35

827 34 1
                                    

Jane's POV

"Bahala ka na diyan Jane ha, basta kami team Maxine." Bwisit 'tong sila Brian, talagang iiwan pa ako dito sa isang bangka.

Ang plano kasi since ako rin naman nagsabi, maghiwalay na ng bangka itong si JC at Jea, ginawa nga nila >_<

Malay ko ba naman na halos lahat gusto don sa bangka na nirentahan ni Jea. Hindi naman nila ayaw kay JC pero mas gusto siguro nila na samahan si Jea.

Sa bangka ni JC kami lang nila Jude, lola Berta, JC at 'yong magpapaandar. Partida, pinilit ko lang si lola na dito rin siya.

"For the sake of friendship, fine. Samahan ko na sila Jane." Si Bella na walang choice kasi tinulak siya nila Noah. Ang gagaling talaga nila =⁠_⁠=

---

Habang nasa bangka pa rin kami, iniisip ko pa rin 'yong sinabi ni Jea. Sabihin niyo nang desperada ako pero dahil sa sinabi niya na give me this week, natatakot ako.

What if mapagod na siyang suyuin ako?

Actually nga, sobra-sobra na ginagawa niyang pagbawi kaso ako lang 'tong medyo pabebe. Mahal ko pa rin naman siya pero ewan ko ba, naguguluhan pa rin ako.

"Jude, what do you want?" Si JC na inaalok ng pagkain ang anak namin ni Jea.

Mabait naman talaga si JC. I mean, nagiging palaban lang din talaga 'to pag nakakasama namin si Jea.

Tingnan niyo ngayon, inaalala niya talaga si Jude. Bale sa bangka, nasa gitna namin si Jude. Si Lola at Bella naman nasa likuran namin.

"This po tito, I really like mangoes!" Ang bibo talaga nitong anak ko.

"Okay, let me slice it for you. Anyway, did you already experience riding a Jet Ski?" Tanong pa ni JC, nakangiti lang ako sa kanilang dalawa.

Nako, kung hindi ko lang alam na balak manligaw nitong si JC, malamang naging kaibigan ko na 'to. I mean, sinasabi ko naman sa kaniya na hanggang friends lang talaga ang kaya kong i-offer kaso makulit talaga siya.

"No pa po tito, why? Are we going to ride that?"

"Of course, if you want to."

"Grabe ka naman baby, nakahanap ka na naman ng mag-i-spoil sa'yo ha." Ginulo ko pa ang buhok nito, nakita ko ring ngumiti at tumitig sa'kin si JC.

---

Nang makababa na kami sa bangka, hinahanap ko na agad si Jea.

"Shet, ang ganda dito!!!" Sigaw ni Brian pagbaba namin ng bangka. Totoo naman, literal na crystal clear 'yong dagat.

"Ang OA mo, kairita!" Si Bella na pikon kasi siya ang naging alay na maging kasama namin kanina.

"Hala, sungit naman, buti na lang maganda ka." Halata naman na nagkakamabutihan na si Brian at Bella pero sabi nila parehas na hindi pa sila. Saka na daw, ewan ko ba.

Nakababa na ang karamihan pero wala pa siya kaya mas lumapit ako sa bangka nila.

Nakita ko namang nasa bangka pa nga ito kasi nag-aalangan na lumusong sa dagat kasi ang haba ng pang-ibaba niya.

"Tara, buhatin na kita." Hindi ko alam anong pumasok sa isip ko bakit ko sinabi 'yon.

Pansin ko na nabigla din siya pero wala na siyang nagawa kasi lumapit na ako sa kaniya.

"You don't have to do this but thank you." Nahihiyang sabi nito.

Binuhat ko siya ng pa-bridal style hanggang sa makaabot na kami sa buhanginan.

60 Days as Her Wife | JaneNella / DarlentinaWhere stories live. Discover now