PROLOGUE

8 1 0
                                    

Simula bata pa lang ako pinupuri na ako ng mga tao dahil sa kagandahang taglay ko...

Kinaiinggitan ng mga babae...

At minamahal ng mga lalake...

For short, kinababaliwan ng lahat.

Para sa kanila ang gandang taglay ko ay swerte, pero kabaliktaran ang paniniwala ko...

MALAS!!! Para sa akin MALAS at SUMPA ito!

Bakeet?!

Hindi kasi ako mabuhay ng malaya dahil dito!

Dahil nga kinababaliwan ako, specially ng mga lalake... Nagkakaroon ng mga accidents dahil sa akin!

Naaalala ko pa nga noon nung bata ako... Tatawid ako sa isang kalsada para habulin yung ice cream vendor, at dahil hindi ako marunong tumawid muntikan na akong masagasaan ng mga sasakyan!

Pero imbes na masagasaan, iniwasan ako ng lahat ng sasakyan na sasagasa sa akin at lahat ng taong nakapaligid ay pumunta sa direksyon ko para iligtas ako.

Anong nangyare?! Nagtambak-tambak ang mga sasakyan na umiwas sa akin... At nasagasaan ang mga taong sinubukan akong iligtas! At ako naman na nasa gitna ng kalye ay umiiyak at nagpapanic!

Grabe noh?! Bata pa lang accident prone agad ako!

Nagsidatingan ang mga pulis at ambulansya... At kinulong yung yaya ko na nagbabantay sa akin (WHICH IS NAKATULOG SA PARK) imbes na ako (WHICH IS WALANG KAMUWANG-MUWANG NA BATA)

Haysst... Ayoko na ng gandang ito! Ayoko na!

Simula noon nagdecide na ang mga magulang ko na maghome-school na lang ako... Yung mommy ko naman ay nagdecide na hindi na lang kumuha ng yaya at siya na lang ang magbabantay sa akin.

Pero dahil nga masyado ako mapagpumilit, hindi nagtagal ay nagdecide sila na mag-aral ako sa 'ALL-GIRLS SCHOOL'... Kung saan wala masyadong magkakandarapa sa akin dahil puro babae lang naman ang naroon.

Sa kasalukuyan ay ganoon pa rin ang buhay ko... Nag-aaral ako ngayon sa St. Mary Academy, School for girls. 8 years na akong nag-aaral dito... At masasabi kong maayos naman ang flow ng buhay ko.


Maayos ang flow ng buhay ko...

Not until an incident happen, that will change my life to the fullest...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 21, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Turns out, She's an AngelWhere stories live. Discover now