CHAPTER 27

14.4K 320 13
                                    




"K-kuya.."

"Ngayon kukuya-kuya ka sa akin Savannah matapos mong umalis ng walang paalam? At pati din si Aella sinama mo pa sa kalokohan niyo ng putanginang Escarra na 'yon." Sabi ni Arken na nakatayo sa harap ng kapatid, umuwi na ang mga ito pero si Savannah lang ang nakipagkita sa kanya ngayon. Wala din si Supremo dahil may pasok pa pero sinabi na niya na kasama niya ang kapatid.


"Pero kase, Kuya naman.." parang nagkapalit na ngayon ah, ako na ang kinakabahan na makita si Arken at may pag-kuya pa nga!


"Arken, call me Arken Savannah at maski ako ay hindi sanay na tinatawag mong Kuya." Sabi ng binata na naiilang din pala.


"Nakabalik naman na kami, dito din naman kami magce-celebrate ng new year kasama kayo." Two days after Christmas ay nagpasya na kaming umalis ng isla. Tama na 'yong ilang linggong pananatili namin doon, nagkita din kami kahapon ni Amara na personal kong pinuntahan sa bahay nila sa Tagaytay. Marcus was upset to me, dahil nga hindi ko nagawang makapag-paalam sa kanya at bigla na lang umalis sa trabaho. Pero thank you talaga kay Amara dahil kaunting himas lang nito sa braso ni Marcus ay mukhang okay na at napatawad naman na ako. Pinababalik na din niya kase ako sa kompanya niya pero after new year na lang daw.



"Wow, bakit parang utang na loob ko pa na bumalik na kayo? You should really come back Savannah because Supremo and I was worried to you and specially on our niece. Where's Aella? Hindi mo man lang talaga dinala dito para nakita ko sana."



I stared on my brother blankly, kawawa magiging girlfriend o mapapangasawa ni Arken. Napaka-istrikto din kase ng lalakeng ito, pero sa kanila ni Kuya Supremo ay mas panatag ako na kausap siya dahil pa-chill chill lang 'to at hindi kagaya noong isa na super seryoso talaga sa buhay.
But they are really protective to me, and I should be thankful on that dahil kahit magkakapatid kami sa labas ay hindi nila pinaramdam 'yon sa akin.


"Nagpa-check up sila ni Azul sa Delgado hospital, hindi ko na nga nasamahan dahil pinuntahan ko kayo dito tapos wala naman pala si Kuya Supremo."


Napatingin naman si Arken sa pinto. "Speaking, oh nandito ang Kuya mo." Turo niya sa naka unipormeng si Supremo.



Kinakabahan naman akong lumingon, at parang gusto ko magtago sa likod ni Arken dahil sa itsura ni Kuya Supremo.



"K-kuya.."



"Buti naman at naisipan mo pang umuwi." Sarkatiskong sabi ni Supremo sa kapatid, nilapitan niya ito at tsaka tiningnan. Nag-early out siya sa trabaho at nagpaalam sa kanyang kapitan at kaibigan na din na si Rios para makauwi ng maaga dahil baka umalis na naman agad itong si Savannah at hindi niya makausap.



"Merry christmas Kuya Supremo!" kinakabahan man ay tumayo pa rin ako at lumapit sa kanya, niyakap ko siya ng mahigpit at humalik pa nga sa pisngi niya. Samantalang nakita ko naman si kuya Arken na patawa-tawa dahil alam niyang makakatikim talaga ako ngayon ng sermon mula dito.



"Where's Aella? bakit hindi mo siya kasama? Nasaan ang pamangkin ko?" tanong ni Supremo, namili pa naman ang asawa niyang si Kae ng mga regalo para kay Aella at hindi pa nga niya 'yon maibigay. Maging ang anak niyang si Mattheus ay hinahanap din ang pinsan nito. He knew everything now alam niyang si Bullet ang tumulong kay Azul at alam na din niyang sa isla nito naglagi ang tatlo. At parang gusto niya itong sugurin dahil tanong siya ng tanong sa mga kaibigan pero hindi naman sinabi na alam pa nito kung nasaan ang kapatid nila.




