𝕮𝖍𝖆𝖕. 20 (𝑲𝒂𝒊)

328 6 0
                                        

𝐒𝐞𝐨 𝐏.𝐎.𝐕

Andito kami ngayun sa kwarto nilang apat, pinagsamasama namin ang kwarto nila maliban kay Yanna,

Habang nagbabantay kami ni Leo dito ay si Keo naman ang nagbabantay kay Yanna doon sa kwarto niya

"Seo bili muna ako nang pagkain, nagugutom ako eh, ikaw muna ang bahala diyan" sabi sakin ni Leo kaya tumango naman ako, nang makalabas siya ay yung cellphone ko nalang ang pinagkaka abalahan ko.

Habang nag ccp ako ay nakita kong gumalaw si Thad kaya tumayo ako at lumapit sa kanya, nang makalapit ako ay dahan dahan naman siyang nagmulat nang mata niya,

"Oh himala nabuhay kapa" pabirong sabi ko, uupo siya kaya tinulungan ko

nang makaupo na siya ay nilibot niya ang kanyang paningin, nang makita niyang ayos ang mga kasama niya ay parang nabunutan siya nang tinik sa lalamunan

pero nilibot niya uli ang paningin niya at mukhang nahalata niyang wala si Yanna kaya bumaling siya sa akin na may nagtatanong na mukha.

"Sa ibang kwarto nilagay si Yanna at si Keo ang nagbantay sa kanya doon" sabi ko,

"K-kamusta ang lagay niya?" nahihirapang tanong niya sa akin

"Ok naman siya at mukhang hindi pa siya nagigising dahil wala pa naman akong natanggap na tawag muna kay Keo" sabi ko, tumango tango naman siya

"Ilang oras ba kaming tulog dito?" tanong niya uli

"Anong oras ka diyan, mag tatatlong araw kayung tulog at ikaw talaga ang naunang gumising" sabi ko, nagulat naman siya sa sinabi ko na parang hindi naniniwala

"Eh magtatatlong araw na," gulat na sabi niya kaya tumango tango nalang ako sa kanya

Habang nag uusap kami dito ay biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Leo na may dalang nga paper bag na may lamang pagkain,

"Ano yan?" tanong sa kanya ni Thad

"Oh Thad gising kana pala at by the way ampanget mo at ang baho" sabi ni Leo habang may nandidiring tingin

"Tumahimik ka nga diyan at pakibigyan nalang ako nang pagkain" sita sa kanya ni Thad

Kumain nalang kami habang naghihintay sa tatlo na gumising at lumipas ang ilang oras ay sunod sunod naman silang nagising maliban kay Yanna dahil hanggang ngayun ay di padin tumatawag si Keo.

****

𝐊𝐚𝐞𝐝𝐞𝐧 𝐏.𝐎.𝐕

Unti unti kong binuksan ang mga mata ko at bumungad sakin ang puting kisami at amoy nang ospital,

dahan dahan kong nilibot ang paningin ako at tumigil ito at isang upuan kong saan naka upo si Kuya Keo habang tulog, dahan dahan naman akong umupo sa kama,

nang makaupo na ako ay sinanay ko ang katawan ko para masanay sa nakaupong pwesto ko, nang masanay ako ay ginising ko si Kuya Keo dahil nagugutom ako.

"Kuyaaaa" mahinang sigaw ko sa kanya at mukhang narinig niya naman kaya unti unti niya binuksan ang mata niya at tumama agad sa akin iyon.

Nang makita niya ako ay bumangon naman agad ito at lumapit sa gilid nang kama ko at tatanongin niya sana ako nang

"Keo di paba gis-YANNA" sigaw ni Kuya Leo at tumakbo siya papunta sa akin, akmang yayakap siya ay hinarang kuna agad ang kamay ko,

Nakita ko namang patagong umirap si Kuya Keo kaya natatawa nalang ako sa isip ko

"Wala bang masakit sayu" tanong sakin ni Kuya Leo kaya bumaling ako sa kanya,

The Demon is Alive (On Going)Where stories live. Discover now