"Uyy, sai? birthday pala ng boyfiee mo ngayon ah, pupunta ka ba? sama kami?".

Tumingin ako kay solana at tinarayan sya kaya natawa naman si syvil, ano ba kasing ginagawa nila dito, mukha bang tambayan ng mga baliw tong condo ko?

"Pupunta ako, pool party ang plano nila at kung gusto nyong sumama, umalis na kayo dito dahil maya maya mag aayos narin ako" Nag tinginan sila ni syvil at lumapit sakin.

"Hindi kami aalis beh, dala nanamin ang saplot namin pati na rin ang iba pa naming gagamitin!" Masayang sambit ni solana at pumalakpak pa ng mahina.

"Nag handa na kami nung nakaraang araw, bumili rin kami ng masusuot mo'ng maayos na damit, sinabi mo kasi samin nung nakaraang araw na wala kang maisip na damit para sa kaarawan ni leo" Tinignan ko silang dalawa at ang lalaki ng ngiti.

Pinapasok nila ako sa kwarto ko at pina suot na ang damit, mukha syang acrylic dress at kulay matte yellow ito, bumili rin sila ng heels at pares ito sa kulay ng damit, inayos din nila ang mukha at buhok ko.

Ng natapos nila ang buhok ko ay pinuri pa muna nila ako at sila narin ang nag ayos, hindi ko maiipaliwanag kung anong nararamdaman ko ng makita ang suot ko sa salamin bagay na bagay saakin ang yellow dress na yun dahil light color lang ang binili nila, maayos rin ang pag kaka tali nila sa buhok ko.

Lumapit ako sakanila para tulungan din sa pag aayos at nag taka ako dahil ang sisimple lang ng mga suot nila, hindi ko na yun pinansin dahil alam ko na rin ang sasabihin nila.

"Yun! ok na, ano tara na ba?" Tumango ako kay solana at na una na silang lumabas.

Hindi ko alam bat parang kinakabahan ako, sa pag kakaalam ko ay masaya dapat ako ngayon dahil birthday ni Leo pero bakit may masamang kutob ang dib dib ko, hindi ko na pinansin yun at lumabas na dahil tinawag na ako ni syvil.

Habang nasa byahe kami ay nag vibrate ang cellphone ko kaya tinignan ko muna yun dahil si syvil din naman ang nag mamaneho.

Cruzzete:
— hey ate sai, sa venue na kayo dumeretso, wala pang tao sa pool dahil night pool party nalang daw ang  ang plano nila.

Saika:
— ahh ganon ba, thanks for updating me cruzzete, paki sabi nalang din sa kuya mo malapit na kami.

Cruzzete:
— sure ate.

Binaba ko na ang cellphone ko at umayos ng upo bago tumingin sa daan.

Si cruzzete ang kapatid ni leo, hindi ako malapit sa mga magulang nila dahil simula ng ipakilala ako ni leo sa mga magulang nya ay alam kung hindi nila ako na gustuhan, kaya si cruzzete lang ang naging malapit sakin.

Pag dating namin ay hindi pa muna ako pinababa nina solana dahil inayos pa muna nila ang mukha ko, mukhang na gulo daw dahil sa byahe.

Na una silang bumaba at pinagbuksan pa talaga ako ng pinto, mukha na ba akong prinsesa nito punyeta!

Pumasok na kami sa venue at sinalubong agad ako ni cruzzete ng yakap habang nakangiti.

"Welcome ate sai, sainyo rin ate sy at ate sol, pasok kayo nag pa reserve ako ng special seat sainyo" Gusto kung sabunutan ang sarili ko ng walang hiyang dumeretso sa loob sina syvil at solana habang ako ay hinatak ni cruzzete papunta sa garden, pinaupo nya ako sa upuan at tumingin sakin.

"Ate hindi ko alam kung magagalit kaba sakin dahil sasabihin ko sayo to o mas magagalit ka kay kuya na ginawa nya yun, ate kapatid ko si kuya leo ayaw ko syang siraan pero ate mukha ikaw ang magiging kawawa pag hindi ko itapat sayo to." Nag umpisa na akong kabahan sa mga sinabi ni cruzzete kaya kinuha ko ang panyo ko at hinawakan ng mahigpit iyon.

Kinuha nya ang cellphone nya at may kinalikot dun bago pinakita sakin, isang litrato na talagang sisira sa pag katao at buhay ko, nag umpisa na akong kabahan ng sobra at himigpit narin ang hawak ko sa panyo habang pinipigilan ang pag patak ng mga luha ko.

When the sky surrenders to the windWhere stories live. Discover now