Unang Kabanata

136 9 2
                                    


Tricia's POV

Ano nga ba ang mayroon sa simbahan at palagi akong nalulungkot tuwing tititigan o napupuntahan ko ito.

Nagsimula lamang ito 8 years ago, kung saan nagsangkot ako sa isang aksidente. Hindi ko alam kong naalog lang ba ang buong pagkatao ko at ganito na lang tuwing mapupunta ako sa simbahan.

It's the 14th of February, we're here again para ipagdasal si Kuya Vince. 3 years ago, it should be their happiest day but it turns out their worst, namatay siya sa araw ng kasal nila Ate Aika. Simula noon hindi na naging ganon kasaya ang araw ng mga puso para sa amin. Hindi na rin ganon kasaya si Ate, parang pati siya nawala sa amin not until the twins came. Unexpected blessing noong mga panahon na nawawalan na siya ng gana sa buhay, they didn't know back then that she was 3 weeks pregnant before the wedding.

Simula noon naging masaya ulit si Ate Aiks pero alam kong sa likod ng mga ngiti niya sa harap ng kambal, gabi-gabi siyang umiiyak ng patago. Wala man lang kaming magawa, hindi namin ma babalik ang binawi na. Ang dami niya nang sakit na pinagdaan, she didn't deserve all this pain kung pwede ko lang pasanin ang kalahati ng pighati niya aakuin ko na.

She's silently crying again habang nagdadasal, hindi ko alam kung kailan o kung matatapos pa ba ang sakit na pinagdadaanan niya. We all know that she's just being strong for the twins, nabubuhay na lamang siya para dito. Pagkatapos kunin sa kanya si Vince, napalitan naman ito ng dalawang anghel namin ngayon.

"Ate.." I rubbed her back, naiiyak na rin ako dahil never naman ganito si Ate Aika sa harap namin palagi. Siya ang pinakamatatag sa aming tatlo, silang dalawa ni Mama.

Umiyak lang siya nang umiyak hanggang sa napagod siya at nag-aya nang umiwi dahil naghihintay si Mama at ang kambal sa amin. We stood up, ganon din si Jill na katabi niya sa kabilang side.

Bago kami lumabas ng simbahan, kung saan palagi kaming nagsisimba dito sa Naga, nakita ko na naman siya.

The guy in white polo, palagi siyang nandoon kapag nagsisimba o dumadalaw kami dito. Minsan nagtatama ang mga mata namin at minsan nginingitian ko siya. Matangkad lang siya ng kaunti sa akin, chinito at hindi ganon kaputi ang ang kanyang balat, sakto lang. Itim ang buhok, matangos ang ilong at may manipis na labi. Para siyang half Chinese at half Spanish sa ilong niya. Nakabisado ko na siya sa tagal na nakikita ko siya dito.

Napatingin na naman siya sa akin at nginitian ko naman siya bilang pagbati, ngumiti naman siya pabalik.

"Ate Trish ano pang ginagawa mo dyan, tara na." Napalingon ako kay Jill na nasa labas na ng pinto.

"Uh..I saw the guy again, yung kinikwento ko sayo last month." Ituturo ko sana siya kay Jill pero paglingon ko wala na siya, nasa labas na rin ng simbahan pero sa kabila siya lumabas, nakatalikod na mula dito.

"Where?" Jill asked me.

"Umalis na rin, ituturo ko sayo next time." I said while we were walking kung nasaan ang sasakyan namin si Ate Aika nauna na rin samin, ako ang nagdrive kase alam kong pagod si Ate ngayon.

Mabilis kaming nakarating sa bahay, sinalubong naman kami ng kambal. "Mommy!!!" Venice shouted at patakbong lumapit sa amin, si Ali naman nasa likod niya lang, tahimik habang hawak ang ipad niya.

"Hi, babes." Ate Aiks bend down para lumilevel sa dalawa, they kissed their Mom. Kaya napangiti kami ni Jill habang nanunuod sa kanila, ang daldal ni Venice unlike sa Kuya niya na tahimik lang.

Bumalik na rin ang ngiti ni Ate Aika habang naglalakad kami at karga-karga niya si Venice, tatlong taon na sila, si Venice masyado malaki sa age niya parang Jillian siya noong maliit pa minsan nga pinagkakamalang si Jill na siya ang ina at si Ali naman payat kabaliktaran talaga silang dalawa, nakuha ni Ali ang mga mata sa Daddy niya, si Venice naman Robredo talaga ang mukha.

