Chapter 10.New student

256 8 0
                                    

𝑳𝑬𝑿𝑰𝑬 𝑷𝑶𝑽.

Nagising nalang ako na tumunog ang telepono ko.Bumungad sakin ang malakas na boses ni camille.

[ Girl gumising kana! ] bungad nito sa dahilan para mailayo ko sa tenga ko ang telepono.

"Ano ba?!"reklamo ko din dito.

[ Ano di kaba tatayo dyan? ] pasigaw na sabi nito.Kaya agad kong pinatay ang tawag at nag-unat ng kamay.

Ginawa kona ang morning routine ko.Pagkatapos kong maligo ay sinuot ko ang white t-shirt at tinuck in sa blue jean skirt ko.Nagsuot narin ako ng blue strips jacket at pinarisan kodin ng white shoes.Pababa nako ng hagdan dala ang bag ko ng nakita ko si mama na nagluluto sa kusina.

"Lexie nandyan kana pala"bungad nito sakin.

"Syempre naman po"turan ko at napatingin sa niluto nyang kare-kare.

"Oh sya,gisingin mo nalang ang kapatid mo at ihahatid kopa yan sa school"utos nito.Kaya agad akong pumunta sa kwarto ni lance.

"Lance gising na"katok ko sa pinto.Pero wala akong narinig na respondi.

Bumulwak mona ako ng hangin bago ito buksan.Nakita ko itong nakahilata parin sa kama kaya agad ko syang nilapitan at ginising.

"Lance?"ani ko.Pero di parin sya gumigising.Nilagay ko ang kamay ko sa noo nya at napag-alaman kong sobrang init nya.

Agad akong bumaba at sinabihan si mama.Inutusan pako nito na bantayin yung kare-kare.Inilapag kona ang mainit-init na kare-kare sa kalakihan na mangkok.Nakita ko itong pababa ng hagdan dala ang maliit na planggana at bimpo.

"Kumusta sya ma?"tanong ko dito.

"Nagpapahinga na sya"saad nito ng mailapag ang mga gamit.

Katatapos ko lang kumain ng ibinigay ni mama sakin ang papel.

"Excuse letter yan pakibigay nalang sa teacher ni lance"tumango ako at nginitian sya.

"Lexie mag-ingat ka"pahabol nitong sigaw.

"Opo!"sigaw ko pabalik.At dali-daling lumabas ng bahay.

Sakay ang biseklita ay tinungo ko ang school ni lance.Nadadaanan ko lang kasi ang school nya.

"Veronica!"sigaw ko kay veronica. kaklase kasi sya ni lance at matalik din na kaibigan.

"Ate lexie!"sigaw nito sabay lapit.

"Nasan po si lance?"taka nitong tanong.

"May lagnat kasi si lance kaya ito pakibigay nalang sa teacher nyo"sabay abot ko sa papel.Agad nya naman itong tinanggap.

"Okay po"bungisngis nitong ngiti.

"Cge babye!"papa-alam ko dito.Sabay padyak sa biseklita.

"Bababye ate lexie!"pasigaw pa nito.Kaya diko nalang ito nilingon.

Hingal na hingal akong nakarating sa school at pinark ito sa gilid.Nilock ko mona ang kandado nito bago pumasok.Pakunti na ang mga estudyante na nadadaanan ko kaya binilisan kona ang kilos ko.Pagkarating ko sa room ay nagstart na ang klase.Pumasok ako na walang pagalin-langan.

"Sorry for being late mrs.sanchez"paghingi ko ng tawad dito.

"It's okay lexie you may take your sit"utos nito at may sinusulat sa board.

"Thank you ma'am"umupo agad ako katabi ni camille na ngayon ay inirapan ako.

"Sabi ko naman sayo  gumising ka ng maaga"pabulong nitong sabi sabay irap.

"Oo nga"pabulong ko din dito.Sabay tingin padin kay ma'am.

Tumigil si ma'am sa ginagawa nya at pumunta sa labas ng room.

Mystic World [COMPLETE]Where stories live. Discover now