Chapter 9

972 33 6
                                    





























I S H Y ' S P O V


Ilang days na ang lumipas simula nang lumipat si Kuya Deans dito sa condo. Nakakatuwa dahil
meron na ulit nag aaalaga kay Ate, bonus pa! Pati ako inaalagaan ni Kuya hehe. Nakakatuwa at nakakakilig din silang pagmasdan kahit parang kawawa lagi is Kuys kay Ate. Grabe kasi ang moods ni ate, ang haba din nang pasensya ni Kuya kay Ate.



Ang laki ng respeto na na-earn ni Kuya sa akin. Kasi isipin mo ba naman, paggising niya sa umaga, mag luluto siya ng breakfast. Pagkatapos nun is mag paalam na siya saamin para umattend nang training dahil nga PBA player siya. After training, tatawag naman siya saamin kung kamusta na daw kami at may gusto ba daw kami na bilhin at bibilihin niya na daw. Tapos pag dating niya pa dito sa bahay aawayin pa siya ni Ate tapos mag eemote kay Kuya.





Sabi ng doctor ni Ate. Normal lang naman daw na emotional si Ate dahil nga buntis siya at dala ito ng hormones. Nalaman ko kasi dahil sinamahan ko kasi sila Kuya na mag pa check-up noong isang araw, kitang kita kung gaano kasaya si Kuya Deans at Ate nang makita nila sa ultrasound ang baby. Ewan ko kung bakit sila umiiyak nuong makita, eh wala naman akong nakita na hugis ng baby. Pero sabi naman ng doctor ay normal lang ang heartbeat ng baby nila Ate at mukhang healthy naman daw.












F L A S H B A C K


"Dean Ayvan Kyle Wong! Ano tong mga nakikita ko na mga hugasin Hah?" Narinig kong sigaw ni Ate.

Ang aga naman niya magalit anong oras palang oh!

"Ay sorry, love! Naka tulog kasi ako after kong mag luto ng dinner kagabi." sagot ni Kuya.


"Anong love!? Kaylan mo pa akong tinawag na Love ah! Sabi ko na nga babaero ka?!" Galit na aniya ni Ate.

"Adi, lagi po naman tayong nag tatawagan na love ah?" Saad ni Kuya.

Hindi na ako nakisali sa sermon ni Ate. Kawawa na naman si Kuya, I mean lagi naman silang nag tatawagan na love lalo na pag biglang nag tampo si Ate kay Kuya o kaya nag bababy talk silang dalawa.

Nagsalita si Ate. "Wag lang kayo mag papakita saakin ng babae mo. Iiwan talaga kita para hindi mo makikita ang anak mo!"Sigaw ni Ate. Ako lagi nakakawitness nang pangaaway ni Ate kay Kuya. Laging under di Kuys Deans kay Ate.


"Adi, naman wala naman po akong babae eh kaya wag kana pong mag alala hindi ako malalayo sainyo ni Baby." Malambing na saad ni kuya.

Narinig ko na para bang humihikbi si Ate kaya napalingon naman ako sakanilang dalawa. Ayun! Umiiyak nga talaga. Grave talaga mood swing niya, buti kinakaya pa ni Kuya.


"P-pano pag lumaki na yung tiyan ko? Paano pag tumaba ako kasi k-kain ako nang kain dahil sa cravings ko? Iiwan mo na na ako?" sabi ni Ate habang humihikbi.


"Adi....kahit na lumaki pa yang tyan mo, kahit tumaba ka pa ng sobra, at mag karion ng madaming stretchmarks, hindi ko kayo iiwan ni baby. Mahal na mahal kita kaya." Kalmadong sabi ni Kuya at yumakap kay Ate at
hinagod ang likod niya nakita ko rin na hinalikan niya si Ate sa noo. Sanaol!


Inangat naman ni Ate ang kanyang ulo."Talaga? Kahit madaming sexy at magagandang cheerleaders ka pag nag lalaro kayo?" sabi ni Ate.


Nagsalita si Kuya."Sus! Wala yun sayo, ikaw nga ang sexy sexy mo sobra kaya nga kita nabuntis eh!"

Nangiingit ata ang mga ferson ansakit sa eyes hirap maging third wheel palagi ano?


"Tigil na po ano? nakaksakit na kasi po sa eyes andito kasi ako eh baka nakalimutan niyo?"Singit ko kaya naman natawa sila.


Hindi ko alam kung matutuwa at kikiligin o maiinis ako sakanila. Palibhasa di nila naranasan maging mag jowa noon wala kasi silang LABEL noon. Mas grabe naman ang landiaan nila ngayon kaysa dati.




E N D O F F L A S H B A C K


*Kringggg"

Me : Hello ma? Napatawag ka po?

Napatingin naman sila saakin at huminto sa pag lalandian.

Mama : bakit parang gulat na gulat ka nak?
sha nga pala nasaan si Ate mo kanina ko pa siya tinatawagan pero di niya sinasagot.

Ate : Ma! Nandito po ako nasa loob po kasi ng kwarto yung phone ko kaya di ko nasagot kakakuha ko lang din.

Mama : Ah ganon ba, nga pala kailan ba kayo uuwing magkapatid dito sa Pampanga.

Nag tinginan naman kaming tatlo nakita ko naman ang pag lunok ng laway ni Kuya, at si Ate ay biglang pinag pawisan.



Lumapit si Ate kay Kuya. "I think we should tell Mama na, Adi." Bulong ni Ate kay Kuya.



Nagsalita naman si Kuya."Sure ka? Are you ready naba?"Tanong ni Kuya.


Mama : Hello nak? Ibyang? Ishy? Bakit parang may boses lalaki diyan meron ba kayong bisita?

Ate : Ah oo ma andito si Dean napabisita kasi siya.

Mama : Yung highschool manliligaw mo? Si Dean? Kamusta naman siya? Isama niyo siya pag uwi ninyo dito ah!


Ate : Ah okay naman po siya, opo isasama namin siya pag uwi namin diyan sa weekends po.

Mama : Okay, sige. Ipagluluto namin kayo. Mag ingat kayo diyan. Love you.


Ate/Ako : Bye ma! Love you too!


E N D C A L L

"Sure na ba kayo?" Tanong ko bigla.

"Oo naman syempre. Wala din naman kaming lakad sa weekends wala ding training si Deans gabi ng friday siguro tayo bibiyahe." sagot ni Ate.

Di nila na gets. "Ibig sabihin ko, is ready na ba kayo na sabihin." saad ko.

Hindi talaga ako maka get over kanina sa pag lunok ni Kuya ng sariling laway. hahaha!


"Wala naman na kaming ibang choice eh mas mahihirapan lang kami kung papatagalin naming dalawa." Aniya ni Kuya.





"Ey Ikaw Kuya? Keri pa ba HAHAHA! Kita ko yung pag lunok mo kanina eh" Asar ko kay Kuya.

"Nandyan Naman si Ate mo. Tsaka hindi namin namin ito malalagpasan kung hindi namin ito sisimulan. It's also better din if magsasabi na kami sa inyo kasi at least maga-guide kami ng Mama ninyo." Mahabang Sagot ni Kuya.


"Wow ha tapang! Basta Ako bahala ichismis kanila Shaira!" Saad ko.


Binatukan naman ako ni Ate." Gaga ka subukan mo talaga" panakot ni Ate.


______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Lacsina side naman tayo ngayon! 😉

A/N : Short Chapterr

Hello! I'm really sorry if lately hindi po ako nakakapag update nitong story na ito. May pinagdadaaanan lang po kasi hehe.

Sana maintindihan ninyo po 🤍

Falling Inlove Where stories live. Discover now