January 29, 2023
Sunday | 1:22 PM
Greetings from Tala's Book Club ✨Una sa lahat, pasensya na kung biglaan ang announcement na ito lalo na sa mga sumali sa Thirteenth Pairing, pasensya na po talaga pero salamat pa rin, salamat sa mga sumali sa bawat pairing ng club na ito at sa mga activity. Sana kahit papaano ay nakatulong ang book club at ang iba pa naming program sa pagsusulat niyo.
I don't know why but I love this job and I'm enjoying on what I'm doing, ang pagtakbuhin ang Tala's Book Club kahit hindi gano'n kadali. But sad to say that TBC will end it here. Hindi ko isasara ang book club dahil sa may nakaaway na naman ako XD
Isasara na namin ito dahil sa mga personal na bagay.
Dapat noong December 30, 2022 ko pa ito sinara since tapos na nga ang 2022 kaso may mga bagong member no'n so we decide na mag extend pa hanggang fifth pairing at hindi na tumanggap ng mga bagong member, kaso hindi na namin kaya paabutin pa sa napag-usapang Pairing kaya tatapusin na namin ngayong Twelfth Pairing.
Ang plano kasi, within the end of February ay isasara na namin ang book club. Kaso napaaga kasi hindi na talaga kaya ng schedule namin.
Kung itatanong niyo ang tungkol sa Season 3 at kailan kami magbubukas ulit? Sa totoo lang, medyo malabo na.
Aalis na kami sa wattpad at aasikasuhin kung ano ang importante tulad ng Thesis. Both founder of this BC are graduating student kaya sana maintindihan niyo at magfofocus na kami sa goals namin in life. Maghanap ng trabaho gano'n.
Si _DaVeignci, kailangan nilang magpunta sa Quezon Province at magstay doon for 4 months (Jan - April) dahil sa research at kami naman ay sa Ilocos Sur, malayo-layo yung amin hahaha kaya pasensya na talaga...
Don't worry may mga bukas pa namang book club na p'wede niyong salihan (Check my reading list) pero sa ngayon, magpapaalam na kami.
Thank you and Good bye!
✨Tala✨ Signing off—
YOU ARE READING
Tala's Book Club Season 2 [ C L O S E D ]
Random𝗢𝗻𝗹𝘆 𝗳𝗼𝗿 𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 𝗪𝗿𝗶𝘁𝗲𝗿𝘀 Year 2022 - 2023 [ ] OPEN [ ] Closed for accepting New Member [ ⭐ ] Permanent Closed This book club are for those aspiring Filipino Writers, who wants to aim votes, comments, feedback, and reads. To...