Chapter 2: '𝑴𝒈𝒂 𝒑𝒂𝒂𝒏𝒅𝒂𝒓 𝒏𝒊 𝑭𝒊𝒅𝒆𝒍'

283 9 2
                                    


Nagising ako nang mayroon akong narinig na katok sa labas ng aking silid, sunod naman ang tawag sa akin.
"Binibining Klay? Gising ka na ba?"

Si sir Ibarra..

Tuloy akong tumayo sa aking kama at inilapag ang sábana. "A-ah, yes po sir, bakit po, may kailangan po ba kayo?"
"Ah, hindi, nakapag-luto lamang si mang Adong ng ating almusal, at uh, kung gusto mo ay sumabay na sa akin?" Hindi pa naman ako gutom, pero sige, para tuloy-tuloy na naman ang araw ko. "Ah sige po sir, susunod na po, magbibihis lang ako." Narinig ko ang retreating footsteps ni sir. Hayy.. Habang ako ay nagbibihis sa aking trajé formal ay pinag-iisipan ko nanaman ang sinabi ni sir Torres sa akin, ano ba yan! Para ba akong nag se-second thoughts dito ah..

Lumabas ako sa aking kuwarto at dumaan na ako sa cómedor, kung saan ay nakita kong nakaupo si sir Ibarra sa pinaka-harap ng lamesa, tumango siya. "Good morning po sir." Ang sabi ko habang ako ay umupo sa katabi niyang upuan.

"Magandang umaga, at uh, kamusta ang iyong tulog? Ayos lang ba?"

...Walang sagot.

"Ah, binibining Klay?" Napalingon na lamang ako sa kanya nang marinig ko ang aking pangalan. "Ah- ano 'ho iyon sir?" Hindi ko narinig ang sinabi niya sa akin, tulala ba naman kasi ako. "Ah wala lang, tinanong ko lang naman sa iyo kung nakatulog ka ba ng maigi."
"Ahm.. Okay lang naman po ang tulog ko." Umiwas ako ng tingin kay sir, ano ba 'yan!

"Klay, tila yata'y may bumabagabag sa iyong isip? Ikaw lamang ay nakatingin sa lá véntana at hindi ginagalaw ang iyong pagkain, estás bien?"

"Ah, ganun po ba? Sorry po sir, malalim lang po kasi iniisip ng tao."
Tuloy ko nang kinain ang aking pandesal. "Kung ganon ay, ano naman iyong iyong iniisip? Ito ba ay, tungkol sa aking amigo kagabi?" Ang kaniyang ibinigkas habang nakasulat sa kaniyang mukha ang ngiting nabubuo. Manang-mana talaga sila ni Fidel sa trait na 'toh.

"Ano po sir?! Of course not!" Nakita kong itaas ni sir Ibarra ang isang kilay niya sa akin. Ay, napasigaw yarn. "I mean po sir, of course not! I- Bakit naman ako ma fa-fall sa mokong na iyon, napaka arrogante, akala mo kung sino!"
"Well, ano ang nasa isip mo, binibini?" "Well, sir, uhm," Kailngan ko ba talaga i-explain sa kanya tungkol sa portal? Pauwi sa amin? Something inside me tells me that I should probably just tell him that i'll finally go home, walang mga portal shenanigans, 'di naman paniniwalaan.
"Kasi.. uuwi na po ako mamaya sa amin." Nang masabi ko ito sa kanya ay napalingon siya 'sakin at nahinto sa kaniyang pagkain ng almusal.
"Ah, ganoon ba.. At uh, saan naman ang iyong patutunguan?"
Ano ba yan! Pano ko ba to sasabihin? Ano, sa Bulacan nalang? Sige, sige yun nalang.
"Uhm, sa Bulacan lang po."
"Ah, at kailan ka naman aali-"
Napaginto si sir Ibarra noong may isinabi si mang Adong.
"Ginoong Ibarra, mayroon po kayong bisita." Ani mang Adong.
"..At sino naman iyon Adong?"
"Amigo!"
Wait, alam ko yung boses na 'yun eh!
Lumingon ako at nakita ko nga, siya nanaman? Hindi na ba talaga titigil ang kamalasan ko Lord?
"Amigo! Ano naman at naparirito ka?"

Bigla namang tumingin si Fidel kay Klay.

"Ah! Binibining Klay! Eto para ay para sa iyo." Ha? Sakin?-
"Keso y galletas importadas."
"Ahm, imported cheese and- biscuits?" Ay, ang sosyal naman pala nitong si lolo oh!
"Oo, aking binibini."
"At bakit naman mo ako binigyan nito? Anong occasion?"
"Wala lamang binibining Klay, ito lamang ay isang.. peace offering. Para sa mga away na naidulot natin sa isa't-isa." "...Oh, well, thank you." Hindi ko ma de-deny, na fluster ako sa act na ginawa ni Fidel, lalo na bilang sa isang gift. "Walang anuman, binibining Klay." Pagkatapos nu'y tinry kong tumingin sa kanya ngunit Doon ko nalaman na nakatitig nampala siya sa akin, I WAS LITERALLY LOST IN HIS GAZE.
"Iyon lamang ba ang rason ng iyong pagpunta 'rito?" Sambit ni Ibarra habang ngumingisi nang todo. Ngayon lamang namin nalaman ni Fidel na ang tagal naming nakatitig sa isa't-isa. "Ah iyon lamang amigo, pasensya na at kayo ay naabala sa aking presensya." "Hindi aking amigo, ayos lamang iyon." "Ah, at tsaka, hindi ba't Klay, ikaw ay muli nang uuwi sa inyong lugar?" Sambit ni sir Ibarra kaya naman ay napahinto si Fidel sa kanyang ginagawa, kung ano man iyon. "Ah, uuwi ka na? Akala ko ba naman ay mapapatagal ka dito."
Na pansin ko na pabulong ang kaniyang huling pangungusap, at tila parang nalungkot ang kaniyang mukha.

Uh, ano?..

"Ahm.. oo Fidel, uuwi na ako sa amin mamayang gabi."
"Ah kung ganoon ay, maaari mo ba akong samahan sa labas?"
Ano daw?
"Hah? At saan nanaman tayo pupunta?"
Fidel sighed, "..Sólo sígueme.. kung ayaw mo naman sumama ay aalis na ako-" "Oo na! Sasama na ako."
Nung narinig nya yung oo ko ay nakita ko na parang lumiwanag ang kaniyang mga face features, beh, grabe.
Kumurap ako sa kaniya, "Oh, ano pa tinitingin-tingin mo? Tara na!"
"Mag-iingat kayo! Wag kayong masyadong matagal sa inyong lamyerda!"
Sigaw ni Ibarra sa amin ni Fidel.
"De acuerdo aking amigo, adíos!"
Ibarra then sighed, "..Realmente espero que ella le responda."

‐-----------------‐------‐-----------------‐------‐-----------------

"Sabihin mo na naman kasi sa akin kung saan tayo pupunta!" Sambit ko kay Fidel na may halong desperadong tono.
"Maghintay ka lamang aking binibini, ito ay isang sorpresa!"
"Pwede mo ba atleast sabihin 'sakin kung saang lugar ito? Like, not the specific place. At baka mamaya ay kikidnapin mo naman ako eh!"
"Kikidna..?"
"Ay, oo nga pala walang word na ganun dito."
"Hay.. Binibining Klay, kanina mo pa ako kinukulit sa ating patutunguan, basta, ito ay isang lugar na hindi mo pa napupuntahan."
"Haist, 'whatevs."

‐----------‐----------‐----------‐----------‐----------‐-------------

"Binibining Klay, nandirito na tayo."
"Ah, ganun ba, oh pasok na tay-"
Ngunit bigla akong hinarangan ni Fidel. "Pero, bilang isang sorpresa, kailangan 'kong itakip ang iyong mga mata."
"..Hah, talaga? May pa takip-takip mata ka pang nalalaman?"
Biro ko sa kaniya, "Hay.. Sige na!" Ngumiti na lamang si Fidel at tinakip ang aking mga mata gamit ang kanyang kamay.

Ang soft, infairness..

Patuloy kaming lumakad, hindi ko man makita ang aking dinaraanan, ay inaalalayan ako ni Fidel.
"Oh, binibining Klay, dahan-dahan ka lamang maglakad at baka ikaw ay madapa."
"Oo, madyado ka namang maalalahin."
Narinig ko ang isang mahinang tawa mula kay Fidel.

Matapos naman ang ilang minutong paglalakad ay napahinto na si Fidel.
Unti-unti niyang inalis ang kaniyang mga palad mula sa aking mg mata at nagulat nalang ako sa aking nakita.

Sa aking harapan ay si Fidel, na may inaayos na boquet ng bulaklak sa kaniyang kamay, at sa kaniyang likod naman ay isang napakagandang hardin! Na may parang.. date set-up?..

"Te gusta.. Binibining Klay?"
Sinaad niya sa sa akin na may nerbyosong ngiti, parang lang naman.

Ang dami talagang paandar nitong si Fidel!


To be continued...
-ʀᴀɪɴ_ᴀʟɢ ♡

Authors note:

(Happy Thursday everyone!! So yes, you may be wondering (or not) why I wasn't able to post new chapters for my fanfics, SCHOOL STARTED NAA...WAAAA😭😭
so yeah, so sorry guys, but here, a new chapter to ease all the sufferings! I will try to update daily, but no promises :((
Also tysm for 50 views on my 1st fiction! Appreciate it very much♡♡

♡•♡•♡ Ily all ♡•♡•♡

○𝑴𝒆𝒂𝒏𝒕 𝒕𝒐 𝒃𝒆 𝒚𝒐𝒖𝒓𝒔- 𝒐𝒏𝒍𝒚○ [discontinued]Where stories live. Discover now