PROLOGUE

7 0 0
                                    

PROLOGUE

Naglalakad ako papunta sa office nang may biglang rumagasang kotse sa aking harapan. Sa harap ko ang pedestrian lane at ako lang pala ang tao dito. Malas naman!

Akala ko ay mahahagip ako ng kotse dahil sa sobrang lapit at kahit buong pagkatao ko ay parang nakasama sa sobrang lakas ng hangin.

Nag coffee break lang ako dahil nga sa sira ang coffee machine sa opisina sa hindi ko malamang dahilan kaya sa labas ako bumili.


Pagpasok ko ng office ay naroon na si Francine, ang aking secretary na sinalubong ako ng kunot niyang noo at nakanguso niyang labi.

"Miss Ma'am," halatang excited siyang makita ako kahit isang oras lang ata akong nawala.

"Yes?" Sagot ko sabay itinuon ang tingin sa hawak niya. Isang bouquet ng bulaklak at isang kahon ng chocolate.

Heto na naman.

"Galing po kay Si---"

"I know, Francine. Hindi ka ba nagsasawang ikaw ang binibigyan ni Prof. Exequel Fajardo? Dahil ako, sawang-sawa na."

"Tsaka, sa susunod pakisabi kung manliligaw siya, sa personal kamo."

"May balak ka po bang sagutin siya?" Agad akong umiling. I don't do that.
Nasilayan ko ang lungkot sa mukha ni Francine.


"Kanina pa nga kayo hinahanap ni Mr. Fajardo eh, sabi ko busy ka." Humagighik siya na animo 'y kinikilig sa matalinong mayabang na iyon.

Wala akong balak sagutin ang Professor na iyon. Nasobrahan naman siya sa effort, at dahil sa sobra na iyon, halos paulit-ulit nalang ang pinapadala niya.

Flowers? Allergic ako.
Chocolate? I'm also allergic with this. Nasusuka ako.

Kape nalang ata bumubuhay sa pagkatao ko.

"Eh, Miss Ma'am, saan ko na 'to ilalagay? Huwag mo po sabihin na itatapon ko na naman?" Naroon na naman  ang paniniguro niya. Mahina akong natawa.

"Take it if you want. Alam mo naman ata ang dahilan. Allergic ako sa mga bagay na 'yan." Napabuntong-hininga na lamang siya saka dahan-dahang naglakad sa pintuan.

"Thank you, Miss Ma'am. Sa wakas naman ay may nagbigay na sa akin ng bulaklak. I can't imagine ah." Inamoy-amoy niya pa ito na tila 'y bangong-bango.

"Pati 'tong chocolate akin na ah?" Mahina akong natawa sa inasal niya. Wala naman akong mapapala sa chocolate.  Since I was a kid, my skin reacted when I first time to eat chocolate. Umiyak pa ako no'n dahil sarap na sarap pa ako, kaso nang maubos ko na ang isang pack, nakita ko na lamang na sobrang pula ng balat ko at sobrang kati.

"Sige na, you can take all of that."

"Thank you, Miss Ma'am ah. Sige, labas muna ako." Matapos niyang magpaalam ay siniguro kong nakalock ang pinto.

Matapos iyon ay agad kong inilabas ang cellphone ko saka tinawagan ang aking tatay na nasa America.

Hindi na ako makapaghintay na makausap siya. Ngunit tila 'y wala itong balak sagutin ang tawag ko. Ngunit hindi ako sumuko dahil importante ang sasabihin ko.

"Hello, Madison?" Sa tono ng pananalita niya ay mukhang wala ito sa wisyo. Hys, lagi naman.

"Hi, Dad. I want to ask if you're okay?"

"Iyon ba talaga ang sadya mo, Madison?" Nakagat ko ang aking labi dahil sigurado akong badtrip ang tatay ko.

"No, dad." Mahinang sagot ko.

OPPOSITE ATTRACTSWhere stories live. Discover now