chapter 24

147 12 2
                                    

THIRD PERSON POV

manghang-mangha ang mga tao sa kanilang nasaksihang labanan kina kiro at zack at halos hindi makapaniwala ang lahat dahil ang isang hamak na quirian ay nagawang talunin ang anak ng isang heneral gayon din ang reaksyon ng mga propesor pero hindi ng punong guro dahil alam niyang malakas ang nakatalo sa anak ng heneral

Sa kabilang banda naman ay si zack na kakagising lang at kaniyang ama na pinagalitan siya dahil sa kahihiyang dinulot niya rito

“hindi ko akalaing matatalo ka ng isang hamak na nilalang zack!! hindi kita pinalaking mahina!! isa kang malaking lapastangan sa ating angkan!!” tagos butong ani ng kaniyang ama sa kaniya pero imbes na umiyak mas pinili nalang niyang manahimik dahil sanay na siya sa ugali ng kaniyang ama“noon paman kahihiyan na ang dulot mo sa akin‚ hindi kaba nahihiya? tinagurian kang anak ng isang magiting na heneral pero ni sarili mo hindi mo kayang maipagtanggol‚ kung hindi kapa kanina pinag tiyagaan ng nilalang na iyong nakalaban ay sigurado akong talo kana umpisa palang‚ WALA KANG KWENTANG ANAK HINDI MO GINAGAYA ANG IYONG NAKAKATANDANH KAPATID NA PURO PARANGAL ANG NATATANGGAP”

mahabang turan ng kaniyang ama na hindi na niya nakayanan kaya siya’y nag salita na dahil sa labis na galit sa ama

“kapag kahihiyan pinupuna niyo ama pero kapag sakto naman ang nagagawa ko hindi niyo halos pinapansin‚ saka bakit ko gagayahin ang ang tinatawag mong nakakatanda kong kapatid kung sa una palang mas pabor kana sa anak mo sa labas kesa sa totoo mong anak. Saka pwede ba ama ’wag niyo akong diktahan sa mga bagay na gusto ko dahil buhay ko naman ito‚ tanging puting likido lang ang pinundar niyo kaya ako nabuo pero hindi niyo ako pag aari‚ dahil sa una palang itinatakwil na kita bilang aking ama‚ ANG PAMAMALAKAD MO ANG DAHILAN KUNG BAKIT NAMATAY ANG MAHAL KONG INA‚ KAYA HINDING-HINDI KITA MAPAPATAWAD!!” mahaba niyang turan dala ng matinding galit sa ama ng maramdaman niyang tumama ang kamao neto sa kaniyang kaliwang pisnge dahilan para siya’y mahulog sa kaniyang hinihigaan
pero hindi niya iyon ininda at agad na tumayo

“ANG LAKAS NG LOOB MONG BASTOSIN ANG IYONG AMA ZACK‚ BAKA NAKAKALIMUTAN MO AKO ANG NAG TAGUYOD SA’YO SIMULAN NOONG MAMATAY ANG IYONG MAHAL NA INA KAYA ’WAG MO AKONG SUSUMBATAN DAHIL PWEDE KITANG PATAYIN NGAYON DITO MISMO” malakas na sigaw ng kaniyang ama‚ hindi inalintana ang mga tao na nasa loob ng pagamotan

Hindi nalang iyong pinansin ni zack at agad na lumabas para hindi na lumaki pa ’yung gulo

“antayin mo ang pag lakas ko ama‚ ipapakita ko sa’yo ang kayang gawin ng isang itinakwil na alvarez”

kiro’s PoV

kasalukuyan akong nakahiga sa isa sa silid ng pagamotin dahil sa biglaan kong pagkahimatay at hanggang ngayon hindi ko parin mabatid kung ano ba talaga ang mensaheng ipinahayag sa ipinakita sa aking panaginip

flashback(02:08 pm)

saktong pagkagising ko hindi ko namalayan kung saan ako dinala ng aking panaginip pero nakita ko nalang ang aking sarili na nakatayo sa isang napakadilim na lugar

“tao poo!! may nilalang bang naririto ngayon?!!!” may kalakasan kong sigaw dahil sa wala akong makitang kahit na ano ng biglang may sumulpot na nilalang sa aking harapan

isang babaeng maliit na may itim na pakpak sa kaniyang likod at sungay na kasing liit ng aking hinliliit at tangkad na halos kasing taas ng bewang ko

maligayang pag bati kiro‚ ako nga pala si freya isang demunyong fairy na itinakwil ng mga diyos at diyosa dahil sa aking pagiging masama‚ at narito ako sa iyong harapang upang ibigay ang impormasyong nararapat mong malaman” may kaliitang boses nitong sabi saka ngumit ng napakatamis‚ cute pero nakakatakot

“ano naman iyon freya?” tanong ko saka ito tinignan

“nais ko lang ihayag na ako ay tuluyan ng magiging iyo dahil iyon ang utos ng aming hari‚ huwag kang mag aalala hindi kita sasaktan katulad ng ginagawa ni Beelzebub sa’yo‚ papayag kabang maging tagapangalaga ko?” aniya na ipinag taka ko‚ sinong hari at bakit kilala niya si bub? anong relasyon ng dalawang ito“kung nag tataka ka ako at si Beelzebub ay nasa iisang kampo lamang kaya kami magkakilala” nababasa niya ang isip ko

“kung gayon pumayag akong maging iyong tagapangalaga freya” ani ko

“pero bago ’yun kiro nais kong sabihin na mag ingat nga sa mga makakasalamuha mo sa loob ng akademyang iyong papasokan dahil maaring ang magiging kaibigan mo ang siya ring tutusok sa’yo patalikod para pabagsakin ka‚ pero ’wag kang mag alala gagabayan kita” makahulugan niyang sambit na ipinag taka ko‚ anong mag ingat?

hindi ko nalang ito pinag tuunan ng pansin at nag umpisa ng simulan ang ritwal para maging isang ganap ko siyang spirito at ilang saglit lang natapos din ang aming ginawa at tuluyan akong nagising

______________________________________________

ang gulo neto pero kerihin niyo nalang haha

please vote & comments and follow me here for more ud alijore

xWhere stories live. Discover now