Painted Hearts

3 2 0
                                    

"Would you dare to paint a heart to cover up your feelings inside?"

"Ruth, pinapatawag ka ni Madam." Lumingon si Ruth sa gawi ni Ate Sabel. Napatigil siya sa pagpinta at nabitin sa ere ang kanyang kamay na may hawak na paintbrush.

'Bakit kaya ako pinapatawag ni Madam? What is it this time? Is this about the incident which happened a few days ago?'

Nagpakawala muna siya nang isang malalim na pagbuntong-hininga bago sinagot ang ginang.

"Sige po." Sagot niya sa ginang.

Sinundan niya ito ng tingin na papunta sa bintana at inayos ang kurtina na kanyang hinawi kanina para sakupin ang buong silid ng liwanag.

"Pumasok ka na lang sa opisina niya." Tumango si Ruth pagkatapos inilapag sa lamesa ang maliit na platong pinaglagyan niya ng mga iba't ibang kulay ng pinta. Pinahid niya ang kanyang kamay na napuno ng pinta sa kanyang suot na apron.

Naglakad siya papunta sa malapit na upuan at isinabit doon ang apron. Pagkatapos hinawi niya ang mga ilang hibla ng kanyang buhok na kumawala sa pagkakatali niya rito.

Lumabas na ng silid ang kausap niya kanina, isa sa mga assistant ni Madame Albertos. Ang nagmamay-ari ng artshop na pinagta-trabahuan niya bilang freelance artist. Napapailing na lang na sumunod si Ruth sa dinaanan ng ginang kanina.

Mayamaya, nakalabas na siya sa silid na iyon at tinahak ang daan patungo sa opisina ni Madam Albertos.

Kumatok siya nang tatlong beses sa pinto.

"Come in," rinig niyang sagot ng may-ari sa loob. Huminga nang malalim si Ruth 'saka hinawakan ang doorknob at dahan-dahan itong pinihit pabukas. Marahan niyang tinulak ang pinto at maingat na pumasok sa loob ng opisina.

Doon niya natanaw si Madam Albertos na nakaupo sa swivel chair at kasalukuyang may binabasa sa isang files.

"Magandang hapon, Madam Salve." Bati niya sa ginang.

Umangat ang tingin ng babae sa kanya at ibinaba ang hawak nitong folder.

"Take a seat, Ruth." Ani nito sa kanya.

"Pinapatawag n'yo raw po ako?" Panimula ng dalaga sa kausap. Tumango si Madam Sylvia Albertos sa kanya. Na kung tatawagin ng ibang mga freelance artist sa kanya ay 'Madam Salve'.

"Yes. I called you so we can make a deal between the two of us." Tugon ng ginang sa kanya.

"Po?" Naguguluhang tanong ni Ruth. Sinuklian siya nito nang matamis na ngiti.

Inilapag ni Ruth ang kanyang mga kamay sa binti niya. Iti-nap niya ang dulo ng kanyang mga daliri rito para maalis ang nararamdamang tensyon sa paligid. Sandali siyang napayuko at pinagmasdan ang mga kuko niyang napuno ng pinta. Ibinaling niya ang kanyang atensyon pabalik sa may-ari ng art shop.

"Magkakaroon kasi tayo ng art gallery next week." Tugon nito.

Pagkatapos nagpalinga-linga sa mga paintings na nakasabit sa loob ng kanyang opisina. Ang mga paintings na 'yon ay gawa mismo ng mga freelance artist na kagaya niyang nagtatrabaho sa Wattstar ArtShop.

Dumako ang kanyang tingin sa panghuling painting na nasa tabi ng bintana. Iniwas niya ang kanyang tingin doon.

"At isa sa iyong mga obra ang napili kong ipapalabas." Wika ng matandang babae sa kanya na ikinagulat ni Ruth.

"Po?"

Sandaling hindi naimik ang kausap at tila may malalim na iniisip. Kumunot ang noo nitong lumingon kay Ruth.

"Magkano ang painting na 'yon, Ruth?" Tanong nito sa kanya.

"'Yong painting po?" Ani ni Ruth. Tumango ang kanyang kausap.

Painted HeartsWhere stories live. Discover now