Chapter 21

9.8K 336 67
                                    

Ice Kian Falco POV

"Kung ang tagalog ng Priest ay Pari, bakit ako nakatali?" Tanong ko kay Aize na ngayon ay madilim ang awrang nakatingin sa akin.

Ang dilim ng awra niya para niya akong pinapatay sa isip niya.

Matapos ang nangyari kagabi sa bar ay may bigla itong itinurok sa akin dahilan para makatulog ako. Hindi ko rin alam kung ano nangyari doon sa babaeng sinampal at sinambunutan niya.

Nagulat nalang ako na paggising ko kanina ay nakatali na ako habang siya tahimik na nakatingin sa akin.

Nagtaka ako kanina dahil sobrang pamilyar ng kwarto, yun pala ay andito kami sa bahay na pinagdalhan niya sa akin nung kinidnap niya ako.

Kita kong napahinga siya ng malalim bago hilutin ang sentido niya. Tumayo siya at pumasok sa banyo.

Kumunot ang noo ko ng marinig ko itong nagsusuka sa banyo kaya agad na umusbong ang pag-aalala ko. Gusto ko mang tumayo para puntahan siya pero nakatali ang dalawang kamay ko sa headboard ng kama.

"Aize, okay ka lang?" Malakas na tanong ko rito para makasigurado na marinig niya sa loob ng banyo.

Wala akong narinig na sagot dito pero rinig ko parin ang sunod sunod na pagsuka nito.

Ano kaya nangyari sa kanya? Baka may nakain siyang hindi maganda kaya nagkaganon tiyan niya.

Ilang sandali pa ay bumalik na ito habang papunas punas sa bibig niya gamit ang tissue. Akala ko uupo lang ulit siya pero nahiga ito sa tabi ko at niyakap ako bago isiniksik ang mukha sa leeg ko.

"I've warning you so many times." Biglang nagsitayuan ang balahibo ko sa batok ng bumulong ito. "I don't want to hurt you again, I don't want to repeat what I did before but gosh... Hays." Huminga ito ng malalim at niyakap lang ako ng mahigpit.

Ramdam na ramdam ko ang malambot nitong katawan sa akin. Parang may nag-uudyok sa akin na yakapin ito pabalik pero hindi ko naman magawa dahil nga nakatali ako.

"Okay ka lang ba, Aize? Masakit ba tiyan mo? Bakit ka nagsusuka?" Sunod sunod na tanong ko rito pero wala akong nakuha na sagot sa kanya.

Napahinga ako ng malalim at hinayaan nalang siya.

"I'm okay. It's just a nothing, okay lang ako." Maya mayang sagot nito na ikinatango ko nalang.

Bigla kong naalala si Jaja. Lagot baka hanapin ako ng baklang 'yon.

"T-Teka, Aize kailangan ko ng umuwi. Hahanapin ako ni Jaja, tsaka may lakad kami ni Luna ngay- aww masakit." Daing ko ng malakas nitong kinagat ang leeg ko.

Naging bampira pa nga.

"Hindi na kita ibabalik. And no, hindi ka nila hahanapin. Just focus on me." Luh siya.

Ano namang gagawin ko dito? Baka gawin niya ulit yung ginawa niya sa akin dati? Ayoko na.

"H-Hindi mo naman gagawin ulit yung ginawa mo sa'kin dati, d-diba Aize?" Kinakabahan kong tanong sa kanya pero wala akong nakuhang sagot.

Hindi ko lubos maisip na kung bakit ako pa. I mean, simula nang isilang siya ay kapatid na ang turing ko sa kanya. Sobrang saya ko pa nga no'n dahil may kapatid na ako pero hindi ko alam na ganito pala ang kahihinatnan nito.

Hindi ko inaakala na yung batang inaalagaan ko noon, yung batang pinagtitimpla ko ng gatas noon, yung batang tinuturuan ko noon kung paano makalakad at makapagsalita ay siyang magiging ano ko, yung ano basta ano.

Her Obsession Where stories live. Discover now