Chapter 7

2.2K 62 1
                                    

 Tumakbo si Marianne sa kung saan. Hindi niya maipaliwanag ang napapakiramdaman niya.

Nawala naman sa isip ni Guada ang anak. Naabala ito sa mga bisita na dumadating sa burol ng ina.

"Aaah, bakit ganito? Anong nangyayari s'kin? Bakit tila uhaw na uhaw ako, at gutom na gutom....

Ang init.....

Gusto kong maghubad....", parang baliw si Marianne na nagpa-gulong-gulong sa damuhan.

Napakadilim doon, at ni walang katao-tao. Parang siya lang ang naroon.

Sandali pa ay tumirik na ang mga mata niya, nagsimula siyang tubuan ng makapal na balahibo. Nagbago ang hitsura ng mukha niya. Humaba ang mga pangil, at kuko. Nanulis, at tumalim ang mga ito.

At isang nakakakikilabot na alolong ang pinakawalan niya, sa kadiliman ng gabi.

"Awooooooooh! Raaaaawwwwrrr", iyon ang singasing niya.

Bumukas din ang kanyang malalapad na pakpak.

Wala na siyang pakiramdam, at hindi na niya alam ang nangyayari sa kanya.

Tuluyan nang nilamon ng pangalawa niyang katauhan ang kanyang isipan.

Balot na ng kalagiman ang kanyang puso.

Wala na siyang kilala.

Ang tanging gusto lang niya ay ang makahanap nang sariwang laman, at dugo nang kanyang mabibiktima.

Lumipad siya sa kaulapan. Nanlilisik ang mata niya sa dilim. Hangad ay makakakita nang mabibiktima.

Hindi naman iyon nakaligtas na pakiramdam nang matandang si Elsa.

Bukod sa alam niyang nakawala na si Ason, ay alam din niyang naipamana na nito ang kaalaman nito.

Wala lang siyang ideya kung kanino.

Dali-dali niyang isinara ang kanyang bintana. Pati pintuan.

Binudburan niya iyon ng asin, nagsabit din siya ng mga tingting, sa kanyang pintuan.

Alam niyang takot ito doon, kung sakaling siya ang atakehin nito.

Pinatay na niya ang kanyang pandamagan na ilawan. At humanda na para matulog.

Nang maramdaman niyang tila may gumagalaw sa sulok ng kanyang kwarto. Isang anino ang naaninaw niya doon pero hindi iyon sapat para makita niya ito ng malinaw.

Kinuha niya ang posporo sa bulsa. Muling sinindihan ang tingkarol na ilawan, para makita niya kung ano iyong gumagalaw na iyon.

Eksaktong natanglawan niya ito, ang nanlaki ang mga mata niya nang mapagsino ito.

Walang iba, kundi ang kaibigan niyang si Ason, gano'n pa rin ang hitsura nito, sa katauhan ng aswang. Ang hindi niya makita, ay kung kaninong katawan ang gamit nito.

Napaurong siya nang hakbang.

"Wag, 'wag kang lalapit! Maawa ka! Gusto ko pang mabuhay....

'wag ako!", ani Selsa dito. Pero parang wala itong narinig.

"Raaaaaawr, rawr!", ani pa nito na patuloy tumutulo ang laway sa malaking bibig.

Nakalabas doon ang nagtatalasan nitong mga pangil.

Handa anumang sandali, para sumakmal na biktima.

Kumurap pa ang matandang Elsa, habang patuloy na umuurong ito. Subalit bumangga lang ang likuran niya dito mismo. Naroroon na agad ito. Kasing-bilis nang hangin na nakalipat agad doon.

At isang malakas na sigaw nalang ang pumunit sa katahimikan na gabi.

Walang awang nginasab nito ang katawan ng matandang si Elsa.

Parang ilang dekada itong hindi kumain, at halos walang matira sa katawan nito.

Simot na simot. Tanging mga tilamsik nalang ng napakaraming dugo ang naiwan doon....

Evil Society Series 1: AswangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon