Love at first bite ⁠♡ Prologue

167 3 0
                                    

"Dad! Look out!" tinuro ni Sky ang isang pigura ng lalaki nakatayo sa gitna ng kalsada. Mabilis na niliko ng kanyang ama ang kanilang sasakyan ngunit dahil sa biglaang paglitaw ng misteryosong lalaki ay hindi nito nakontrol ang minamaneho.

Nagpagewang gewang ang kanilang kotse hanggang sa tumama iyon sa gilid ng tulay.

Nilingon siya ng kanyang ama mula sa back seat. May takot na nakakubli sa mga mata nito ngunit pinilit pa rin nito ngumiti sa kanya.

"I love you, Sky," usal ng kanyang ama sa gitna nang paggaralgal ng boses at takot na nakakubli sa mga mata nito.

Mapait na ngumiti si Sky.

"I love you too, Daddy."

Inabot ng ama niya ang kanyang kamay ngunit bago pa man niya ito mahawakan ay bumulusok ang kotse pababa ng tulay.

Love At First BiteWhere stories live. Discover now