t h i s

896 39 0
                                    

Mas mabilis pa niyang tunggain ang nasa shot glass kaisa matapos ng buo ang pagsigaw sa kanyang pangalan mula sa mga taong nasa paligid niya.

Siya ang tumanggap sa katuwaang hamon na uminom ng sunod-sunod na shot ng tequila nang walang dinidilaang asin o sinisipsip na lime.

Ngayon nga'y nakataob na ang anim sa pitong shot glasses na nakahilera sa bar counter. Kinuha at itinaas niya ang panghuling shot. Tumigil ang ilan sa paulit-ulit na pagsigaw ng kanyang ngalan ngunit mas lalong lumakas ang hiyawan nang tuluyan niya itong lagukin.

Itinaob niya ang panghuling baso at kinuha ang mga perang papel na nasa tapat noon, dahil ang bawat shot ay may katumbas na halaga at ngayon nga'y parang basurang papel ang hawak nang maipon ang lahat ng iyon sa isang kamay.

"Ano? Kaya pa?" Tanong ng lalakeng pasimuno ng dare dahil sa planong lasingin talaga siya.

Napasandal siya sa counter at binigyan ang lalaki ng middle finger bago ayusin ang mga perang kanyang nilakumos.

"Here, blowjob para swabe." Pang-aalok sa kanya ng isa pang inumin.

"Sino nagsabing 'yan gusto ko?"

"Ah. Your favourite, Jack and Cola?" Ngumisi ang lalaki.

Inismiran lang niya ito saka umikot paharap sa bartender. "Bloody Mary."

Agad namang ipinripara ng bartender ang kanyang request at di kalaunay nasa harapan na niya. Kinuha niya ito para inumin pero dahil sa kalasingan ay hindi niya ito nagawa ng maayos. Parang batang hindi alam gawin ang simpleng pag-inom kaya kumalat ito sa bibig at may kaunting nabuhos sa damit. Mukha tuloy siyang bampirang may nabiktima.

Gamit ang panyo ay maingat na pinunas ng kanyang kausap ang pulang likidong kumalat sa kanya. "Ang hina mo." Tila nangangantyaw na sabi ng lalaking dumidiskarte.

Pagak siyang natawa. "That's why I did that." Tukoy niya sa dare na ginawa kanina. Pinilit niyang bumangon mula sa pagkakasandal para makaalis na. "To have the guts to face another dare."

'Demand' ang angkop na salita sa sinabi niya ngunit para sa kanya ay para iyong larong pagsubok na dapat gawin para matapos.

"Aalis ka na?" Tanong ng lalaki nang magsimula siyang maglakad.

"My mom set me up on a blind date!" Sigaw niya habang patungo na ngayon sa exit.

Bukod sa pitong shot ng tequila, ilang margarita na ang nainom niya kaya hindi nakapagtataka kung mukha man siya ngayong tinakasan ng katinuan at parang ngayon lang nagkaroon ng paa.

"'Te, palimos." Salubong kaagad ng mga batang pulubi pagkalabas niya ng bar.

Walang salita niyang itinapon sa mga bata ang perang nakuha nang di tumitigil sa paglalakad.




Divine DramedyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon