam narin ito at umalis na para bumili.



Napapikit nalang ako ng aking mata ng makaramdam na naman ng pagod. Inayos ko muna sa aking tabi ang mga anak ko bago umayos ng higa. Napahiyaw panga ako sa sakit dahil nagalaw ng konti ang tahi ko sa aking private part. Hindi rin naman nagtagal ng nakatulog ako.

















 Running away to my abusive husbandWhere stories live. Discover now