Chapter 1

750 18 3
                                    

"Hoy pre bilisan mo baka dumating na si kuya!" sigaw ni Romeo sakin habang inaayos ko ang mga pancit at puto na gawa ni tiyang sa lamesa. Halos di na ako magkadaugaga sa pagkilos dahil alam kong darating na si Antonio anumang oras.
Kaarawan kase ngayon ng kaibigan namin na si Antonio at balak namin syang sopresahin, ang totoo nyan ay ang kapatid nyang si Romeo ang may ideya nito na sinang-ayunan naman namin.
"Teka, nasan na ba sila sila Markus at Phillip?" tanong naman ni Jaime kay kay Romeo habang nakaupo lang ito at di man lang kami matulungan.
"Bumili sila ng alak, siguro parating narin ang mga iyon." sagot ni Romeo dito habang inaayos yung kahoy na upuan na nasira nung nakaraan.
Nandito ako ngayon sa tambayan namin kasama si Romeo at Jaime. Maliit na kubo lang itong tambayan namin na kami mismo ang nagtayo na may malawak na bukirin na pagmamay-ari ng tatay ni Jaime.
"Oh ayan na pala sila." sabat ni Romeo at napatingin ako sa dalawang barkada namin na paparating na may bitbit na mga alak at pulutan. Si Markus at Philip kasama nito ang isang kaibigan din namin na si Homer.
"Bakit ngayon lang kayo? Ang kukupad nyo talagang kumilos!" sabi dito ni Romeo.
"Eh gago ka pala 'e, ikaw kaya bumili ng mga ito para marasanasan mong masiraan ng motor!" inis na sabi ni Phillip kay Romeo at nilapag nito ang mga supot na may lamang mga alak at pulutan sa lamesa.
"Nagloko na naman yung motor mo?" tanong ko kay Markus, na mukhang badtrip at umupo lang ito sa bakanteng upuan at tumango lang sakin.
Sa aming magbabarkada, si Markus ang pinakatahimik samin kumpara kay Romeo na sobrang makulit at madaldal.
"Wala pa ba si pareng antonio? nagugutom na ako 'e." sabat naman ni Homer at inuusisa yung mga hinanda ko sa lamesa.
"Lagi ka naman gutom 'e." pabirong kong sabi dito at tumawa lang ito. Kilala ko kasi ang kabigan ko na ito, sya yung laging gutom pero di lumalaki ang tiyan.
"Teka teka paparating na si pareng Antonio!" singit ni Phillip at sabay-sabay kaming napatingin sa paparating na si Antonio.
"Happy Birthday Pre!" halos sabay-sabay namin sigaw ng makarating na ito, nakita ko ang pagkagulat sa mukha ng kaibigan ko.
"Anong kalokohan 'to?" natatawang sabi ni Antonio na halos di makapaniwala sa sopresa namin sa kanya.
Nakita ko ang kasiyahan sa mukha ng kaibigan namin, ganito naman talaga kami pag may kaarawan sa grupo namin.
"Happy birthday 'tol." sabi ni Phillip at nakipag-apir pa ito kay Antonio. Ganon din sina Jaime, Markus at Homer.
"Happy birthday kuya!" Over acting na sigaw ni Romeo at yumakap pa ito sa kapatid nya.
"Happy birthday 'tol, etong kapatid mo ang nakaisip ng kalokohan na 'to." sabi ko kay Antonio nang makalapit din ako sa kanya at nakipag-apir nadin.
"Maloko ka talaga!" sabi ni Antonio sa kapatid nya. "Pero maraming salamat mga pre, masaya ako sa ginawa nyo na 'to. Dahil diyan sagot ko na ang alak natin ngayon." dagdag pa nito.
"Hindi na kailangan 'tol, nakabili na kami ni Markus." sabat agad ni Phillip.
"Hedi pag kinulang nalang." sabi ni Antonio at nagtawanan nalang kami.
Malakas talaga uminom ang mga ito, maliban sakin na mahina ang katawan pag dating sa alak.
"Anong pang inaantay natin, kainan na para makarami tayo!" sigaw ni Homer at kumuha na ito na plato para lagyan ng puto at pancit.
Napailing nalang kami kay Homer, ibang klase din talaga ang taong 'to. Kahit na malakas itong kumain ay di parin nawawala ang ganda ng katawan.
Halos lahat naman ng mga kaibigan ko ay ganon din. Palibhasa ay madalas silang tumatambay sa gym ni mang Isko. Gwapo at matangkad! Ganyan ko sila mailalarawan, ganon din naman ang komento sa kanila ng mga kababaihan at kabaklaan dito sa baryo namin. Kaya madalas ay pinagkakaguluhan sila pag may liga sa bayan na akala mo ay nakakita ng artista kung makatili.
