Chapter 1: '𝑰𝒏𝒊𝒊𝒃𝒊𝒈 𝒌𝒊𝒕𝒂, 𝒂𝒌𝒊𝒏𝒈 𝒃𝒊𝒏𝒊𝒃𝒊𝒏𝒊'

460 13 2
                                    

○°♡°○°♡°○

Nakaupo lang ako sa labas ng hardin sa bahay ni sir Ibarra. Naalala ko ang sinabi ni proffesor Torres noong kamakalawa, tungkol sa isa pang paraan upang makabalik na ako sa amin, sa realidad, sa totoo kong mundo. Hindi ko tong pwedeng i-mess up, one shot lang 'toh, kapag hindi ko ito nagawa ay paniguradong matagal nanaman ang balik sa amin.

Isang araw nalang at bukas ng gabi ay makaka-alis na 'ko sa nobelang ito. In-explain naman 'sakin ni sir Torres ang kailangan 'kong gawin upang maka balik na sa amin, although, mami-miss ko rin ang mga karakter na nandirito, hindi ko man ma-admit kay Fidel, ay syempre, mami-miss ko na din siya, he also made a big impact on my life- ALSO THE DIFFERENT CHARACTERS OF COURSE-

"Binibining Klay! Ano ang iyong ginagawa at parang ikaw ay napayuko sa iyong malalim na pag-iisip?"

Nagulat nalang ako nung nag-appear sa likod ko si Fidel, ano nanaman ang ginagawa niya dito?

"Hoy! Nakakagulat ka naman, at ano'ng ginagawa mo rito?"

"Bakit aking binibini, ayaw mo bang may mangamusta lang sa iyo?" Ang kaniyang sinabi habang humakbang sa tabi ko, nang paupo.

Wow, may pangamusta-musta pa 'tong nalalaman ngayon ah.

"Wala, pabayaan mo lang ako rito, gusto ko lang ng peace, 'tas ngayon naman ay nasira dahil sa pagdating mo.."
Sinabi ko sa kaniya na pabulong naman ang huling pangungusap.

"Ano iyon binibini?"

"Wala! Cheh! Wala akong time para sa 'yo."

Noong ibinanggit ko ang sinabi ko ay visible na visible sa mukha ni Fidel ang kaniyang simangot.

Wait, what..

He sighed, ".. Alam mo, Binibining Klay, sa totoo lang, hindi ko malaman kung bakit nahulog ang aking loob sa isang babae kagaya mo, walang kaugalian ng isang maayos na babae, masyadong madaladal, hindi-"

"Nahulog ang loo- wait, hoooy! Rine-recap mo lang ba yung mga pagkakamali ko?" Napa-kurap ako, at kanya namang ginaya. Ngunit, parang na-amuse siya sa kaniyang panunukso sa akin, na effective naman, cheh! Ewan ko nalang nga.

"Ngunit, sa kabila ng mga kaugalian 'mong hindi angkop sa isang babae, ay isa kang kahanga-hangang matalinong babae, palaban, hindi natatakot sa mga sasabihin ng ibang tao, which also sometimes leads to disasters, at inilalaban mo ang alam mong tama, kaya dahil sa mga ito, binibining Klay, ikaw ay aking hinahangaan, at ikaw ay aking... iniibig."

Ano? Ano daw?

"An-anong sinasabi mo?" Sinabi ko kay Fidel na may halong gulat sa aking tono.
Hindi ko alam kung bakit, ngunit bigla akong-- para akong nabibingi, samantalang ang puso ko lamang ang aking naririnig, ito rin ay tumitibok ng mabilis-

Keep yourself together Klay! This, this can't be..

"Ikaw ay aking iniibig binibining Klay, alam kong ito ay nakakagulat para sa iyo and ngayon ko lang naamin sa iyo, matagal ko na ito naramdaman, noong una palang kita nakita, but this is what I really feel towards you."

Pinakinggan ko nang maigi ang kaniyang mga sinasabi, nandoon parin ang aking parang temporary na pamimingi, pero naririnig ko parin nang claro ang kaniyang pinagsasabi.

Ako lang ba 'toh o parang nagiging mainit ang paligid?

"Ah, binibining Klay, tila yata'y namumula ang iyong mukha, ayos ka lang ba aking binibini?"

Ayan nanaman siya with the pet names eh! Ngayon ko lang din na realize na nag bu-blush ako nang matindi.

"Hindi, ayos lang ako, mainit lang kasi." I hope I nailed that lie.

