Chapter 6

4 0 0
                                    

Celia

Nandito ako ngayon sa Philippe Amazing Mall, lunes ngayon at simula ng trabaho ko. I entered Sir Philippe's office and I raised an eyebrow at him. 

Nakangisi siya sa 'kin at lumapit siya sa'kin kaya napaiwas ako ng kaunti. I looked at his eyes, nakatingin din ang mga mata niya sa aking mata. 

"Why do you seem nervous?" Philippe smirked. 

Ang bilis nang tibok ng puso nang bigla siyang nagsalita. I clear my throat, umiling ako at umiwas sa mga tingin niya. 

"H-hindi naman ako kinakabahan." Utal kong sabi ng hindi pa rin tumitingin sakanyang mga mata. 

Umalis lang siya harap ko na nakangisi pa rin at bumalik siya upuan niyang umiikot. 

Tangina nito, ano ba talaga pinunta ko rito? Inaasar ata ako nito. 

"Your position here at my mall is you'll be my secretary." Napataas naman ako ng kilay sa sinabi niya. 

Putangina! Ayoko siyang makita araw-araw. Ay, kahit iba naman position ko ganun pa rin, makikita ko pa rin ang pinaka pangit niyang mukha. 

"May secretary ka naman na diba?" 

Tumawa siya nang mahina at napailing iling siya. 

Crazy, amputa. 

"I fired her because she was flirtatious." Tumawa ulit ito na parang baliw. 

"Baliw ka ba?" Tumatawa, eh wala namang nakakatawa. 

Tumingin naman siya ng seryoso ulit sakin at napataas siya ng isang kilay niya.

"Make me some coffee." Utos niya, kinuha niya ang libro at nagbasa. 

Kakaumpisa ko lang utos kaagad? Ganyanan pala rito. 

Nakabusangot akong pumunta sa pantry niya sa opisina niya, akala ko malilito ako kung saan pantry niya pero may kulay puti na pinto at nakasulat sa pinto ay "pantry". 

Dali dali akong gumawa ng kape niya at napangisi ako sa ideya na naisip ko. Napangisi ako lalo nang makita ko ang garapon ng asin. 

Ngiti kong inilapag sa table niya ang kape niya at tinignan ako nito na parang may pagdududa. 

I'm not doing anything wrong, huh. 

Umalis ang tingin niya sa 'kin at ininom niya ang kape niya. Napakagat ako sa ibabang labi ko para iwasan na matawa. 

"WHAT THE FVCK!" 

Naibuga niya ang kape sa binabasa niyang libro at ako ay pinipigilan pa ring hindi matawa. 

"What did you put in my coffee? Sugar or Salt?" Galit na tanong at galit na tumingin siya sakin. 

Asin, asin na may konting kape. 

Hindi ako sumagot at ngumiti lang, napansin niya ngumiti ako kaya nagulat ako sa ginawa niya. Ibinuhos ba naman niya ang kape sa sahig. 

"Why are you smiling? Clean that." 

Dabog siyang lumabas sa opisina niya at iniwan ako rito para maglinis. Inis naman akong kinuha ang mop sa bathroom niya, ang laki ng opisina niya, pwede na gawing kwarto.

Lunch break ko ngayon kaya lumabas ako ng office niya para maglibot sa mall niya. Napatingin ako sa appliances section, may nag-aaway kaya nakichismis na rin ako. 

Isang employee ni Philippe, employee ito dahil naka uniform na kulay blue at may isang dalagang nakikipagaway sa employee. 

"Bayaran mo 'to Miss o ipapakulong kita." Itinuro ng babae ang washing machine. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 01, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PangakoWhere stories live. Discover now