Chapter 15

361 4 0
                                    

“SERENE?” What a mess. Bakit sa dinami-rami ng lugar kung saan sila puwedeng magkita ay doon pa sa hotel na iyon. Ang mas malalala nito, magkatapat ang unit na inukopahan nilang dalawa.

Tila yata nananadya ang tadhana at madalas magkrus ang landas nilang dalawa. Hindi ngayon malaman ni Evo kung paano pa niya ipapaliwanag ang lahat suot ang bath robe ng hotel dahil malamang ay nagtataka na rin ang babaeng kaharap kung bakit siya naroroon.

“Evo? What are you doing here?” tanong nito. Was it even a question or an interrogation? Dahil sa tingin pa lang ni Serene ay parang isisunod na niya ang tanong na ‘Sinusundan mo ba ’ko?’.

“I-I just want to stay here dahil libre naman ng kaibigan ko na may-ari ng hotel na ito,” he explained. He doesn’t even know how to say what's the real reason of him in staying at the same hotel. Baka maging dahilan pa iyon para umiwas sa kanya si Serene.

“I don’t believe you,” ani Serene habang palapit ito sa kanya. Tumikwas ang isa nitong kilay at awtomatikong tumaas ang kabilang dulo ng labi nito. “Kilala kita, Evo. You’re lying.” Sa paraan kung paano siya tingnan ni Serene ay tila alam na nito kung ano ang totoong dahilan kung bakit siya naroroon.

“Then, what do you think is the real reason?” he asked but couldn't even look at her eyes. Serene saw him carressing his nape. That's one of the signs that he was lying or anxious. He kept doing those things when they were together, at ginagawa pa rin niya ang mga bagay na iyon hanggang ngayon kapag may hindi siya masabi nang diretso sa kaharap.

“Was it because nag-away kayo ni Stella?” Hindi na nagulat si Evo na iyon ang sasabihin ng dating kasintahan. Sino ba namang lalaki ang may asawa na matutulog mag-isa sa hotel na hindi kasama ang esposa niya? Walang ibang dahilan para matulog siya sa ibang lugar lalo pa’t dis-oras na ng gabi.

Napabuntonghininga si Evo. Sa pagkakataong iyon ay wala na siyang kawala. Hindi na niya magagawa pang itanggi ang totoong nangyari. “Yes. Nag-away nga kami.”

Serene leaned her shoulder against the door and crossed her arms. “Knowing Stella, she wouldn’t allow you to go somewhere else without her. She is so obsessed with you.”

Right! If there's someone who could give Evo stress, that's not his job but his wife's obsession for him. Ilang buwan pa lang ulit silang magkasama sa iisang bubong pero sobra na siyang nasasakal dito. Kung hindi nga lang talaga dahil sa anak nila ay matagal na niyang iniwan si Stella. Pero ano pang sense kung iiwan niya ang babaeng pinakasalan kung ang babaeng minahal niya nang lubos ay pagmamay-ari na ng iba at kapatid niya pa?

“Eh, ikaw? Bakit ka nandito? Hindi mo ba kasama si Eric?” tanong niya rito na pinagtakhan niya rin. Mukhang mag-isa lang si Serene sa unit kaya hindi na rin niya maiwasang magtanong.

“Oh, come on, Evo. Alam mo namang doktor ang kapatid mo. Kung hindi hospital clinic ang kasama niya buong araw ay conference naman ang madalas niyang tinatrabaho. And if you will ask why I am here, I have a business meeting with my investors for three days and they booked me here. Para hindi na ako mahirapang umuwi pa sa bahay,” she said.

“I see.” Iyon lamang ang nasabi ni Evo.

“Would you like to have some coffee?” Serene invited.

Nagulat si Evo. She's inviting me?

Napatawa si Serene sa naging reaction ni Evo. Halatang hindi siya makapaniwala na inimbitahan siya nito.

“Nevermind. I was just thinking if you could—”

“Yeah! Sure!” agad na wika ni Evo.

“Hindi ba magagalit si Stella. I thought you were—”

“Don't mind her. Nag-away lang kami dahil sa trabaho,” muli niyang singit sa dapat sanang sasabihin ni Serene.

“Okay. Let's go?” Tumango lang si Evo. Akma sanang lalabas ito pero biglang itinaas ni Serene ang hintuturo nito kaya kagyat na natigilan si Evo. “You have to change first,” wika ni Serene sabay turo sa suot niyang damit.

Evo realized that he was still wearing a bath-robe. “S-Sorry. Just a minute.” Nagmamadaling isinara ni Evo ang kuwarto at nagpalit ng damit. Mabuti na lang at dala niya ang mga damit niya na madalas na nakatabi sa kotse kaya hindi na siya namroblema kung ano ang susuotin. He just wore a black cocky pants and blue long-sleeves.

*****

“HOW'S YOUR LIFE after marrying?” Serene asked after sipping her cup of coffee.

“Masaya...” Evo said. Pero nahalata ni Serene na labas sa ilong ang mga sinasabi niya.

“You really made me realize that lying is one of the best techniques in hiding your true feelings.” Serene chuckled while saying those words. Halatang hindi ito naniniwalang masaya si Evo noong sinabi niya ang salitang ‘masaya’.

“What do you mean?”

“You can’t deny it Evo. Happiness is not just a word. There is a deep meaning for that word and the way you said it is way too different from what you feel when you say it.” Naguguluhan pa si Evo sa kung ano’ng nais ipahiwatig ni Serene sa kanya.

“You mean, hindi ka niniwalang masaya ako sa married life ko?” Nagawi ang tingin ni Serene sa palasingsingan ni Evo.

“If you're truly happy with your married life, you wouldn’t even forget your wedding ring.” Serene smirked.

After hearing those words, Evo gently hid his hand where she was looking. “I just forgot about it. Nag-shower kasi ako kanina. Bakit? Kahit minsan ba, hindi nagagawang kalimutan ni Eric na isuot ang wedding ring ninyo?”

Napatawa si Serene. “Eric didn’t even took it off even before.”

“Really? How sure are you?”

“You really don’t know how much Eric loves me, right?” Serene said after drinking her coffee. “He’s still wearing it while we’re taking shower together.”

Napalunok ng laway si Evo. He couldn’t imagine how wild Serene was while saying those words straight to his face. She was like telling how she and his brother are making love. It was like she’s trying to seduce him the other way around by giving him the idea how Eric made her crazy erotically.

Kung wala lang talagang tao sa paligid, malamang ay kanina pa niya nasunggaban si Serene. Pero hindi niya p’wedeng gawin iyon kahit silang dalawa lang ang magkasama dahil malaking pagkakasala iyon kung gagawin niya.

My Dominant WifeWhere stories live. Discover now