Chapter Seventeen

1.4K 49 0
                                    

Pagkatapos ng komprontasyon namin ni Rowan ay nandito ako ngayon sa conda nya dahil ayaw n'ya akong pauwiin hangga't hindi daw kami nakakapag usap ng maayos . Wala naman na akong nagawa dahil yun din ang gusto kong mangyari, Naisip ko kaseng pinapahirapan ko lang ang sarili kong iwasan sya dahil wala din saysay.

"Hey, Drink this" Banayad ang boses niyang sabi at nilagay ang hot chocolate sa harap ko. Umulan kase bigla ng makarating kami sa condo n'ya.

I've been here many times now, pero lagi siya sa amin dahil mas gusto daw nyang alam ni mom and dad kung anong ginagawa namin. His very gentle person since then.

"Ask me" mahina ang boses kong sabi.

Tumingin ako sa kanya para makita ang mukha niya, mapupungay ang mata niya at bakas ang pamumula nito dahil kanina.

Huminga ako ng malalim, hindi ko kayang tingnan sya ng matagal dahil parang sasabog ang dibdib ko dahil sa lakas ng tibok nito.

"Do you really like him?"

Napalingon ako sa unang tanong nya, He still believe to my lied huh.

Umiling ako "No."

"D-do you love me?" Nanginginig at bakas ang kaba sa tono niya.

Tumitig ako ng matagal sa mata nya, Nakikita ko ang iba't ibang emosyon dito pero hindi mawawala ang takot sa magiging sagot ko sa kanya.

I want to touch his cheeks but I refuse to do it. I closed my fist in my lap and swallowed.

I closed my eyes and slowly nodded my head.

"Fuck!" I heard him curse at nagulat akong nasa harapan ko na sya.

"S-say it, Syera. I wanna hear it, baby." Nauutal at nanginginig ang kamay niya nang hawakan ang pisngi ko.

Hindi ako makapagsalita agad dahil sa pagkabigla sa naging reaksyon nya. I never seen him this eager for something. Ngayon ko lang din siya nakitang ganito kakaba sa harapan ko at parang gusto kong tumawa sa reaksyon nya pero pinigilan ko lang.

"Baby, answer me please..." Lumapit ang mukha nya gilid ng pisngi ko at pinadaan doon ang matangos nyang ilong. Nakikiliti ang mainit niyang hininga ng tumama sa pisngi ko.

Parang sa isang iglap ay nawala ako sa katinuan dahil sa sobrang lapit nya at ang kakaibang sensasyong na pakiramdam na ngayon ko lang ulit naramdaman.

"I love you, Rowan" I whispered and closed my eyes tight, I felt my breath laboured because of the tension I am feeling right now.

"Talaga?" paos at parang nang aakit ang boses niya. tangina! biglang nag init ang pisngi ko nahihiya akong aminin gusto ko siyang halikan.

Maghalikan nalang kaya kami at mamaya na mag usap.

Umiling ako dahil sa kagagahang naisip ko. Gusto kong kutusan ang sarili ko dahil sa kahibangan ko. wtf happening to you Syera!. Hindi ko alam anong nangyari sa akin. Shit talaga si Rowan tumalab na yata ang ginagawa nyang pang aakit tulad ng ginagawa nya sa babae nya.

Speaking of babae, Parang bigla akong nainis at tinulak ng bahagya si Rowan. Nakita kong namutla at naguluhan siya sa ginawa ko.

"Sino yung kasama mo kanina?" May bahid ng tampo ang boses ko.

Huminahon ang mukha nya at hinawakan ang kamay ko at maingat na pinatakan ng halik. Tangina ito na naman ang puso kong naghuhurumentado.

"Wala lang yun, don't be jealous baby..."

"Hindi ako nagseselos" Umismid ako at hindi nakawala ang tabang sa boses ko.

"Really? Bakit ganyan ang mukha mo hmm?"

Peace in the midst of ChaosWhere stories live. Discover now