Madilim nanaman
Sa ilalim ng buwan
Ika'y sumagi saaking isipan
Lagi nalang napapanaginipanMaari bang saglit maramdaman
Ang iyong pagmamahal
Sinta ikaw ang nakaukit sa mga tala
Kita ko sa dilim ang iyong hiwaga
Ikaw parin ang aking mahiwagaSa gitna ng kalawakan
Hangad ko'y ika'y mahagkan
Maramdaman ang yong tumitibok na gintong puso
At sa mata mong dadalhin ako sa paraisoSabik na sabik kitang makasama
Pero sadyang mapaglaro ang mundo
Ikaw parin ang aking mahiwaga
Bahala na si Bathala
Kung kanino man ako itinadhana
![](https://img.wattpad.com/cover/329578112-288-k403009.jpg)