Sypnosis

19 0 0
                                    

Minsang naging magkaibigan ang dalawang kampo. May maayos na ugnayan at maganda ang pakikipagtunguhan.

"Eduardo."

"Frederick, ano at narito ka?"

"Nais ko lang dalawin ang aking matalik na kaibigan." Sabay na nagsitawanan ang dalawa.

Ngunit hindi maiiwasan ang kasakiman. Nang malaman ang pinakatatagong sekreto ay kaagad na gumawa ng hakbang ang kabilang kampo at nagsagawa ng plano. Pinagtaksilan ng mga tao ang mga bampira. Nasira ang kanilang samahan at napalitan ng alitan.

"Isa kang taksil!"

"Pasensya na Frederick."

"Eduardo!!"

Sa kabilang banda. Namayani ang sigawan sa palasyo. Isang malusog na sanggol ang isinilang. Ang hinihintay ng lahat. Ang babaeng magdadala ng liwanag at dilim.

"Tatiana Aleister."

"We waited you for a long time. Tatiana."

The ancestors have been asking the gods and goddesses for a long time for a heiress who will continue what one of the ancestors started.

Ito ay may nakakatandang kapatid na lalaki ngunit hindi sangayon ang mga ninuno na sya ang magpapatuloy sa nasimulan nila dahil hindi nila makita sa binata ang kakayahan ng isang malakas na bampira na magtataglay ng hindi basta bastang kapangyarihan.

"Ako si Lumina, binibigay ang kalahati ng aking kapangyarihan sa batang na sa aking harapan." Nasilaw ang lahat dahil sa liwanag na bumabalot sa katawan ni Lumina. Isang bolang crystal na kulay asul ang lumabas sa kanyang katawan.

Kaagad na sinundan ng iba ang ginawa ni Lumina. Ibat-ibang kulay ang pumapalibot sa bata. Nariyan ang pula, dilaw, puti, berde.

"Ako si Sariana, buong ibinibigay ang tinataglay kong kapangyarihan.."  at ang pinakadelikado sa lahat, ang itim. Nangitim ang mata ni Sariana, ang kanyang katawan ay unti unting nanghihina habang ang bolang crystal ay lumalabas sa kanyang katawan.

"Paumanhin, ngunit hindi bat masyado pang napakaaga para gawin ang ritwal?"

"Mas mahihirapan ang bata kung may kaedaran na nyang tatanggapin ang aming kapangyarihan, Laura."

"Ngunit ang itim.."

"Huwag kang mag alala Laura, tatanggapin ng iyong anak ang itim na kapangyarihan, iyon ang mas bubuhay sakanya."

"Ano ang ibig mong sabihin Sariana?"

"Baka nakakalimutan mong dugo ko ang mananalaytay sa batang iyan Laura?"

Kaagaad na nanigas ang babae sa kanyang narinig at natauhan. Marahan itong yumuko habang ang sanggol ay nasa kanyang bisig. Nanggilagid ang luha sa kanyang mata habang nakatingin sa sanggol.

"E-eduardo.."

"Gagaling ka na Marina, Nakuha ko na ang kwintas na iyong inaasam asam."






@✔

November 16, 2023

--

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 16, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Pendant of ArselusWhere stories live. Discover now