CHAPTER TEN

35 1 0
                                    

❤️ANNAH'S POV❤️

Ang Init Init Init Init!!! Ramdam Niyo ba? Kung Hindi Eh.Patay Ka na! Nakisabay pa tong Abs Ni James. Wah! Si James Reid Hahaha

*Blag blag!!*

"ANNAH!!!"

Napabalikwas ako ng may sumigaw. Tumingin ako sa oras at 3:28 palang ng madaling araw. Waahhh yung panginip ko na si James Reid!!

"ANNAH BUKSAN MO ITONG PINTO!"

Ano na namang kailangan nitong Kuya ko? Sembreak na sembreak nambubulabog ng madaling araw!

"ANO?!" sigaw ko sa kanya pagbukas ko ng pinto.

Tinulak niya ako papasok sa banyo ng kwarto ko.

"Teka lang Kuya. Bakit mo ba ako tinutulak dito sa banyo?"

"Maligo ka na."

"Bakit?!"

"Basta maligo ka na Savannah Valerio!"

Tumango nalang ako. Psh ang lamig pa man din ng tubig brrrrr..

Pagkatapos kong naligo ay lumabas na ako ng banyo. Nadatnan ko namang may damit na sa ibabaw ng kama ko at si Ate Lucy naman ay may pinapakealaman sa closet ko.

"Ate ano pong ginagawa niyo dito ng madaling araw?"

"Annah kunin mo na ang mga damit mo diyan at magpalit ka muna sa banyo. Mageempake lang ako ng mga damit mo."

"Bak-"

"Basta sundin mo nalang ako Annah okay?"

Tumango nalang ako at sumunod kahit sa totoo lang ay naguguluhan ako. Ano bang trip ng mag-nobyo na yun at madaling araw nila ako binubulabog?

Binuksan ko ng konti ang pintuan ng banyo ko....

"Ate Lucy pa-abot naman ng d-deodorant ko." nahihiya kong sabi, kung bakit ko naman kasi nakalimutan kunin yung deodorant ko eh!

Tumawa pa siya bago niya inabot sa akin. Loko rin tong si Ate Lucy eh. Nagpalit na ako at lumabas na. Si Ate Lucy busy sa paglalagay ng mga damit ko sa maleta.

"Ate san po ba tayo pupunta?" takang tanong ko sa kanya habang sinusklay ko ang buhok ko.

"Since 2 weeks ang sembreak niyo, napag-isipan ko na pumunta tayo sa Palawan!!" sabi niya ng may malaking ngiti sa labi.

"S-Sasakay tayo ng e-eroplano?" nanginginig kong sabi. Takot ako sa matataas.

"Ay hindi. Maglalakad tayo papuntang Palawan. Of course sasakay tayo sa eroplano Annah!"

Gusto kong batukan si Ate Lucy gaya nang ginagawa ko kay Kuya dahil nambabara na naman siya. Oo pala 2 weeks ang sembreak namin pero pili lang ang mga students na may sembreak na 2 weeks. Yung iba 1 week lang. Section white ng 4th year ay 2 weeks ang sembreak kasi lahat naman matataas ang grades eh.

Nilabas muna ni Ate Lucy yung maleta ko kaya naman sumunod ako sa kanya. Paglabas ko ng kwarto ko naabutan kong naghahalikan ang dalawang lovebirds malapit sa hagdan.

"Tama na yan. Baka ma-late pa tayo sa flight." sabi ko sa kanila kahit di ko naman alam kung anong oras ng flight, napahiwalay sila sa paghahalikan. Nakakaloka itong mag-nobyo na to!

"Let's go na nga! Hon ibaba mo nalang yang maleta ah. I'll wait for you sa van okay?" masiglang sabi ni ate Lucy saka binigyan ng smack si Kuya. Hinila naman na ako ni Ate Lucy sa pababa hanggang sa makasakay na kami sa van. Ang dilim kaya di ko alam kung san ako tinulak ni Ate Lucy na umupo. Ang sakit ng ulo ko! Nauntog kasi ako sa pagkatulak ni Ate Lucy eh. Sa pagkakaalam ko, andito ako sa second row eh.

Distraction Called "LOVE"Where stories live. Discover now