HTH 3

37 4 1
                                    

DOMINIQUE'S POV

"Hey, Dom! What's up?" Pagpasok ko pa lang ng entrance ay bumungad na sa akin si Kendall, Khloe's sister. Siya ang may-ari nitong Moon Woke Bar.

"Im great, you look so different tonight. What's up?" nakangiting tugon ko sa kaniya.

"Well, Im just preparing my party for next week–" Hindi pa niya natatapos ang sasabihin niya nang dumating ang isang babae.

"Ma'am, may tawag po sa office niyo," sambit ng babae. Mabilis namang nagpaalam si Kenny sa akin bago siya umalis.

So, pumunta naman ako sa counter bar at um-order ng iinumin ko.

I just want to be wild for once tonight. Since my Dad decided to give his business on his step-daughter, then I will do whatever I want.

I don't care about him anymore.

Dahil naalala ko ang sinabi niya kanina, mabilis kong tinungga ang nasa baso sa harap ko.

Sunod-sunod ko iyong tinungga na tila walang bukas.

Nang medyo nahilo ako ay tumigil ako sandali at mabilis na lumapit sa dance floor.

THIRD PERSON'S POV

Habang tinatahak ni Dominique ay ramdam na niya ang pagkahilo subalit dahil sa kagustuhang magpakalasing ay hindi siya nagpaawat pa.

Dahil sa kalasingan,  hindi niya na alam ang mga nangyayari sa paligid gaya ng paglapit ng isang lalaki sa kinaroroonan niya. 

Patuloy ang pag-indak niya sa dancefloor habang nasa likod niya ang lalaki na pasimple ring sumasayaw paharap sa kaniya.

She was wearing a black sleeveless dress that accentuated her flawless skin.

Bagay na sobrang nagpa-init sa lalaki. Dahil sa hindi matiis ay Unti-unting hinaplos ang makinis niyang braso dahilan oara mapatigil siya sa pagsayaw.

"How dare you to touch me!" sigaw niya at mabilis na itinulak ang lalaki.

"You pervert!" dagdag niya habang masamang nakatingin dito.

"Kunyari ka pa, Miss! Alam ko namang gustong-gusto mo ang ginagawa ko sa iyo," sambit naman ng lalaki at lumapit siya kay Dominique.

"Come on, Baby. Come to daddy," nakangiting sambit ng lalaki sa kaniya habang malisosyong nakatingin sa katawan niya.

Akmang hahawakan ng lalaki si Dominique nang magsalita ito.

"Dont you dare to touch me again. I will sue you!" sigaw niya rito.

Pero imbes na matakot ang lalaki napangisi lamang ito at unti-unting lumapit muli sa kaniya.

"Come on, I know that you want it too. Let's go, I will make your night sweeter," sambit nito at akmang hahawakan si Dom subalit isang kamay ang pumigil sa lalaki dahilan para matigilan rin si Dominique.

Kahit na lasing ay malinaw niyang nakikita ang mukha ng lalaki.

"Stay away from her," malamig na sambit ng lalaki.

Hindi magawang makagalaw ni Dom habang tinitigan ang mukha ng estrangherong lalaki sa harap niya na nagtatanggol sa kaniya.

"Teka nga, sino ka bang pakialamero ka? Huwag kang makialam!" sigaw naman ng bastos ng lalaki bago inagaw ang kamay nito.

"Didn't you hear what she said? Or do I need to repeat it?" seryosong tanong naman ng lalaki sa kausap nito.

"Aba, gago ka pala!"

Akmang susuntukin ng bastos ng lalaki ang estrangherong lalaki nang unahan nito ng isang malakas na suntok sa pisngi dahilan para mapaatras ang lalaki.

"Dont ever bother her again, or I will kill you." Tila natakot ang lalaki at mabilis itong tumakbo paalis.

Tila nagbalik sa reyalidaf si Dominique nang humarap sa kaniya ang estranghero.

"Are you okay, Miss? You are safe now," sabi nito sa kaniya.

"Yeah, Im good. Thank you," paos na turan niya sa lalaki.

"You are drunk, you should go home," nag-aalala na sambit pa nito sa kaniya.

"No, I can handle myself," nakangiti namang tanggi niya sa lalaki.

Paalis na sana siya nang bigla siyang matapilok dahilan para saluhin siya ng lalaki.

Mas lalo niyang nakita ang mukha nito. At masasabi niyang hindi pangkaraniwan ang ganitong appeal ng lalaki.

Napadako ang tingin niya sa labi ng lalaki.

Tila inaakit siya nito kaya wala siyang nagawa kung hindi ang halikan ang lalaki. Mabilis naman siyang nailayo nito.

"Im sorry, Miss. You are drunk, and I'm married. Excuse me," sabi pa ng lalaki  bago ito tumalikod at lumakad palayo.

Tinanaw lamang niya ito habang napahawak sa labi niya.

"He's so fucking hot!" bulong ni Dominique sa sarili kasunod ang pagngiti nito.

Bumalik siya sa counter bar at muling um-order ng inumin.

Sunod-sunod niyang tinungga ang mga alak na nasa harap niya.

Halos sumobsob na siya sa   bar table sa kalasingan.

Napansin iyon ng bartender kaya agad niyang tinawag si Kenny na mabilis ring pinuntahan si Dom.

"Omg, Dom! What happened to you?" nagtatakang tanong ni Kenny sa bagsak na si Dominique.

"Nitchi! Please, call my sister right now," utos pa nito sa assistant niya bago ginising si Dom.

"Hey, girl. Wake up. You should go home," aniya.

"I want more drinks!" bulong nito kaya naman napakamot na lang si Kenny habang hinihintay na dumating si Khloe.

Ilang saglit pa ay nagmamadaling pumasok si Khloe sa entrance at hinanap si Dominique.

"What happened?" tanong nito nang makita si Dominique na nasa bar table.

"She's drunk, I don't know what's happening to her," kibit-balikat na sagot naman ni Kenny.

"I will take her home. Guard! Please help me to get her inside the car," utos ni Koko at mabilis naman nilang dinala si Dominique sa kotse.

Ilang minuto pa ang nakalipas nang makarating sila sa bahay ni Dominique.

Sa gate pa lang ay naka-abang na ang isang katulong kaya mabilis nitong tinulungan si Koko na ipasok si Dominique.

Papasok pa lang sila nang bumungad ang Daddy ni Dom sa pinto.

"Tito!" awkward na bati niya.

"What happened to her?" tanong ng Dad ni Dominique.

Kinwento naman ni Koko ang mga nangyari bago ito ipasok sa kwarto niya.

Napailing na lamang ang daddy ni Dom nang makita ang sitwasyon niya.

"Dominique, what happened to you?" tanong nito sa nakahiga na si Dom.

"Nothing, Dad. Im just having fun!" nakangiting sagot naman ni Dom bago ito muling bumangon.

"You are drunk."

"No, Dad. Im not. Oh, wait. Why do you care? Kailan ka pa nagkaroon ng pakialam sa akin?" natatawang tanong naman ni Dom bago siya muling bumagsak sa higaan.

"Sinunod ko ang mga gusto mo, Dad. But in the end, yung magaling mong step-daughter pa rin nag mamamahala ng lahat! Edi, go! Magsama-sama kayong lahat!" sambit niya kasunod ang pagpikit ng mata.

Tanging pagtingin na lamang ang nagawa ng Dad niya bago ito lumabas ng kwarto niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 07 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hotter than HellWhere stories live. Discover now