Kabanata 3 - Mundo ng Hirayon

22 2 0
                                    

Hernyxia Moscoval

“Sigurado ka na ba na sasama ka na sa 'kin? baka ika'y napipilitan lang?” pang-sampung beses na ulit ko na yata na narinig ang tanong na iyon kay Kia. Kanina pa kami nakatayo sa harapan na puno ng balete, hinihintay ko lang siyang buksan ang sinasabi niyang lagusan at mag-iisang oras na rin niya akong tinatanong ng ganiyan.

“Kung magbabago ba ang isip ko ay makakangiti ka pa kaya nang abot tainga?”  kanina pa kasi siya nakangiti sa 'kin kulang na lang ay mapunit na ang labi niya sa sobrang pagkakabanat. Hindi ba siya nangangalay?

“Aba syempre magtatampo ako at malulungkot.” humaba na naman ang nguso nito.

“Hindi naman siguro magkukulay ginto ang bracelet na 'to kung labag sa loob ko hindi ba?” sambit ko at itinaas ang kaliwang kamay ko sa harapan niya.

Sandali naman siyang napaisip sa sinabi ko. “Sa bagay... kung gayon ay maghanda ka na sa pagpasok natin sa lagusan.” ngumisi siya at ipinilantik ang kamay niya ng dalawang beses.

Kung hindi ko lang siguro kilala si Kia ay iisipin kong may masamang balak ang mga ngisi na iyon. Unti-unting nagliwanag ang puno, sa loob niyon ay matatanaw ang parang langit na katulad sa itsura ng sa mundo namin.

Lumapit ako doon at pinakatitigan itong mabuti, may kung anong malakas na hangin akong naramdaman. Tila ba malakas na force na hihila sa 'yo papasok sa loob. Bigla akong natakot. Parang gusto kong umatras. Paano kung mataas ang kabagsakan namin, wala naman akong kapangyarihan katulad ng kay Kia kaya hindi ako makakalutang o makakalipad. Ayoko naman mamatay agad dahil lang sa lagusan na 'to.

“Huwag kang mag-alala, hindi ito katulad ng mga palabas na ipinapanood mo sa akin sa inyong telebisyon.” pagsagot niya sa naiisip ko.

May kakayahan din ba siyang basahin kung anong nasa isip ko? Geez! kinilabutan agad ako.

“Halika na ate Yxia, malapit ng magsara ang lagusan. Dalawang beses lamang ito maaring buksan sa isang araw.” litanya nito.

Nilingon kong muli ang bahay namin nila tita, ang bahay na kinalakihan ko kasama sila. Dito ko natutunan ang iba't-ibang uri ng emosyon, saya, lungkot, galit at pagkaulila... gustuhin ko man manatili upang makasama sila ay kabaligtaran naman ito sa kagustuhan nila. Ayaw naman na nila sa 'kin. Sabagay kapag nangyari iyon ay pareho na kaming makakalaya, sa pagtitiis at hinanakit. Mami-miss ko ang bahay na ito kahit papaano... miski sila.

Humugot ako ng malalim na hininga at itinuon na ang paningin sa harapan. Hinawakan ni Kia ang kamay ko at binigyan ako ng naniniguradong ngiti.

Sana lang ay tama ang desisyon ko na sumama sa kaniya.

Naglakad na sya papasok kaya't marahan akong sumunod.

____

Nakapikit pa din ako.

Natatakot akong imulat ang mga mata ko. Ramdam ko na ang pag-iiba ng ihip ng hangin sa paligid ko, miski ang mabatong tinatapakan ko kanina ay patag at malambot na. Nakakarinig na din ako ng iba't-ibang huni ng ibon at kung anu-ano pang insekto.

Dinama ko ang hangin. Ang sarap sa pakiramdam ng lamig na idinudulot nito sa aking balat.

“Maaari mo nang idilat ang iyong mga mata.” sa sandaling marinig ko ito mula kay Kia ay awtomatikong nagmulat ako ng mga mata.

Halos hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko at tanging mga mata ko lamang ang naigagalaw ko. Hindi ko alam kung nananaginip ba ako pero pakiramdam ko ay totoo lahat ang mga nakikita ko. Mula sa purong berde na damo sa buong paligid, mga nagtataasan at nagyayabungan na mga puno, malulusog na halaman at makukulay na mga bulaklak, at iba't-ibang uri ng mga hayop. Natatanaw ko silang lahat mula rito hanggang sa hindi kalayuan.

Vengeance of the Fallen TribeWhere stories live. Discover now