Prologue

85 15 0
                                    

***

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

***

"NO volveré hasta el año nuevo, niñera," I said over the phone while walking the busy streets of Manila. Everywhere my eyes fall onto, maraming tao at sasakyan. Ang daming estudyante, magtitinda, at tambay sa paligid. Mayroon din akong nakitang aso, pusa, at maging kambing na nakasakay sa traysikel.

Tanghaling tapat at tirik na tirik ang araw. Medyo maalinsangan din ang panahon at pawisan na 'ko, Hindi ko na alam kung saang lupalop ng Pilipinas ako nakarating. Basta ang alam ko, nasa Maynila pa rin naman ako.

"Tu mamá no está contenta, Letizia. Está muy preocupada." Dinig ko ang pag-aalala ng aking yaya sa kabilang linya. "Tu papá también está enviando gente a buscarte."

I couldn't blame her. Alam kong nag-aalala lang siya dahil sa bigla kong pag-alis. Hindi rin ako nakapagpaalam sa kaniya nang maayos. In my mind, I simply needed to escape and run away.

After my biological mother left me with my father, we became estranged from each other. Tapos ngayon na twenty-one na ako, biglang gusto niyang gumawa ng desisyon sa buhay ko kahit na hindi pa rin siya nagpapakita sa akin. I was an adult, but my biological parents held my name and identity on the leash.

"Está bien, niñera. Los llamaré pronto," paninigurado ko kay yaya na tatawagan ko sina Papá . . . ngunit hindi pa ngayon.

"Bueno. Pero por favor . . . ten cuidado," hiling niya ang kaligtasan ko at ganoon din naman ako. I just wanted to be free and safe. I just wanted my so-called family to let me be. Ayokong mabuhay na lang parati sa mga utos nila.

I just wanted to feel that my life still belonged to me. I didn't think it was a selfish notion, but my life was still mine to control.

"Voy a. Por favor, tenga cuidado también." Tinitigan ko ang mga ulap sa kalangitan at malungkot na ngumiti. "Te voy a llamar de nuevo. Te amo, niñera."

"Te amo, Letizia. Rezaré por tu seguridad y felicidad," aniya at saka namin pinatay ang tawag.

Napabuntonghinga ako at tinago ang aking smartphone sa bulsa ng aking bistida. Mukhang hindi pa rin ako tatantanan nina Papá. Hindi pa rin ako makapaniwala na magpapadala siya ng mga tao para ipahanap ako.

They should have just let me be from the beginning. It was not like I would fight for the crown. Okay na 'ko sa tahimik kong buhay. Gusto ko lang makapagbiyahe at makita ang mundo. Masama ba 'yon?

Hay . . .

Before I continued imaginining how things should be, I needed to figure out where I was. Hindi ko na rin alam kung nasaan ang hotel na tinitigilan ko. Kung hindi ko naman kinailangan na mag-withdraw ng pera, hindi ako lalabas ng hotel. Hindi naman puwedeng sa malapit na bangko ako mag-withdraw dahil hindi ko sigurado kung may nagbabantay rin ng account ko. Ayokong ma-ping sila sa lokasyon ko.

Sole Mate: JulietteWhere stories live. Discover now