TBAB: 30

1.1K 40 3
                                    

Violet POV



"Wow! I hope that you will say good news because you are the one who initiated the call." Nahihimigan ko ang masigla at excitement na boses ng aking ina mula sa kabilang linya.

Napakamot ako sa aking batok habang may malawak din na ngiti sa aking labi. Medyo nahihiya man ako pero this time, alam kong seryoso na ako sa gagawin ko. At alam ko rin gagawin ko ito para sa amin ni Nicole.

"About the position, you are offering me in the company." Sagot ko sa kanya. Hindi ito nagsalita at halatang hinihintay lamang ang susunod kong sasabihin.

"Gusto ko lang sanang itanong kung kailan ako pwedeng magsimula? I-I mean, syempre hindi ako papayag na hindi ko 'yun paghihirapan. Ayoko naman na ibigay ninyo sa akin ang posisyon nang ganun-ganun lang." Paliwanag ko pa.

May ilang segundo itong hindi nakapagsalita ngunit naririnig ko ang mahinang hagikhik niya mula sa kabilang linya.

"Ma!" Saway ko sa kanya. "Please, don't laugh at me!" Napapatirik ang mga mata na dagdag ko pa.

"What?! I am not!" Pagtatanggi pa nito bago napatikhim. "May I know what made you change your mind? Or should I say, WHO?" Dagdag na panunukso pa niya.

Muli akong napairap nang may ngiti sa aking labi kahit na hindi naman n'ya nakikita.

"Is she there with you?" Dagdag na tanong pa niya. "Wala ka na kasi yatang balak na umuwi pa eh."

"Ma! Please, don't say that if Nana Erica is in front of you. Baka mamaya umiyak na naman 'yan at isiping mag-aasawa na ako."

Yes! The last time kasi na hindi ako umuwi ng apat na araw dahil nag-out of town kami ni Katie ay wala itong ibang ginawa kundi ang umiyak at ang magpabebe sa akin dahil iniisip niyang mag-aasawa na ako.

Narinig kong napatawa si Mama Pearl mula sa kabilang linya. Iyong tawa na malutong.

"Too late, naririnig ka niya dahil naka-loudspeaker ang phone." Sagot nito bago muling napatawa. Kaya naman napatawa na lamang din ako nang tuluyan.

Noon naman napasulyap ako sa babaeng nakaupo sa may sala ng kwarto habang tumatawa-tawa ring nanonood sa akin.

"Oh siya, I'm a bit busy today, report to me when you get back. Okay?"

"Alright, ma'am!"

"And please say hi for me to Nicole." Dagdag at pahabol pa niya bago tuluyang ibinaba na ang tawag.

Pagkatapos noon ay malawak ang ngiti na nagbaling ako ng tingin kay Nicole. Habang ito naman ay napapataas baba ng kanyang kilay na humahakbang palapit sa akin. Lalapitan ko na rin sana ito nang biglang muling tumunog ang cellphone ko.

Nagtataka naman ang mga mata na muling napatingin ako sa screen nito.

It's Katie.

Sa messenger siya tumatawag and she wants a video call. Awtomatikong napalunok ako ng mariin bago napasulyap kay Nicole na mayroon ding pagtataka sa kanyang mga mata. Napatikhim ako bago tuluyang sinagot ang tawag.

Magsasalita na sana ako nang maunahan niya.

"Where are you?" Bungad na tanong nito sa akin.

Napahinga ako ng malalim. Ayaw ko na kasing magsinungaling sa kanya.

"I'm with Nicole." Diretsahang sagot ko sa kanya at pag-amin. "I'm sorry, Katie. Sinubukan ko naman eh. P-Pero kasi---"

"Wala ka namang dapat ihingi ng tawad, V." Putol nito sa akin bago ako binigyan ng isang ngiti. "Wala naman na akong magagawa pa kung hindi na ako ang gusto mo, 'di ba? Kahit pa magalit ako, wala rin namang magagawa. Hindi na mababago no'n o maibabalik pa ang dati mong nararamdaman para sa akin." Pagpapatuloy niya habang naginginig ang boses.

HBS 1: New Generation  - The Beauty & Brain (Gxg) COMPLETEDTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang