Prologue

22 2 0
                                    

( Bago tayo mag simula gusto ko lang sabihin na hindi po ako magaling sa pag sulat ng storya kaya 'wag niyo po akong husgahan. At kung iniisip niyo may ninakaw/may kapareha akong story wag niyo po yan isipin dahil di ako ganung tao. - Han )

Enjoy Reading.

Third Person Point Of View

Si Celia Anne Rivera ay pinanganak na kinamumuhian, kinaya niya na mamuhay kahit sinasaktan siya ng kanyang magulang. Si Celia ay napakabait kahit kung anong ginawa sakanya ng kanyang nanay at tatay ay nandyan pa rin siya.

Mahal na mahal niya ang kanyang magulang kahit ganoon.

May kapatid si Celia na nangangalang Sienna Grace Rivera, siya naman ay pinakamamahal ng magulang niya. Sakanila ni Celia ay siya lang ang tinuring na parang prinsesa.

Kahit anong hiling ng kapatid ni Celia ay ibinibigay naman ito ng kanyang mga magulang.

"Ate Lia, aalis nanaman po kami ni mama hindi ka po ba sasama?" Nakangusong tanong ni Sienna sa ate niya.

Napaluhod si Celia para medyo niya maabot ang kanyang kapatid.

"Sie, alam mo naman po diba hindi ako isasama ni mama, 'wag ka mag alala baka sa sunod isama na ako ni mama." Ngiting sabi na sagot ni Celia sa kapatid niya at mahina niyang ginulo ang buhok ng kapatid niya.

Ganito ang buhay ni Celia, lagi siya iniiwan ng kanyang ina sa tatay nito at kahit alam ng ina ni Celia na sinasaktan ang anak niya ay binabalewala niya ito.

Napakawalang hiya ang kanyang ina sa palaging inaasta nito.

"Tara na Sienna."

Hinawakan ng ina ang kamay ni Sienna at tuluyan na silang lumabas, naiwan nanaman si Celia sa tatay niya.

Pinilit na lang ngumiti ni Celia sa pag alis nanaman ng kanyang ina kasama ang kapatid. Sampung taon na gulang na si Celia pero nung simula siyang saktan ay limang taon na gulang.

"Tangina bakit ang kalat dito?"

Bungad na sabi ng tatay ni Celia nang pag pasok nito, nagulat ang batang si Celia dahil mukhang masasaktan siya kasi lasing ang kanyang tatay, laging inom at sigarilyo in short bisyo ang inaatupag ng tatay ni Celia.

'Lasing nanaman ang tatay ko, palagi na lang wala na ba siyang magawa sa buhay niya? Napapagod na ako sa mga pinaggagawa niya sakin...Lord bakit ganito?' Sabi ng batang si Celia sa isip.

"HOY! TINATANONG KITA BAKIT ANG KALAT NG SALA!?" Tinulak niya si Celia sa sofa at namamaos ang boses ng tatay ni Celia sa pag sigaw.

"N-nililinis k-k-ko po–" bigla siyang sinampal ng kanyang tatay sa pisngi nang malakas, dumugo ang kanyang ilong at nagkalat na ito sa kanyang bibig.

Nag simula nang umiyak ang batang si Celia.

"Tarantado ka pala eh! Bakit lilinisin mo pa lang ha? Diba ang sabi ko pag ka dating na dating ko rito sa bahay mag lilinis ka tangina mong bata ka!" Sinampal ulit ng ama ang batang si Celia.

"N-nakalimutan ko p-po...naghuhuga–" nanginginig na sabi ni Celia at bigla na lamang siyang sinabunutan ng kanyang ama at ibinato siya sa pinto.

Natumba ang batang si Celia dahil tumama ang kanyang ulo sa busol ng pintuan, hindi siya makatayo ng maayos at nahihirapan siyang magsalita dahil sa sobrang takot niya lalo.

At ang ama ay nilayasan ang batang si Celia, naiwan si Celia sa bahay na duguan at luhaan.

Gusto niyang humingi ng tulong pero wala na siyang lakas para gawin iyun kaya ang tanging niya na lang nagawa ay huwag pumikit dahil ayaw niyang mawalan siya nang lakas at hindi niya malinisan ang sala baka kasi pagdating ng tatay niya ay pagalitan, sigawan, at saktan ulit siya.

"T-tu-tulon..."

Nawalan na nang paningin ang batang si Celia dahil ipinikit niya na ang kanyang mata at natuluyan na siyang nakahiga na natutulog pero duguan ang kanyang mukha.

Iminulat ni Celia ang kanyang mata at bumungad ang kanyang lola na nag aalala pero naiiyak na lang siya bigla sa takot at niyakap niya ang kanyang mabuting lola na nagiintindi sakanya sa bawat oras na walang wala na siya.