"Nagpa-check up sila Kuya, doon sa Delgado hospital."




Naupo si Supremo sa harap ng kapatid. "Ano na bang nangyayari sa 'yo Savannah? bakit parang biglang bumait ka kay Azul? Ano na ba? nakalimutan mo na ba 'yong mga pinag-gagawa niya sa 'yo? sa inyo ng anak mo? At bakit hindi ka man lang nagpaalam sa amin kung saan kayo pupunta at bakit parang hindi mo naisip na nag-aalala kami nitong si Arken."



"S-sorry na, alam ko naman kasi hindi kayo papayag kapag nagpaalam ako sa inyong sasama kami ni Aella kay Azul, i-isa pa nakabalik naman na kami."



"Hindi ka naman talaga namin papayagan ni Supremo na sumama diyan sa Escarra na 'yan eh. So ano 'yon? gano'n gano'n na lang 'yon ha? Bigla na lang kayong okay na dalawa pagkatapos ng lahat ng hirap mo at pagkatapos ng lahat ng ginawa ng lalaki 'yon sa 'yo? Yes Azul is our friends but we ended that, hindi na namin siya tinuturing na kaibigan simula ng malaman naming siya pala ang gumago sa nag-iisa naming kapatid na babae." Sabat ni Arken na seryosong-seryoso na nagsasalita.



"And i can't really believe it that after everything he did to you ay patatawarin mo lang siya ng gano'n. Huwag ka naman maging tanga Savannah, kung alam lang namin na siya pala ang nakabuntis sa 'yo at ang ama ni Aella ay baka noon pa ay pinatay na namin ang hayop na 'yan. Did he promised something to you kaya sumama ka sa kanya? anong pangako niya sa 'yo? hindi ka iiwan? hindi ka sasaktan? hindi niya na uulitin 'yong ginawa niya sa 'yo? 'yan ang laging sinasabi ng lalaki tandaan mo 'yan Savannah at sinasabi ko sa 'yo 'to dahil lalake din ako. Pero magkaiba kami ni Azul at alam kong maski itong si Arken dahil never akong nanakit ng babae because I know how to value woman." Ani ni Supremo, siguro kung lalaki lang itong si Savannah ay baka nabugbog niya na ito eh. Pero babae kase at nag-iisa pa nilang kapatid na babae. But he will try his very best to protect his sister.




"I-I'm so sorry, g-ginawa ko lang kase ang alam kong tama. Alam niyong naghahanap si Aella ng tatay at kahit bali-baliktarin pa natin tatay pa din niya si Azul." Hingi ko ng tawad, alam kong galit sila pareho sa akin pero iba kase ang pakiramdam kapag nakikita ko si Azul at Aella. "Hindi niyo nakikita kung gaano kasaya si Aella kapag magkasama silang mag-ama a-at ayokong ipag-damot 'yon sa anak ko."




"Pero mali nga! naiintindihan mo ba kami Savannah? wala ng pag-asa magbago ang putanginang Azul na 'yan. Yes he donated his kidney for your daughter but it doesn't mean na okay na dapat, na okay na ang lahat na okay na kayong dalawa na wala na kayong problema. Don't forget what he did to you dahil kung nagawa niyang iwan ka noon ay magagawa niya pa rin 'yon ngayon at yan ang tandaan mo." Gusto isiksik ni Supremo sa utak ng kapatid na wag naman sanang maging padalos-dalos ngayon dahil ayaw niya ng maulit ang mga pinagdaanan nito.



"A-ano bang gusto niyong gawin ko?" I should ask them dahil hindi ko na din sila maintindihan.



"Umalis kayo ni Aella sa bahay niya at iwan mo siya." Magkasabay na sabi ng kambal.




Hi! Nasa shoppee at lazada pa din po ang book na The governor. Hanapin niyo lang 'yong psicom tapos makikita niyo na doon. Bili na kayoooo!



#maribelatentastories

M.A series #12 Azul EscarraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon