XVII. Ang panliligaw? Bow

2.9K 30 1
                                    

XVII. Ang panliligaw? Bow

POV of Ximena


            “ oh, gawin mo to!”

     “ hugasan mo yan.”

                                            “ magwalis ka!”

                                   “ ano to? bumalik ka don!”

            “ bilhin mo to!”

                                   “ linisin mo to!”

            “ labhan mo rin yan!”

                              “ pakinisin mo ang mga to!”

                                                                      “ isolve mo yan!”

                           “ mag lampaso ka!”


Mag lampaso? Ano naman ang lalampasuhin ni Sky eh tiles ang bahay namin. Sila kuya talaga,basta lang may mautos. Naaawa na ako kay Sky, kaninang umaga pa siya pabalik balik sa market dahil sa pinapabili nila kuya. Tapos palagi din siyang labas pasok sa bahay namin. I could tell na nahihirapan na talaga siya. Gusto kong ipahinto na nila kuya ang pinaggagawa nila kay Sky pero alam kong hindi nila iyon gagawin.

Sa bahay na to, sila daw ang batas! Pero duh, minsan ako kaya. Napapaamo ko ang dalawang halimaw kong Kuya. Pagdating sa akin ay hands down daw sila.

Pero iba daw to eh, puso ko raw ang nakasalalay dito. Ayaw lang nila na masaktan at umiyak ako and I understand them. Pero sumusobra na talaga sila.

Tapos ng maglampaso si Sky sa buong bahay namin. Ano nga ba ang nilampaso niya? Ewan! Nakita kong tumutulo ang pawis niya. And he looks so hot kapag napawisan. Hehehe…..sana ako nalang si pawis, ang swerte kasi nila, dumadaloy sila sa katawan ni Sky. I want to touch Sky. AIISSSH! Ano ba tong iniisip ko?

“ can I help?” sabi ko sa kanya habang naghihiwa siya para sa kanyang lulutuin. Pinagluto kasi siya ni kuya.

“ hindi pwede. I can do this on my own.”

“ pagod ka na eh.”

“ Xime, huwag ng makulit okay. I’m doing all of this for you kaya huwag kang makialam at baka sumemplang pa.”

I was touched. He’s doing all of this for me. He’s really serious huh. Hindi ako nagpanaig sa sinabi niya at kumuha ng kutsilyo at nagsimula na ring maghiwa.

“ hindi rin matigas ulo mo noh?”

“ sige na, kahit ngayon lang. naawa na kasi ako sayo eh.”

“ hindi ko kailangan ng awa mo!”

“ kahit na, gusto ko pa rin.”

“ aaaiiisshhh…akin na nga yan!” tapos sinubukan niyang kunin ang patatas sa kamay ko tapos naiwakli ko naman iyon.

“ ayaw!” nahawakan niya ang kamay ko na nakahawak lang sa patatas.

“ sinabi ng akin na eh!” pinipilit niyang kunin ang patatas sa kamay ko pero nailipat ko naman iyon sa free hand ko. bleeehhh…… “Xime! Huwag ng makulit. Give it to me.” he reached for my hand.

“ ayaw!”

“ I said! Give it to me!” sabay hila ng kamay ko sa kanya tapos nadala ako sa pagkahila niya dahilan upang maglapit ang mga mukha namin. Napatingin ako sa mga mata niya and he became serious. Parang biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Parang mabibingi ako, baka marinig niya to.

Tapos, inilapit niya ang mukha niya sa akin. OHMYSIOMAI! He is going to kiss me.

Inches nalang ang namamagitan sa amin. Mangyayari nga! Mangyayari nga! OHMYSIOMAI! Napapikit nalang ako at hinihintay ang pagdampi ng aming mga labi. Kinakabahan ako na naeexcite, OHMYSIOMAI! Nafifeel kong malapit na talaga siya sa akin for I can feel his breath. Heto na, heto, heto na, het—

“ XIMENA!” sigaw ni Kuya Macqui at nagitla kaming dalawa tapos lumayo si Sky sa akin. Ang kj naman ni Kuya. Heto na yon eh, magkikiss na sana kami eh. Kasar naman! “ ano yang ginagawa niyo ha?”

“ wala!” sabay tayo at tumungo na sa kwarto ko. Narinig ko si kuya na kinakausap si Sky.

“ Ang tagal mo naman atang magluto! Naaliw ka siguro sa kapatid ko ah!”

Yan ang day 1 ni Sky as a slave.

--------

Ang bilis rin ng takbo ng panahon at Sunday na ngayon. This is his last day as a slave. One week lang naman ang pagiging utusan niya. During end of the class siya pumupunta sa amin at medyo maaga rin ang last period niya. May awa rin kaya ang mga kuya ko kahit na hindi halata.

Eto lang naman ang pinagawa nila kuya sa kanya.

Day 2

Pinakuha siya ng kahoy sa may kakahuyan. Eh wala nga kaming kakahuyan like hello! City kaya to pero infaireness kang Sky, nakakuha siya ha! Hindi ko alam kong paano at saan.

Day 3

Pinabugha sa kanya ang mga kahoy na pinakuha sa kanya. May burner kaya kami! Para saan yang kahoy na yan? Pagkatapos niyang bughain ang mga kahoy ay pinasunog lang nila iyon sa kanya. Huwwwwaaaatttttt….how bad.

Day 4

Kahit na may mga gripo kami ay pinag igib siya ng tubig sa timbaan. At ang layo ng pag igiban ng tubig ah. Pagkatapos niyang mag igib ay pinabuhos lang nila kuya sa kahit saan saan. *kamot ulo*

Day 5

Pinagdilig siya ng mga bulaklak sa garden namin tapos maya maya ay umulan. OH! pati ba naman ang langit? Nakikitulong kay Sky? Thank you so much langit! *iling*

Day 6

Pinalinis lang naman siya nila kuya and take note, doon siya pinalinis sa bakuran ng…….KAPITBAHAY namin! Tama ba yon? Pati kapit bahay? Dinadamay? Ohcommon!

At ngayon which is day seven?.................

Ang BF kong PLAYBOY [FIN]Where stories live. Discover now