Chapter Four

59 4 0
                                    

CHAPTER FOUR

--

Wade's POV

"We're hooome!" sigaw ko pagbukas ko ng pintuan.

Bumungad naman sa'kin ang nakasimangot na mukha nila Riley at Ellie.

Naiwan kasi silang dalawa dito, si Riley kasi ang nag-ayos ng bahay at si Ellie naman ang nagluto.

"Ba't ang tagal niyo? Hindi na tuloy mainit yung niluto ko." reklamo ni Ellie.

"Pa-importante kasi yung bisita nating hilaw." singit naman ni Laurice.

"Bunganga mo nga, Laurice." saway ko sa kanya.

Tinignan niya lang ako nang masama.

Nakakahiya kay Jed, buti na lang nasa labas pa siya.

"Waaaaah! Nasaan na siya, Wade? Gwapo ba siya, ha?" si Riley.

Hindi pa nga pala nila alam na babae si Jed, buong akala kasi namin lalake siya.

Sasabihin ko sanang nasa labas pa siya nang bigla siyang pumasok sa bahay.

"Eto na siya." ako.

"Sino siya?" Ellie at Riley.

"She's Jed. Jed, this is Riley and this is Ellie."

"Siya si Jed?!" sigaw nila Riley at Ellie.

Ba't ba ang hilig nilang magsabay?

Parang wala namang naririnig si Jed, patuloy pa rin siya sa pagtingin sa kabuuan ng bahay namin.

"Oo, siya si Jed." sagot ko.

"Where's my room?" tanong niya sa'kin.

Hindi manlang niya tinapunan ng tingin sina Ellie at Riley na hindi pa rin makapaniwala na babae si Jed.

"This way, please follow me." ako.

Nakikita ko sa peripheral vision ko na patuloy niya pa ring inililibot ang kanyang paningin sa buong bahay habang naglalakad kami papunta sa kwarto niya.

"Don't stare at me, that's rude."

Bigla naman akong napalunok dahil sa sinabi niya. Paano niya nalaman na tinitignan ko siya?

"This is your room, small but comfortable." sabi ko sa kanya.

Sinulyapan niya lang ito ng ilang segundo at muling naglakad.

"Where are you going?" tanong ko.

Wala akong nagawa kundi ang sundan siya.

Hindi ko inasahan ang sunod niyang ginawa.

"Don't--" napahilamos na lang ako ng mukha.

Binuksan niya lang naman kasi ang kwarto ko na puno ng mga hentai magazines na nakadikit sa iba't-ibang parte ng kwarto ko.

"He-hey Jed! T-that's enough!" sabi ko ng hindi makatingin nang diretso sa kanya.

Sino ba naman ang hindi mahihiya sa ganitong sitwasyon?

Feeling ko tuloy pulang-pula na 'ko dahil sa kahihiyan.

Pilit kong isinasara ang pintuan ng kwarto ko pero hindi ko magawa dahil nakaharang ang isa niyang paa. Dafuq! Ang lakas niya!

"This is so embarrassing." iiling-iling na saad niya kasabay ng pag-alis ng kanyang paa.

Napatampal na lang ako sa noo ko.

The Princess and The ThievesWhere stories live. Discover now