t h i r t e e n: C17H17Cl2N

249 25 2
                                    

"Hindi pa po kasi ako nakakapaglinis." Saad ko nang katokin ako ng landlord nitong apartment building, tinatanong kung naibukod ko na ang gamit ng dating tenant sa unit ko.

"Sige, basta diyan na lang muna kung okay lang sa'yo. No'ng kinontak ko kasi 'yong phone number na binigay sa'kin, kapatid niya nakausap ko."

"Nasa'n ho ba 'yong dating nakatira rito?" Tanong ko kahit pa nakikita ko siyang nakatayo rito mismo sa tabi ko at naririnig na sumasabat-sabat sa pag-uusap namin ni manong.

"Nasa ICU kasi coma daw."

"What?!"

"Coma?"

Halos magkasabay naming sambit ng kaluluwa sa tabi ko.

Humarap ako sa kanya. "Oo. Hindi ka naka-high sa drugs. Comatose ka at naglalakwatsa yang kaluluwa mo dito!" At idinuro-duro pa talaga siya.

"Okay ka lang?"

Muli akong bumaling sa totoong taong kausap. Ngayon ay nakatingin itong parang nawiwirduhan sa'kin.

"May kasama ka ba diyan?" Takang tanong nito.

"Uhm...ah, ano kasi. Wala. M-masyado lang akong nadadala sa mga linya ko sa stage play kaya ano...uhm, yun nga. Naia-acting ko na lang bigla-bigla." Katangahang alibi ko.

"Oh, aktor sa teatro pala trabaho mo."

"Estudyante pa lang po ako."

Muli na namang nagsalubong ang kilay niya at bahagyang pumilig ang ulo. "'Kala ko nagtatrabaho ka na."

Napabuga na lang ako ng hangin. Ipinagdiinan na naman sa'kin na nai-stuck na 'ko sa college.

~~~~~

Nandito ako ngayon sa nasabing ospital para kumpirmahin kung totoo ngang comatose si Mikaela.

"I remember this place." Saad ng kaluluwang nakasunod sa'kin.

May nakapasak na headset sa tainga ko para kunwari ay may kausap ako sa phone kapag sakaling may nakakita sa'king nagsasalita mag-isa. Hindi naman talaga ako mag-isa. May kasama akong...something na ako lang ang nakakakita at nakakarinig, espiritu kung tawagin.

Kung bakit ba naman kasi ako lang ang nakakakita sa kanya, hindi ko alam.

"Oh, I know this man. Dr. Aquinas! Chief supervisor ko siya during my clerkship here and I consider him as my mentor now. He's a great doctor."

Huminto ako malapit sa information desk at hinihintay lang na matapos sa pag-uusap ang babae sa front desk at isang lalaking naka-laboratory coat na sinasabi ni Mikaela kaninang doktor.

"Yes sir?" Tanong sa'kin ng babae nang mapansin ako.

"Uhm, S-si Mikaela..." Hindi ko alam ang sasabihin.

Saglit na nagkatinginan ang doktor at ang babae. "Mikaela Archeia? Yung nasa ICU? Kaano-ano mo siya?" Walang putol na tanong sa'kin no'ng doktor kaya mas lalo akong nawalan ng masasabi dahil sa pagpapapansin na naman ng panic attacks sa'kin.

"Sabihin mo fiancé kita."

"Ha?" Di makapaniwalang napalingon ako sa katabi.

"Okay ka lang?" Tanong naman kaagad sa'kin ng doktor.

"They can't tell you anything unless we're intimately connected. So, better pretend that you're my fiancé or boyfriend, para di ka i-consider na stranger sa patient na dadalawin mo. Sige na." Utos sa'kin ni Mikaela. "Baka di ka payagang makita ako pag di mo sinabi."

Divine DramedyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon