I

250 30 9
                                    

Madilim at puno nang sariwang dugo ang pasilyo na aking nilalakaran at may naririnig rin akong mga sigaw─nagmamaka-awa, na nagpapatayo ng aking mga balahibo sa aking katawan.

“Where am I?” saad ko habang naglakad sa walang katapusang nakakatakot na pasilyo. Kahit na sobrang nanginginig na ang aking tuhod ay pinipilit ko paring maglakad sa madilim na pasilyo para hanapin kong saan ang labasan nito.

Unti-unting humina ang mga sigawan hanggang sa bigla nalang tumahimik ang buong paligid. Bumagal naman ang aking paglalakad at nakiramdam sa aking paligid. Wala akong ibang naririnig maliban sa yabag ng aking mga paa ngunit ilang segundo lang ang lumipas ay meron akong nararamdamang sumusunod sa akin, ang kaninang mga yabag na kagagawan ko ay nadagdag. Hindi ito sa akin dahil galing ito nakasunod sa akin...

Nanlamig ang aking katawan ngunit ako'y pinag papawisan. Lahat na ata ng balahibo ko sa katawan ay nagsitayuan na. Sobrang bilis naman tibok ng aking puso na para bang gusto nitong lumabas sa aking dibdib.

“Dahlia...” Bigla nalang akong napako sa aking kinatatayuan nang may bigla nalang may bumulong sa aking tenga. Pangalang hindi ko kilala.

Is she Dahlia?

Sa isang iglap ay parang tumigil nang ilang segundo sa pag-tibok ang aking puso. Mas lumala ang panginginig ng aking tuhod at malapit nang bumigay.

“L-Leave me alone, please...” Kahit na nangingig ang aking labi dahil sa sobrang takot ay nagawa ko paring isa-tinig ang salitang iyon.

Pagkatapos kong sabihin ang katagang iyon ay parang bigla nalang nawala ang presensya sa aking likod. Dahan-dahan kong ginalaw ang aking ulo para lingunin ang kanina pang sumusunod sa akin ngunit isang walang katapusang pasilyo lang ang bumungad sa akin.

Dahil sa takot ay mabilis akong tumakbo. Ang kaninang tahimik na pasilyo ay biglang umingay dahil bumalik ang mga sigawan. Pumasok ako sa isang silid para magtago dahil sa palakas nang palakas ang mga sigaw na aking naririnig at mas nadagdagan pa ang aking takot nang nakarinig ako ng tatlong magkasunod na putok ng baril.

Nang nakapasok na ako sa hindi ko kilalang silid ay kaagad ko itong ni-lock at nanghihinang umupo sa likod ng pinto. Tinakpan ko ang aking tenga upang hindi ko marinig ang mga nakakatakot na mga sigaw. Sunod-sunod namang nagpatakan ang ang aking mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Para itong talon na walang tigil sa pag-agos. Hindi na ako nag abalang punasan ito at niyakap nalang ang aking tuhod.

“Daddy...” Sabi ko sa gitna ng aking paghikbi.

“Shh... he might hear you,” someone said.

Nilibot ng aking paningin ang buong silid upang tignan ko sino ang nagsalita ngunit wala akong nakita kahit anino man lang. Mas lumakas ang aking pag-iyak dahil sa sobrang takot.

“W-Who are you? Show your self,” usal ko sa mahinang tono.

“Who am I?” Napalingon ako sa human size mirror dahil parang doon nang gagaling ang boses na aking naririnig at hindi nga ako nagkamali meron ngang tao doon pero laking pagtataka ko ay reflection ko iyon sa salamin. Ang kaibahan lang ay ang aming mukha, hindi sa akin ang mukhang nasa salamin pero ang damit namin at posisyong ng aming pagkakaupo ay parehong-pareho.

Ngumisi ito sa akin ngunit puno ng galit at lungkot ang kaniyang mga mata.

“Can't you remember me, my dear old friend?” Saad niya at tumayo sakiyang pagkakaupo at naglalakad palapit saakin- palabas sa salamin.

‘What on earth is happening?!’ Sigaw ko sa aking isipan. Mas doble ang aking nararamdamang kaba at halos sumakit na ang aking dibdib dahil sa lakas nang tambol ng aking puso.

Sinubukan kong umatras kahit wala na akong maatrasan at pinunasan ang aking luhang walang tigil sa pag-agos.

