Chapter 7

11 6 4
                                    

Back in a Week

Nahigit ko ang sariling hininga nang biglang sabihin iyon ni Nath. Lumayo ako mula kay Teo kasi paniguradong mababangasan ko na 'yong pinsan kong 'yon dahil aasarin na naman ako no'n kahit kausap ko pa itong dahilan kung bakit inaasar ako ng ugok kong pinsan ngayon.

Pero lintik lang talaga ang walang ganti. Babawi din ako kaagad sa pang-aasar ng Teo na 'yon sa 'kin.

Tumikhim muna ako bago sumagot. "Y-You're... welcome?" Maingat na sagot ko.

Tumawa naman siya ng mahina bigla sa kabilang linya kaya sa hindi inaasahang pagkakataon ay nag-iinit ang magkabilang pisngi ko.

Iyon naman dapat ang sasabihin ko pabalik sa kan'ya pagkatapos niya 'kong pasalamatan ng gano'n ka heartwarming na appreciation message, 'di ba?

Tinampal-tampal ko naman ng mahina ang aking magkabilang pisngi para maulirat ako. Nakakaramdam kasi ako bigla ng mali, the way he talks at me and his tone.

Napabuntonghininga naman ako bigla at sinadya ko iyong iparinig sa kan'ya.

"May... May problema ka ba?" Tanong ko.

Bigla na lang nagkaroon ng mahabang namumutawing katahimikan sa kabilang linya kaya tinignan ko ang cellphone ko kung napatay ba ang tawag pero kitang-kita ko pa rin na nasa call pa rin ako at pati na rin siya kaya napakunot ako sa noo ko.

"Nath? Ayos ka lang ba d'yan?" Pagbabasag ko sa katahimikan.

Rinig ko ang malalim niyang paghugot ng hininga.

[Yeah... anyway, consider what I've said as a compliment. Napakabait mo kasing tao kaya deserve mong makatanggap ng gano'ng mensahe. By the way, 'yong sinabi ko sa 'yo kanina, ako ang naglikha no'n as a simple appreciation message for you and...] na-intrigue naman ako sa 'and' niya. Pabitin naman kasi eh.

"And?" Hindi naman sa paga-assume pero parang gano'n na nga.

[...nevermind. May you find light and peace by my message written just for you. Good night and sweet dreams, Tali!] pag-iiba niya sa usapan at nagpaalam kaagad.

So, tumawag lang siya para sabihin 'yong mensahe na 'yon na para sa 'kin din naman?

Masakit naman pala mag-assume ng kahit konti.

"Good night and sweet dreams, too, Nath," pagpapaalam ko rin bago niya in-end ang tawag.

Nang ibinulsa ko ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko ay pagharap ko naman, may nakaabang na pala sa 'king isang tsismoso.

"Ano na naman ba, Teo? Tsismoso mo rin eh, 'no?" Napairap ako sa napakatigas ng ulo na pinsan kong 'to.

"'Yan ba 'yong 'Nath' na inaasar ko sa 'yo, ate?" Taas-babang-kilay na tanong niya. Mangungutya na naman panigurado 'to eh.

"Ano sa tingin mo? Tsismoso ka naman pagdating sa mga ganitong bagay, 'di ba?" Tanong ko.

"Eh, sinabi ko bang tsismoso talaga ako sa mga ganitong bagay, ate? Ikaw na naman nagfo-formulate ng mga bagong words na hindi naman talaga totoo, eh," paninisi niya sa 'kin.

"So, ako pa talaga ang mali?" Hindi-makapaniwalang bulalas ko.

"Yup!" He said, popping the 'p' and as a matter-of-factly.

Tumango-tango naman ako na parang sang-ayon ako sa sinabi niya kahit hindi naman saka ko kinuha ang cellphone sa bulsa ko at parang nagpi-pindot ng caller para tawagin ang taong makakapagpatahimik sa kan'ya.

"Hello, Evangel?" Kunwari ay pagtatawag ko sa pangalan ng P.A. ko. Tinignan ko ang pinsan ko at kitang-kita ng dalawang mga mata ko ang panlalaki ng kan'yang magkabilang mata at gusto kong mapahagalpak sa tawa dahil sa mukha niyang ang reaksiyon ay parang natatae na ewan.

Glow Up Series #5: If It Was PointyWhere stories live. Discover now