"Where's Lola?" I asked Ali dahil ako naman ang may karga sa kanya.

"Wowa in the kitwen, Tita" Bulol na sagot niya sa akin.

"Anong oras pupunta sila Ate Gaile?" Tanong naman ni Jill habang papasok kami sa loob. I let go of Ali dahil maglalaro daw siya sa sala.

"Lunch, anytime soon nandito na sila." I answered her.

"Tita Jill, wits pey po." Venice asked Jill to play, ang cute niya I still can't get enough of her cuteness, feeling ko kaharap ko pa rin si Jillian. I pinched her cheeks kaya sumimangot siya and I giggled.

"Let's go to Kuya Ali." Sabi ni Jill at dinala siya nito sa sala kung nasaan si Ali.

Pumunta naman kami ni Ate Aiks sa kitchen kung saan naabotan namin si Mama na nagluluto.

"Adobo" Sabi ko habang inaamoy 'yung luto niya, "Amoy pa lang Ma, ulam na." I giggled.

"Ang bilis niyo naman, akala ko matatagalan pa kayo, on their way na rin sila ni Gaile." She said not facing us kase hinahalo ang pinangat na niluluto niya.

"Magbibihis lang po ako, Ma." Ate Aika excused her self bago siya umalis nag beso muna kay Mama.

"What happened?" Tanong ni Mama ng makaalis na si Ate.

"She cried, always naman." I said habang kumukuha na ng mga plato para maayos na ang table.

"Wala pa rin ba siyang nababanggit na bumisita kay Vince?" She asked me again, tapos na siya sa pagluto sinasalin na lang niya sa lalagyan.

I just shrugged my shoulder. Tatlong taon na ang nakalipas simula 'nong nawala si Kuya Vince pero hindi pa rin ito binibisita ni Ate at maski sa libing nito hindi siya nagpakita, halos dalawang linggo din siyang nasa kwarto lang nakatulala at minsan maabutan na lang namin na umiiyak. At ang pinakamalala siguro 'non isang araw naabotan namin siyang may hawak na cutter, siguro kung nalate lang kami ng isang minuto o segundo natuloy niya 'yon, pati si Mama halos hindi na rin alam ang gagawin ng mga panahong 'yon. Month after that incident, nakumbinse namin si Ate na nagpacheck up dahil palagi siyang nahihilo akala namin dahil lang sa stress, stage of grieve niya, pero buntis na pala siya.

"Tricia", I got my senses back when Mama tapped my shoulder, "What is it again?" May sinasabi kase siya na hindi ko narinig.

"Sabi ko tawagin mo na sila Jill ako na bahala dito."

Tinatapos ko munang ilagay ang mga baso before I went to Jillian na nasa sala, timing rin na pababa na si Ate at may narinig din kaming mga sasakyan sa labas, probably it's Ate Gaile, the Tito's and Titas.

"Yey, Tita Wowa Wisa is here!" Venice shouted at tumakbo na sa labas, muntik pa siyang matapilok mabuti na lang at nahabol ni Jill. She's very close to Tita Risa kaya ganyan ka excited, balibhasa kase spoiled sila sa mga Lola's and Lolo's.

"How's our apos? Makulit ba kayo dito?" Tanong agad nila habang isa isa kaming niyayakap.

"We..me and Venice are veyy good, tita doktora ganda said kanina."

Kwento ni Ali habang karga naman siya ni Tito Kit on our way to the kitchen sakto namang tapos na si Mama kaya kumain na rin kami agad.

Pagkatapos kumain tumambay muna kaming lahat sa labas, tanaw namin yung kambal at si Afo na naglalaro sa damuhan, while Nathalia is beside us na nagbabasa, dalaga na talaga siya.

Si Mama at ang mga Tita's and Tito's naman nasa loob may pinaguusapan about work.

"Trish you're talking about that guy sa simbahan kanina diba? Narinig ko kayo ni Jill." Biglang nagsalita si Ate Aiks.

"Yes Ate, kilala mo ba siya?"

"No, pero na curious din ako sa kanya because I never saw him din before pero palagi mo naman siyang nakwekwento samin."

"I'll visit the church again tomorrow, picture(ran)  ko siya pag nakita ko." I chuckled.

I'll try to have a conversation with him kaya tomorrow?



-🌷

Guía (Series 2)Where stories live. Discover now