'El Dakila' ang bansag nila samin lalo yung mga binabae dito sa lugar namin. Hindi ko alam kung bakit ganon ang tawag nila sa grupo namin pero hinayaan nalang namin at tinanggap nalang 'yon.
"Tamang-tama lang sa grupo natin ang pangalang El Dakila, dahil mga dakila naman talaga yung mga alaga natin" sabi pa noon ni Jaime samin, at binatukan nalang sya ni Homer noon sabay na nagtawanan kami.
May punto naman talaga itong Jaime, dahil nasilayan ko na yung mga malalaki nilang kargada pag madalas kaming maligo sa ilog. Pare-pareho naman kaming mga lalaki kaya walang malisya kung nakahubad kami pag naliligo. Kakaiba kase ang laki ng mga tarugo nila kahit hindi pa iyon naninigas.
Minsan ay natutulala nalang ako pag nakikita ko ang mga iyon, mabuti nalang at hindi nila ako nahahalata.
Oo, may kakaiba na sakin simula nang mga bata pa kami pero hindi ko sinasabi sa kanila.
Inaamin kong minsan ay nagkakaroon ako ng pagnanasa sa mga kaibigan ko pero binabalewa ko nalang iyon dahil ayaw kong masira ang samahan namin. Parang kuya narin kase ang turing ko sa kanila at bunso naman ang turing nila sakin.
Ako nga po pala si Darius Madrigal, 17 years old at nakatira dito sa Barrio Makupang. Graduate na ako ng high school at balak kong mag-aral ng kolehiyo sa susunod na taon, gusto ko kasing maging doctor katulad din ng kaibigan kong si Romeo.
Si tiya Melda nalang ang kasama ko sa bahay, bata palang ako ay namatay na yung magulang ko dahil sa aksidente. Ang pagbebenta ng kakanin ni tiyang ang madalas kong pinagkakaabalahan ngayon.
Gwapo din ako katulad ng mga kaibigan ko, pero mas maputi ang kulay ng balat ko kumpara sa kanila at may katawan din naman ako at matangkad.
Matapos namin kumain ay hinanda na agad ni Phillip ang alak dahil sa grupo namin sya ang pinaka-malakas uminom. 20 anyos na sya katulad nila Antonio at Jaime. Isang taon lang ang itininda nila kila Markus, Romeo at Homer nasa 19 ang edad kaya ako ang pinakabata sa grupo.
Binuksan na nila ang lambanog na binili nila at umupo na kami palibot sa kahoy na lamesa.
"Iinom kaba 'tol?" tanong sakin ng katabi kong si Antonio.
"Syempre naman, kaarawan mo kaya." natatawa kong sabi dito. Alam kase nyang mahina ako pagdating sa alak kaya nag-aalala siguro ito na baka malasing ako agad.
"Sigurado kaba? Ayaw kong magbuhat ng lasing habang umuuwi." biro sakin ni Phillip.
"Sige ako nalang maghahatid sayo pauwi 'tol, basta hinay-hinay lang sa pag-inom dahil baka pagalitan ako ng tiya mo." singit ni Antonio.
Natuwa naman ako sa sinabi niya, si Antonio kase ang pinakaclose ko sa kanila dahil madalas itong maglabas ng sama ng loob sakin pag nagtatalo sila ng tatay nya.
Parang nakakababatang kapatid narin nag turing nya sakin, pero para sakin iba ang nararamdaman ko sa kanya.
Gusto ko noon pa ang kaibigan kong si Antonio, pero kahit isa ay walang nakakaalam nang sikreto ko na 'yon dahil ayaw kong mag-iba ang tingin nila sakin at ayaw kong masira ang samahan namin.
"Pare may paparating!" untag samin ni Jaime, at napalingon kaming lahat sa tinutukoy nya.
Isang magandang dilag, mistisa at may mahabang buhok ang naglalakad patungo sa gawi namin. Simpleng dress na hanggang tuhod ang suot nito kaya litaw na litaw ang angking kagandahan nito at kaputian.
"Maligayang kaarawan Anton." tinig na lumabas sa mapupulang labi nito.
Gulat na napatayo ang kaibigan kong si Antonio, nakita ko sa mukha nito ang labis na kasiyahan.
"Cassandra!?" anas nito.

itutuloy....

आप प्रकाशित भागों के अंत तक पहुँच चुके हैं।

⏰ पिछला अद्यतन: Dec 21, 2022 ⏰

नए भागों की सूचना पाने के लिए इस कहानी को अपनी लाइब्रेरी में जोड़ें!

EL DAKILA SIDESTORY: DARIUSजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें