Chapter 3

44 7 18
                                    





"Cyzia Aurora!" Napapikit ako sa inis sa tumawag sa buong pangalan ko. Nilingon ko ito at binigyan ng masamang tingin.




"Sungit mo ah? Sabagay araw araw naman.." sabi pa niya.




"Can you stop calling me in my full name? It's freaking annoying! Kevin!" Naiinis na sabi ko bago siya talikuran at naglakad papunta sa classroom ko. Naramdaman ko naman ang pagsunod niya.




"C'mon Zia! Parang hindi mo ako best friend sa loob ng 8 years!" Makulit na sabi niya.




"Nakakairita nga! Pwede namang Zia nalang." Sagot ko habang naglalakad. Napatingin pa ako sa makakasalubong namin. Kung mamalasin nga naman ako nakasalubong ko pa ang grupo nila Eiji. As always suot nanaman niya ang nakakaasar niyang tinginan saakin. Umirap nalang ako sakanya at handa na ako lagpasan siya ng biglang may magsalita.




"Papayag ka ng ibang lalake ang kasama ng Girlfriend mo Eiji?" Paepal na sabi ni Zian na isa sa mga alagad niya.




"Girlfriend ka ni Eiji?, Akala ko naman isa sa nanaman sa chismis sayo dito" Bulong saakin ni Kevin. Hindi ko pa pala nasasabi sakanya dahil hindi naman iyon importante saakin.




"Seloso ako Zia, alam ko naman alam mo yon.." nakakaasar pang sabi niya bago kami talikuran. Napairap naman ako sa hangin bago naglakad.




"Bakit hindi mo sinasabi saakin na totoo pala ang chismis?"




"Bakit naman sasabihin ko eh hindi naman iyon importante."




"Paano ka naman niya niligawan? Buti pumayag si Tito?"




"Hayaan mo na yan. Ayokong pag usapan dahil nakakaasar lang.." sa tuwing napapasama ang pangalan ni Eiji sa usapan naasar ako dahil hindi pwede mahiwalay ang pangalan ko sakanya.





----





"ANOOO?!" Malakas na sigaw ko kay Tali nang sabihin niya ang ganap ko sa darating na School Festival.




"Hindi porke Aurora ang pangalan ko ay ako ang isasabak nyo sa Sleeping Beauty! Hindi ako marunong umarte no! Please humanap nalang kayo ng iba!" Pag tanggi ko sakanila, nakita ko naman ang pagkadismaya sa mukha nila.




Shit! Hindi pa ako sumali ever sa mga roleplaying dahil wala sa nature ko umacting! Ito ba ang kapalit ng pag arte ko na girlfriend ni Eiji! Siniseryoso ba yon ng kapalaran!




"Sige naman na Zia! Wala ng papalit sayo! Ngayon lang naman ito no! Next year iba na ang mapipili! Wala kase si Kaye para gumanap may sakit! Igu-guide ka naman namin! Ibang school kase makakalaban natin kailangan natin ng pamalakasan!" Pagpupumilit pa nila saakin. Napabuntong hininga nalang ako.




Mukha naman wala akong takas dito. Simula talaga ng makilala ko Eiji minamalas na ako.




Pagkatapos ng araw na iyon wala akong nagawa kundi pumayag. Kinabukasan din ay nag practice na kami para sa roleplaying meron lang kaming tatlong araw para magpractice dahil sa Friday ay School Festival na.




Nakaupo lang ako at nakatingin sakanila habang inaayos nila ang script at yung iba ay naghahanap pa ng cast na karapat dapat para sa role.




"Ayos na yung script, prince nalang kulang natin.." sabi pa nila. Kinuha ko naman ang script at binasa iyon. Puro tulog lang ata ganap ko. Nanlaki lang ang mata ko ng may makita akong scene ng hahalikan ang prinsesa



Touch LoveWhere stories live. Discover now