“Don't be afraid, I'm not going to hurt you,” aniya.

“What─”  I tried to speak but she cut me off.

“He’s coming...” Mahinang saad niya at ang galit sa kaniyang mga mata at napalitan ng takot. Luminga-linga siya sa paligid at parang may naririnig siya na s'ya lamang nakakarinig. Sinukli-an ko naman ito nang naguguluhang tingin.

Mas bumilis ang kaniyang paglalakad papalapit sa akin at napansin ko na med’yo bumabata siya at lumiliit habang humahakbang siya papalapit saakin. Hanggang sa isang bata nalang ang nasa harap ko.

Kunot noo ko siyang pinagmasdan nang maigi at napansin kong med'yo pamilyar ang kaniyang mga mata. Parang nakita ko na s'ya ngunit hindi ko lang maalala. That face, that eyes, that body... Is so familiar.

“He's coming!” nanginginig niyang wika.

Ibinukas ko ang aking bibig upang mag salita sana ngunit may biglang kumatok nang malakas sa pinto, tatlong malakas na mag kasunod na katok.

Nabaling doon ang aking atensyon at umalis sa pagkakasandal sa pinto nang may nakita akong anino sa ilalim ng pinto, ngunit na balik rin sa bata ang atensyon ko nang sumigaw ito nang malakas at biglang naglaho. Ngunit bago s'ya nag laho ay may pangungusap s'yang binitawan na nagpatindig nang aking balahibo.

“He's coming and get us! Hide! You need to h-hide! We need t-to hide...”

Nanlaki ang aking mata at ka-agad na tumayo sa aking kina u-upo-an kahit na nanginginig ang aking tuhod dahil palakas nang palakas ang kaniyang mga katok. Parang halimaw na nagwawala dahil hindi s'ya makapasok. Mabilis akong pumasok sa maliit na cabinet na malapit lang sa kama at pinagkas'ya ang aking sarili doon. Malapit ko nang maisarado ang pinto ng cabinet ngunit biglang bumukas ang pinto. Biglang tumahimik ang buong silid. Wala akong ibang naririnig maliban sa yabag ng kaniyang mga paa.

Napangsinghap ako at ka-agad na tinakpan ang aking bibig. Similip ako sa maliit na siwang ng pinto ng cabinet. Isang matangkad na anino ng lalaki ang aking unang nakita, papalapit ito sa kama. Habang siya ay papalapit sa kama ay nagsimula itong umawit.

“Tagu-taguan maliwanag ang buwan.
Tayo'y mag laro ng tagu-taguan,” mahinang kanta nito.

Nanlamig ako sa aking kina u-upo-an ngunit ako'y pinag papawisan. Ramdam na ramdam ko ang panginginig at pamamasa ng aking kamay na nakatakip sa aking bibig upang hindi ako makagawa nang kahit anong ingay.

“Pagbilang kong sampo nakatagu na kayo...”

Umupo siya sa kabilang side ng kama kaya nakatalikod siya sa akin at kitang-kita ko ang kaniyang puting damit na nababalutan nang dugo at ang magulong buhok nito.

He looks like a monster.

“Isa...”

Napalunok naman ako sa aking nakita. Pigil-hinga ko siyang tinignan.

Dalawa...”

Ginamit ko ka-agad ang pagkakataon na nakatalikod siya sa akin upang maisarado nang mabuti ang pinto ng cabinet. Pero bago ko paman maisarado ang pinto ng cabinet ay bigla itong gumawa ng ingay. Nangingig akong tumingin sa siwang ng pinto para tignan ang lalaki na aking pinagtataguan pero...

Nandito na s'ya sa aking harap. Nakasilip sa pinto ng cabinet. Nanlilisik ang kaniyang matang naka tingin sa akin.

Nanlamig ako sa aking kina u-upo-an at parang sa isang iglap nakalimutan kong huminga. Sobrang lakas at bilis ng tibok ng aking puso na parang kahit anong segundo ay p'wedeng nang sumabog.

“Do you really think you can hide from me, huh? Well, think twice, sweetie.” Malambing niyang saad at nagpakawala nang isang ngiti. Isang nakakakilabot na ngiti.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 04 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Living In A Lie | Baddie Series #IWhere stories live. Discover now