CHAPTER 4: IN A RELATIONSHIP STATUS?

4.8K 154 6
                                    

"Shit! Matalo sana siya, matalo sana siya," paulit ulit kong dasal habang nasa silid ako, hindi parin ako mapakali. Ang buweset kasi, ginawa ba naman akong pusta? Anong akala niya sa akin cheap?! No, hindi ako makakapayag! Bahala siya sa buhay niya!

Hinawi ko ang kurtina at mula sa itaas natatanaw ko ang mga kaganapan sa ibaba, lalong lalo na ang nagaganap na labanan sa pagitan nina Matt at Sir Joshua.


MATT POV

"Sir Joshua, pagbigyan mo na ako ngayon lang please?!" pa-simpleng bulong ko sa kanya nang masangga niya ang atake ko. Alam ko naman sa sarili ko na hindi ko siya matatalo.

"Bakit ba gustong gusto mong maging girlfriend ang batang 'yon? Gusto mo bang mamatay ng maaga? Kilala mo naman siguro kung sino-sino ang guardian ng babaeng iyon at isa na ako doon," sabay tulak niya sa akin.

Muli ko siyang inatake. "Please?" paawa ko.

"Pag natalo ako, ako ang mapupunta sa Danger Zone kaya, it's a big NO," sabay pigil na pwersang sinapak ako sa panga. "Ooops? Napalakas yata?"

Nadama ko ang panga. "Sir, gagawin ko lahat ng gusto niyo after. Just gimme this, hmmm?"

"Convince me."

"I like her."

He sighed. "Fine, hit me."

Napangiti ako at malakas na sinapak siya sa panga at kunwaring na knock-out siya, haha! Lahat sila naghiyawan, alam kong nanunuod siya mula sa malayo, wala siyang magagawa ngayon kundi ang tiis-in ang presenya ko. Tuturuan ko siya kung paano ako dapat igalang at katakutan!

"Starting today, Chescka Reubal ay official ng girlfriend ko," sigaw ko. Tumingin ako sa itaas at napansin ko ang pagsara ng kurtina niya sa itaas.

Humanda ka ngayon sa akin.


CHECHE'S POV

"I have a reason why I let him won over me," si Sir Joshua. Nasa loob na kami ng isang building and nasa harapan siya habang may bitbit na isang chalk. "And besides, siya lang ang naglakas ng loob na kalabanin ako, so I gave him the chance to have his reward. Kaya naman, officially today, Matt Jong Ok and Chescka Reubal ay mag BF-GF na."

Namumula na ako sa hiya dahil naririnig ko ang mga tuksuhan ng ilan sa amin. Habang ramdam ko naman ang mga titig ng mga ilang kababaihan na obviously type si Matt. Tumabi si Matt sa akin, pasimpleng inapakan ko ang mga paa niya sa inis ko.

"Holding hands, hugs, kisses are allowed at the end of our class. Pero gaya ng alam niyo, no sex allowed here," ramdam ko ang pagbabanta nito kay Matt.

Inilapit ni Matt ang bibig sa tainga ko. "Iyong paa ko! Kung ayaw mong mahalikan kita dito mismo, tanggalin mo na," pagbabanta niya sa akin. Inalis ko na ang kaliwa kong paa na nakaapak sa mga paa niya, dahil hindi ko alam nasa isipan ng loko-lokong lalaking ito. "Good!" inirapan ko na lamang siya. Iyon lang ang magagawa ko sa ngayon.

Sir Joshua clapped to get our attention at may isinulat na ito sa blackboard.

"Is there no chairs? Nangangalay na ang mga paa ko!" reklamo ng isa.

"None. Kung gusto mo pwede ka namang maupo sa semento," sagot ni Sir Joshua. Muli siyang humarap sa amin at nginitian ng matamis ang babae na kaagad naman natunaw ang pagkainis sa mukha nito. "Dahil natalo ako, ipapakita ko sa inyo kung ano ang Danger Zone. Para narin warning sa inyong lahat. Pero bago ko iyon gawin kailangan ko ng volunteer para samahan ako sa Danger Zone."

Nagtaas ng kamay ang babaeng kanina lang nagreklamo. "I wanna try it."

Sir Joshua shook. "No. I need a boy and I have my reason. Anyone?"

BWA#1: Young Master & His Palaban GirL (PUBLISHED under DREAME)Where stories live. Discover now