Chapter 6

286 16 0
                                    

Carlyn's POV

"Bakit hindi ka pa kumakain?" tanong ni Xylus mula sa kabilang linya.

"Nawawalan ako ng gana sa tuwing nakikita ko 'yung mga reviewers eh," sagot ko at mahinang natawa.

"Wag ka masyadong magpupuyat ha. Pwede mo namang ipagpabukas 'yan. Tanghali naman 'yung oras ng examination natin," sunod-sunod niyang bilin habang inaayos ko ang mga gamit ko.

"I know. Konti lang naman 'yung irereview ko since nakapagreview na ako nung isang araw."

"Oh sige. Call me if you need me."

"Okay, thanks. Bye!"

Inilapag ko muna ang cellphone ko sa sofa at at ipinagpatuloy ang pagbabasa ng notes ko.

Bukas na ang final examination namin at pagkatapos nun ay graduation na.

Konti na lang ay matatapos na rin ang pagpapanggap namin. Konti na lang ay iiwan niya na rin ako...

Tila biglang sumikip ang dibdib ko nang maisip kong iiwan niya na rin ako kapag nagtapos na kami ng pag-aaral.

Nahulog na talaga si tanga.

Kung pwede ko lang ibalik 'yung nakaraan, sana naglakas-loob na akong umamin sa kanya.

Siguro nag-iba ang takbo ng mundo.

Kaagad kong pinunasan ang luha ko nang tumulo ito sa pahina ng libro at saglit na sumandal sa paanan ng sofa.

Wala sila mommy dito sa bahay kaya sa sala na ako nag-aral habang nagpapatugtog sa tv.

Lumipas ang mahigit sampung minuto at nanatili akong nakasandal dun at unti-unti na rin akong hinihila ng antok nang biglang may kumatok sa pintuan.

Tila nagising ang buo kong kaluluwa at saglit na inayos muna ang mga gamit ko bago nagtungo sa pinto para buksan ito.

Baka sila mommy 'yon.

Nope. It wasn't.

"Xylus? What are you doing here?" nagtataka kong tanong at mas nilakihan ang bukas ng pinto.

Napansin ko rin na may dala siyang mga plastic na may tatak ng convenience store malapit sa amin.

"You didn't turned off the call and I heard you crying. Tinatawag kita pero hindi ka nasagot kaya pumunta ako dito," paliwanag niya at tinanggal ang jacket niya. "What's wrong?"

"A-ah, wala. M-may hindi lang ako maintindihan eh," palusot ko.

Medyo totoo 'yon kasi sa tuwing may hindi ako naiintindihan sa inaaral ko ay iniiyakan ko na lang ito.

"Do you need my help?"

No, I need you.

"Yes." Tumango naman siya at hinubad muna ang mga sapatos bago pumasok sa loob ng bahay.

Dumeretso na ako sa sala habang siya naman ay nagtungo muna sa kusina para initin 'yung mga binili niya.

Maya-maya pa ay nagtungo na rin siya dito sa sala dala ang mga pagkain at umupo rin sa carpet kagaya ko.

"Anong hindi mo maintindihan?" tanong niya at inabutan ako ng pagkain.

"Uh..." wala. "I forgot," I lied again.

Napailing na lang siya at kinuha ang librong hawak ko tsaka at 'yung highlighter na nakapatong sa isa pang libro.

I watched him highlighted some topics on my book while I eat the food he gave me.

Hindi ko namang maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan siya.

It's cold and raining outside yet he didn't hesitate to come here even though I didn't ask him.

Well, my cries earlier asked him but whatever.

Alam kong nag-aaral din siya para sa exam pero mas pinili niyang puntahan ako.

"Adik ka ba?" tanong niya na nagpabalik sa akin sa tamang wisyo. "Para kang sira diyan na nakangiti."

"May naisip lang! Basag trip 'to eh!" Bulyaw ko sa kanya pero tinawanan niya lang ako tsaka pinagpatuloy ang ginagawa.

Maya-maya pa ay natapos na rin siya at sabay na kaming nagreview hanggang sa inabot na kami ng ala-una ng umaga.

Sumusuko na rin ang mga mata ko at gusto nang pumikit pero pinipigilan ko lang dahil hindi pa tapos 'yung topic na binabasa ko.

"Bukas na 'yan. Matulog ka na," giit ni Xylus at kinuha sa akin ang libro tsaka ito nilapag sa lamesita.

Tinulungan niya na rin akong tumayo at sinamahan papunta sa kwarto ko sa taas.

"Wag kang aalis," I mumbled but he heard it.

Sabog na siguro ako kaya kung ano-ano na ang nasasabi ko.

"I won't," tama ba 'yung narinig ko?

Please lang, hindi ako lasing pero parang ang lakas ng tama ko.

...

Pasado alas-otso na ng magising ako dahil sa alarm ko.

Pagtingin ko sa paligid ay agad kong nadatnan si Xylus na nakahiga dun sa may sofa at mahimbing ang tulog.

He really did stayed.

Unti-unti akong bumangon at tahimik na lumapit sa kanya tsaka umupo sa may sahig malapit sa mukha niya.

Tahimik kong pinagmasdan ang bawat detalye ng kanyang mukha at maingat pang hinaplos ang kanyang pisngi gamit ang hintuturo ko.

Ang gwapo talaga niya.

I then looked at his lips. Shit, it's attracting me!

Kusang gumalaw ang buong katawan ko at unti-unting umangat mula sa kinauupuan tsaka dahan-dahang inabot ang kanyang labi.

It feels like I'm doing a crime but I can't help it!

My lips crashed into his and after a few seconds, I felt him responding to my kiss.

Agad nanlaki ang mga mata ko nang ilagay niya ang kanyang palad sa likod ng ulo ko na para bang ayaw niyang putulin ang paghahalikan namin.

Shit!

Gusto ko nang kumawala pero parang ayaw pa ng katawan ko at tila nagpapalunod pa sa kanyang halik.

Ilang saglit pa ay dumilat na rin siya kaya agad nagtama ang tingin naming dalawa.

Mabilis niyang tinanggal ang kamay niya na nasa likod ng ulo ko kaya agad akong naka-atras habang siya naman ay gulat na napabangon.

"O-okay ka lang?" tanong niya at tinulungan akong makatayo.

"O-oo," nahihiya kong sagot nang makatayo ako.

Okay, that was awkward.

"E-excuse me ah," paalam ko at nagmamadaling tumakbo sa cr.

Nang ilock ko ang pinto ay sumandal muna ako dito at tsaka kinapa ang aking labi.

This is so embarrasing!

But why the fvck I liked it?!

...

"Kain na," pag-aaya niya nang makababa ako ng hagdan.

Akala ko nakauwi na siya...

Tumango lang ako bilang sagot at nagtungo na sa upuan ko habang siya naman ay nilagyan ng pagkain ang plato ko at ang plato niya bago siya umupo sa tapat ko.

Tahimik lang kaming dalawa at tanging tunog lang ng mga kubyertos ang naririnig dito sa silid.

Awkward...

Muli akong napatingin sa labi niya at kaagad kong naramdaman ang pamumula ng mga pisngi ko nang maalala ko ang nangyari kanina.

Lagot ako kay Maxine kapag nalaman niya ito!

To be continued

Instant Daddy✓ Where stories live. Discover now