PROLOGUE

2.8K 41 39
                                    

PROLOGUE

AMARAH ALEXYNNE PEREZ

Isang taon. Isang taon na kaming magkasama kahit hindi ganon ka rangya ang buhay namin basta magkasama kami.


But I realized that love isn't enough reason to stay.


Mahal ko siya pero hindi na yon sapat para manatili ako sa tabi niya lalo na kung parehas na kaming nahihirapan at may nadadamay pang iba.


I didn't expect that this will happen.
Hindi ko inaasahan na magagawa ko ito.
This is not the life that I've dreamed of. Hindi ito ang pangarap kong buhay kasama siya.


Hindi ko akalaing nakaya kong ipagpalit ang pamilya ko para sa kanya. Para sa pagmamahal na nagpahirap saming dalawa.


Inayos ko ang hapag at naghanda ng pananghalian naming dalawa. Dahil alam kong mamaya-maya ay uuwi na rin siya.


Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin sa kabila ng mga nalaman ko. Hindi ko alam kung kaya ko pang kumapit sa ano mang meron kami.


I felt his lips touched my cheeks. He wrapped his hands around my waist.


"Na miss po kita." Malambing na sabi niya.


Hindi ako umimik. Nagpatuloy na lamang ako sa pagsasandok ng pagkain naming dalawa.


"Upo ka na. Kakain na." Sambit ko.


Nakangusong umupo ito sa upuang nasa harap ko.


"Sungit naman miss." Pang-aasar niya.


Tiningnan ko lamang siya sa kanyang mga mata. Pinagmasdan ko ang kabuunan ng kanyang mukha na masayang nakangiti sa akin.


Ngiting hindi ko alam kung muli ko pang makikita. Paano niya nagagawang ngumiti kahit sobrang nahihirapan na siya.


Nagkuwento siya nang nagkuwento ng mga bagay tungkol sa trabaho niya. Umeextra siya na mag construction upang mabuhay kaming dalawa.


Ang maputing balat niya ay naging kayumanggi na ngayon dahil nabibilad sa init. Ang gwapo niyang mukha na kahit kailan ay hindi ako magsasawang tingnan.


Ni hindi ko namalayang tapos na pala siyang kumain. Tumayo siya at pumwesto sa likod ko at niyakap ako.


"Hmmm... tahimik mo naman miss. May problema ba tayo?" Malambing na sabi niya.


Pinigilan ko ang mga luha kong pabagsak. Hindi ako nagsalita at patuloy na nakatitig lamang sa aking pagkain.


Natatakot akong magsalita dahil baka tuluyan na akong bumigay. Tuluyan na akong umiyak sa sobrang hirap.


"Mahal na mahal kita kahit wala ka sa mood." Pabiro niyang sabi sa akin.


"Vlad..." Sambit ko.


"Hmmm?" Sagot niya sa akin.


"Hindi ko na kaya." Mahinang sambit ko.


Agad siyang humiwalay ng yakap sa akin. Pinatayo niya ako at pinaharap sa kanya. Tinitigan niya ako.


"Bakit? Anong masakit? Sabihin mo sakin?" Nag-aalalang tanong niya.


Umiling ako bilang tugon.


"Bakit? Anong hindi mo na kaya? May masakita ba sayo? Sabihin mo sakin." Balisang sabi niya.


"Hindi vlad, walang masakit sakin..." I replied.


"Eh ano? Sabihin mo sakin? Nag-aalala na ako." Nakayuko parin ako habang nasa harap ko siya.


"Hindi ko na kaya... hindi ko na nakikita yung sarili kong kasama ka sa future."


Nanginginig ang labi kong sambit.


Tinitigan niya lamang ako marahil ay naghihintay siya na bawiin ko ang mga sinabi ko.


"Hindi na ikaw yung gusto kong makasama. Hindi ko na nakikita yung sarili kong tumanda kasama ka. Hindi na ikaw yung gusto kong kasamang bumuo ng pamilya. Hindi na ikaw..."


"Aalis na ako... uuwi na ako. Babalik na ako kay dada. Iiwan na kita. Ikaw, bumalik ka na rin sa inyo. Wag mong pahirapan yung sarili mo sa ganitong buhay dahil wala din naman 'tong patutunguhan. Maghiwalay na tayo."


Naramdaman ko ang paghigpit ng kapit niya sa aking magkabilang braso. Inilapit niya ang kanyang mukha sa akin at ibinaon sa leeg ko.


"B-bawiin mo please... parang awa mo na AA... bawiin mo... sabihin mong nagbibiro ka lang..." Nahihirapang sambit niya.


"W-wala akong babawiin vlad... Ayoko na... palayain mo na ako." Ikinuyom ko ang aking kamay upang pigilan ang sarili.


"B-bakit?" Tanong niya.


"B-bakit ngayon pa?... bakit pinatagal mo pa..." Dugtong niya habang umiiyak sa balikat ko.


Nang maya-maya ay nakabawi na siya pinunasan niya ang mga luha sa kanyang mata at umayos ng tindig.


Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.


"Papasok muna ako sa trabaho. Baka naguguluhan ka lang hmmm? Mamaya babalik ako. Aayusin natin."


Nakatitig lamang ako sa kanya habang sinasambit ang mga katagang iyon.


"Pagbalik ko rito mamaya... aasahan kong n-nandito ka pa... w-wag kang aalis ha... hintayin mo ako." Sabi niya at hinalikan ang aking noo.


Tumalikod siya at naglakad na palabas ng bahay. At doon bumuhos lahat ng luhang pinipigilan ko kanina pa.


Pumunta ako sa kwarto namin para iempake lahat ng gamit ko. Nag-iwan ako ng sulat para sa kanya.


Inilagay ko lahat ng kailangan ko sa bag na aking dala. Binitbit ko ito palabas ng aming maliit na bahay.


Muli kong tinanaw ang bahay naming dalawa. Lahat ng ala-ala na bibitbitin ko.


Patawad, hindi na kita nahintay pa. Paalam vlad...


A/N: Happy new year sajies!! See u next year loveuuu mwuapss

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 31, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Deception Series: Vlademire Vaughn Mortel Where stories live. Discover now