"Ah, very reasonable explanation binibini, ngunit, ang lamig nang ating panahon ngayon?"

Ay shiete.. I didn't even think about that!

"A-ah, siguro parang- iba lang ata kasi ang nararamdaman ko, ano ba yan! Mauna na ko ah, thanks for the short talk, BABU!"

"Sandali lamang miss Klay! Saan ka nanaman pupunta?"

Agad akong tumayo nang mabilis at tinakpan ko ang aking mga mukha upang hindi na niya makita ang pamumula nito, buti nga at hindi pa uso ang salitang blush. Tumakbo ako nang mabilis papalayo kay Fidel ngunit biglang may humawak ng aking mga kamay, at muntik na akong mapatid sa hard floor, ngunit, nanaman at may sumalo sa akin, sino pa ba, 'edi si Fidel!

Hindi ko nalang binuksan ang aking mga mata dahil alam kong makikita ko yang pagmumukha nang mokong na 'yan!

"Binibing Klay, ayos ka lang ba?.."

Nang marinig ko ang kaniyang boses ay natunaw nalang ako sa kanyang mga kamay dahil sa kaniyang pananalita, hindi ko lang alam kung bakit ngayon lang ito nangyari, napaka-genuine ng kaniyang pagsasalita sa akin, paano niya ba ito nagagawa?

"O-oo! Ayos lang ako, at ako'y bitawan mo na!"

"A-ah, bueno, pasensya na aking binibini."

Ngunit, hindi na nga ako magsisinungaling sa utak ko, gusto ko parin patagalin ang yakap niya sa akin, ngayon lang ako nakadama ng ganitong pakiramdan towards sa isang lalaki.. Siya man ay isang arroganteng lalaki, ngunit alam ko sa loob 'non ay may mabait at mapagmahal na lalaki.

"O-oh, 'sya na, mauna ka na at parasol na ako sa loob at marami pa akong kailangang gawin at siguro ako ay hinahanap na ni sir Ibarra."

"Ngunit, binibining Klay-"

"Sige na, ingat," Ang aking sinabi ko kay Fidel habang hinawakan ko ang kaniyang braso, "babu!"

Nagpakita sa aking mukha ang maliit na ngiti at nakita ko rin sa aking gilid, si Fidel, na siya ring ngumisi.

○------------------------------------------------------○

Pumasok ako sa loob ng bahay ni sir Ibarra at umakyat papunta sa aking silid, ngunit nakita ko siya sa may bintana, siguro ay narinig niya ang talampak ng aking paa dahil siya ay napalingon.

"Ah, Klay, kamusta ka na, at ang inyong munting pag-uusap ni Fidel?" Sabi niya habang siya ay unti-unting ngumisi.

"Ano 'ho sir?" Nasabi ko sa kaniya na may halong shock sa voice ko, grabe, marites din itong si sir 'noh?

"Ah, wala lamang, kinakamusta ko lang kayo, sige na at mauna ka na sa iyong silid, tatawagin na lamang kita kung mayroon man akong kailangan ipagawa."

"Sige po sir Ibarra, salamat."

Tuloy akong pumasok sa aking kuwarto. Sinara ko ang aking pinto at napahiga na lamang aa kama ko.

'Hay.. Paano na 'to? Gusto ako ni Fidel, iniibig niya ako, ngunit iba ang aming mundo, hindi kami pwede para sa isa't-isa.. Bukas na rin ng gabi ako uuwi na sa amin, sa pag-form ng blood moon. Nami-miss ko na sila nanay at Elias, wag kayo mag-alala 'nay, malapit na akong makauwi diyan, at kakausapin ko nalang bukas si Fidel.. Hindi ko naman siya pwede i-ghost 'diba?'

Hay, ano ba itong nangyayari 'sakin..


To be continued...
-ʀᴀɪɴ_ᴀʟɢ ♡

Authors note:

(Hellur guys!! This is now my 2nd Mci fanfiction I've made so far 😭 and like the 1st one, this will also be a chaptered fanfic!! Also about the 1st fiction I've made, I've created some rough drafts on paper for the second chapter, I'll probably post it in a day or two :))

Spoilers:

Fidel journeys with Klay to the modern world ( in the future coming chapters )♡♡

○𝑴𝒆𝒂𝒏𝒕 𝒕𝒐 𝒃𝒆 𝒚𝒐𝒖𝒓𝒔- 𝒐𝒏𝒍𝒚○ [discontinued]Where stories live. Discover now