CHAPTER 10

63 49 9
                                    

CHAPTER 10

XHAYNA POV.

It's 10:30 in the morning... I yawn dahil kagigising ko lang. Hayst lagi nalang akong tanghali nagigising ano ba yan.

Bigla akong napatakip ng kumot sa katawan ko ng biglang nagbukas ang pinto pero agad din akong nakahinga ng maluwag ng malaman na maid lang pala

"Good morning ma'am Xhayna, maglilinis lang po kami"

I smiled to them and nod. Tumayo ako at akmang kukunin ang kumot para tiklupin ng may lumapit sa akin na isang maid. Tiningnan ko sya ng puno ng pagtataka habang dahan dahan nyang hinihinila ang kumot sakin ni hindi sya makatingin sakin at parang hiyang hiya

"Are you okay?" I ask

Nagulantang sya at dali daling tumango

"A-ako na po magtitiklop nito Ma'am Xhayna, inihahanda napo ng iba ko pang mga kasama ang pagkain nyo"

Napangiti nalang ako dahil parang ilag na ilag sya at takot na takot sakin. Hindi naman ako nangangain ng tao

"Natatatakot ka ba sakin?" I ask

She look at me.

"S-syempre po ma'am xhayna a-asawa po kayo ni Mr.Xerxes"

Now i realize na asawa nga pala ako ng isang kilalang kilala na tao.

"Nasan nga pala si Dar- este ng ang asawa ko?"

"Maaga pong nagpasok sa trabaho ma'am, ibinilin nya po na ibigay namin lahat ng kailangan at gusto nyu, sinilip nya nga po kayo kanina at ang sabi wag na wag namin kayong iisturbuhin"

Napatango nalang ako. Nagsimula na akong maglakad patungo sa banyo. Hmmm maaga pa naman bat di ko kaya sya puntahan sa kompanya nya hmm tama! Tama!

Dali dali akong nagshower. I wear my side sleeve fitted black dress and black heels okay na siguro toh magmumukha na akong asawa ng isang bilyonaryo hehehe. Light make up is okay!

Bumaba ako sa kusina para tingnan ang ginagawa ng iba pang maids laking gulat ko dahil napakaraming pagkain sa lamesa

"Good morning po" tinag ko sa kanila na naghahanda ng pagkain

Agad silang tumabi sa gilid at humanay na nakaharap sa mesa.

"A-akin po ba yan"

"Opo ma'am" wika nung isa

"Sobrang dami naman po"

Umupo ako at kinuha ang tasa ng kape. Coffee is good!

Sh*t pano ako kakain kung naiilang ako sa kanilang lahat....

"Nagkain na po ba kayong lahat?" Tanong ko

"Naku ma'am wag nyu po kami intindihin ang sabi samin ni Mr.Xerxes ay pagsilbihan kayo ng mabuti kaya kumain na po kayo para po hindi kami mapagalitan"

I don't know why i smile when i heard those words... May pakialam pala sya sakin. Tsk malamang asawa ka nya! Gaga!

"Uhm coffee nalang po wala pa po akong gana. Upo po kayo ubusin nyu pong lahat yan huh. Pupuntahan ko muna si Dark"

Agad akong lumabas bitbit ang bag ko at sakto naman na may nakaparada na kotse sa labas ng bahay at pinupunasan yun ng isang lalake.

"Ah kuya ikaw ba driver?" I ask

Agad na humarap ang lalaki at tumango saakin

"Personal driver nyu po ako ma'am"

Marami na kong maids sa loob kaya hindi na ako magtataka kung may driver din ako

My Wife Revenge Where stories live. Discover now