"Juskong bata ka, ano ba nangyari sayo?" Tanong ng kanyang lola pero tuloy pa rin ang pag iyak ng batang si Celia.

"L-lola...ayaw ko na po, gusto ko–"

"Shh Lia...'wag mo yang sabihin naku ka bata bata mo pa tapos gusto mo na mamaalam at bakit ganito ang nangyayari saiyo, tatay mo ba ang may gawa nito?" Pinatahan na lang muna ng lola ang bata dahil nang itanong niya ng pangalawang beses ang bata ay hindi ito sumagot.

Hanggang sa guminhawa na ang pakiramdam ni Celia ay nag simula na niyang ikwento ito at nagulat na nagagalit na lamang ang kanyang lola.

"Jusko, malalagot sakin ang tatay mo." Bantang sabi ng lola at iniyakap lang ni Celia ang lola.

"'Wag ka nang malungkot at umiyak apo ha nandito na si lola, iuuwi na kita at ilalayo kita sa demonyo mong tatay." Sabi pa nito at ngumiti si Celia sa narinig niya, hindi niya na muli mararanasan ang saktan at makakalayo na rin siya sa tatay niya.

"'La, kahit 'wag niyo na pong pagalitan si tatay..." napakunot noo ang kanyang lola pero nagmakaawa lang si Celia hanggang sa pumayag din ang kanyang lola.

Nakauwi na ang mag lola sa bahay ng tatay ni Celia dahil kailangan nilang kunin ang mga gamit ni Celia at nagulat na lamang sila ay nagkalat ang mga gamit sa sala, nasira ang telebisyon, ang mga nasa kusina na panggamit sa pangluto ay napunta rito sa sala na nagkalat.

Bumaba ang tatay ni Celia at parang may binabalak itong masama dahil nakangiti ito na nakangisi.

"Ano 'to Fred!?" Tanong ng Lola ni Celia na nagagalit sa ama ni Celia.

Lumapit ang ama ni Celia sakanila at bigla na lamang niyang sinakal ang lola ni Celia, "Pa! 'Wag mong saktan si Lola!" Sumigaw si Celia pero bigla siyang itinulak at natumba siya sa sofa.

"B-bitawa-wan m-o a-ko." Pilit pa ring nag salita ang lola kahit hindi na siya makahinga at salita dahil sobrang higpit ng pagkakasakal ng ama ni Celia sa lola.

Tumayo si Celia na naluluha na at bigla na lamang may inilabas na kutsilyo ang ama niya at itinutok ito sa batang si Celia, "'Wag kang lalapit na putanginang bata ka! Papatayin ko 'to!"

Lumuhod si Celia at nagmakaawa, "Please pa...'Wag? Pa kahit ako na lang...kahit ako na lang...'wag lang si lola.."

Nagsimulang maraming pumatak ang mga luha ni Celia kahit anong gawin niyang mag mamakaawa ay hindi nakinig ang ama niya.

"Ano ako tanga, bakit kita papatayin kung kailangan pa naman kita at puwede ba itong lola mo pakialamera sa buhay natin."

Kumuyom ang kamay ni Celia at hindi niya mapigilang batuhin ang ama ng plorera nasa gilid niya pero hindi naman siya tanga para gawin iyun dahil baka biglang saktan ng ama niya ang lola niya.

"Pa...please.." Unting lumapit si Celia pero lumalayo ang ama niya,

 "Diba sabi ko sayo 'wag kang lumapit!" Sabi ng kanyang ama.

"Lia, apo pakiusap diyan ka lang, o-okay lang si lola..." Medyo nakakasalita ang kanyang lola dahil medyo lumuwag ang pagkakasakal nang ama ni Celia.

Umiyak nang umiyak si Celia dahil ang lola ay siniko ang tiyan ng ama ni Celia at nasaktan ito at ang lola ay tatakbo sana, lalapit sana si Celia nang biglang naabot ng ama ni Celia ang lola at minadaling saksakin ito, kinuha niya ito at madaling tumakbo dala ang kutsilyo.

Tumakbo ang batang si Celia sa lola niyang nakahiga na duguan sa sahig at lumuhod ito, "LOLA! 'WAG, 'WAG MO AKONG IWAN PLEASE LOLA... IKAW NA LANG ANG MERON AKO..." Pinunasan ng lola ang mga luhang nasisituluan sa pisngi ng kanyang apo, "Nagmamakaawa ako, Lola...lumaban ka lola! Lumaban ka!"

"A-apo, m-ma-mahal k-ki-kita...p-patawarin m-mo ako, apo."

"Ang daya mo, Lola!" Nag simula nang tumulo ang mga luha ni Celia.






PangakoOù les histoires vivent. Découvrez maintenant