CHAPTER 22

5 0 0
                                    

𝗦𝗵𝗲'𝘀 𝗔 𝗣𝗿𝗶𝗻𝗰𝗲𝘀𝘀 𝗜𝗻 𝗗𝗶𝘀𝗴𝘂𝗶𝘀𝗲

CHAPTER 22 : LASON

"Sky, bakit ka ba nagkakaganyan? May nagawa ba akong mali sayo?" Malumanay niyang tanong habang nakatingin sa'kin. Umiwas ako ng tingin baka matitigan ko siya ng matagal at magkaroon pa ng di maganda.

"Matutulog na ako." Sabi ko at akmang aalis pero nahawakan niya ang braso ko.

"Hindi mo pa ako sinasagot." Bumuntong-hininga ako bago umiling.

"Wala naman. Pagod lang ako kaya nagsusungit ako, pasensya na. At oo tama ka kulog, apektado ang kalangitan sa kung ano man ang nararamdaman ko. Sa tuwing nasasaktan ako, nagiging walang kakulay-kulay ang kalangitan at kapag umiyak ako ay uulan." Sabi ko at nagpainvisible agad. Sana huwag niyo akong saktan ng malala, baka may mangyayaring masama.

"Sky! Hays, nagteleport na naman siya." Rinig kong sabi niya. Hindi nya alam na kaya ko ring magpainvisible. "Hindi mo man lang ako pinakinggan. I really miss you." Bulong niya sa huli at pumasok na ulit sa loob.

Ewan ko, pero bigla nalang akong napangiti at bumilis bigla ang tibok ng puso ko. Umaygulay!

~
Hindi pa ako makatulog kaya naglibot-libot muna ako sa labas. Wala ng mga tao sa paligid, ang nakikita ko lamang ay puro abo. Anong klaseng kapangyarihan kaya ang ginamit niya para makagawa ng isang lason na nakamamatay pagkatapos ng isang minuto?

Hindi parin ako makapaniwala na si sir Coleman iyon. O baka hindi ko lang talaga matanggap na siya iyon dahil binigay ko na ang tiwala ko sa kanya.

Bigla akong napadpad rito sa library. Library kung saan una kaming nagkausap ni sir Coleman. Parang may kakaibang atmosphere sa loob nito. Pero hindi ko nalang pinansin at agad akong bumalik sa classroom kung saan kami nananatili.

Nadatnan ko ang mahimbing na tulog nila. Buti nalang at hindi sumalakay ngayon ang kalaban. Sobrang nakakaawa ng sinapit nila. Nawalan ng mga mahal sa buhay nang dahil sa kagaya kong may kapangyarihan. Ginamit niya ang kapangyarihan sa kasamaan at dito pa talaga siya naghasik ng lagim sa lugar na aming pinapahalagahan.

Kailangan ko na munang magpahinga para makaipon ng lakas. Baka bukas ay mayroon na namang mga ipis at baka maghasik na naman si sir Coleman.

Matutulog na muna ako.

~

"Leavianna, anak ko."

"Ina? Ikaw po ba yan?" Tanong ko nang tawagin ako nang nakasisilaw na liwanag.

Unti-unti ko ng nakikita ang mukha niya na pinapalibutan ng liwanag.

"Oo, ako nga anak ko." Agad akong napatakbo papunta sa kanya at niyakap siya.

"Ina, ako'y nagagalak nang makita kang muli. Bakit mo ako iniwan?" Humahagulgol na tanong ko.

"Mahal kita anak ko. Hindi ko sinasadyang mawalay sa iyo. Kahit pa tayo ay hindi isang ordinaryo, natatapos pa rin ang ating buhay. Kahit na tayo ay may kapangyarihan, natatalo pa rin ito ng sinuman. At kahit ganito tayo, may limitasyon parin ang ating buhay. Dalawang pagkakataon lang ang binibigay ng ating panginoon para tayo ay mabuhay muli, at iyon ay ikatlong pagkakataon ko na kaya ako ay binawian na ng buhay. Anak ko, malapit na ang iyong kaarawan. Binabati kita, at sana'y malampasan mo ang mga pagsubok. Malilito ka kung sino ang tunay mong kalaban, kaya tingnan mong mabuti ang anggulo. Minsan na rin akong naloko ng kalaban, bumangon kana riyan at nagsisimula na naman siya." Unti-unti na siyang hinihigop ng liwanag. Gusto ko pa sana siyang abutin pero hindi ko na magawa.

"Ina." Sambit ko nang tuluyan na akong magising.

"Magandang umaga Leavianna." Nakangising bungad sa'kin ni Mrs. Principal. Nilibot ko ang paningin pero wala ng ibang tao bukod sa'min. May mga ipis na ring nagkalat at ang daming mga abo.

Biglang kumalabog ang aking dibdib sa naisip.

"M-Mrs. P-Principal, nasa'n na sila?"

"Kanina ka pa nila tinatawag, kaso ang tagal mong nagising. Ayon nauna na sila sayo."

Ano bang pinagsasabi niya?

"Nasa'n sila? Saan sila ngayon?"

Biglang nag-iba ang awra niya kaya kinabahan ako.

"Ang dami mong tanong! Nilason ko na sila lahat, hindi mo ba yan nakikita? HAHAHHAH!" Sigaw niya at biglang tumawa.

Hindi. Ano na naman ang ibig sabihin nito?

Bigla nalang tumulo ang mga luha ko.

"Panong? Ikaw rin ang tinatawag nilang Boss L? Magkasabwat kayo ni Sir Coleman? Bakit niyo nagawa to?" Unti-unti nang gumagapang ang mga ipis papunta sa'kin. Unti-unti naring bumubuo ng apoy si Mrs. Principal sa kamay niya.

"Ang dami mong satsat. Wala ka ng kawala ngayon sa'kin!" Bigla niya akong tinapunan ng kapangyarihan niya at ngayon ay napapalibutan ako nito.

Para akong ibong nasa hawla. Hindi ako makalabas. Sa tuwing kakawala ako ay napapaso lamang ang balat ko.

Hindi. Pano na to ngayon?

Parang nawawalan na ako ng pag-asa. Wala na sila? Naubos na yung taong pinapahalagahan namin? Wala na yung mga tinuring kong kaibigan? Wala na si Thunder? Wala na sila lahat?

Hindi!

"Kawawang prinsesa, hindi kayang maipagtanggol ang sarili. Hindi mo rin kayang ipagtanggol ang mga taong pinapahalagahan mo. Wala kang kwenta! Kung bakit ba kasi mas pinili kayo ng panginoon! Kagaya ka lang ng ama at ina mo! Bahala na, unti-unti na kayong mawawala sa landas ko. Sa landas namin, at sisiguraduhin kong hindi na kayo mabubuhay ulit. HAHHAHAH."

"Hindi kita maintindihan! Ano bang pinagsasabi mo? Sino ka ba sa buhay namin? Sino ka ba talaga Boss L?" Naguguluhan kong tanong. Bigla lang siyang tumawa at lumipad sa ere.

"Hindi pa pala ako naikwento ng ama mo. Kung sabagay, wala na siyang pakialam sa'kin simula nang pinili siyang maging hari ng Erutan Kingdom."

Alam niya ang kaharian namin?

"Hayaan mo, ikukwento ko sayo ang lahat pagdating niya. Kaya ano pang hinihintay mo? Tawagin mo na siya, dali!" Sabi niya.

"Tatawagin mo? O kusa nalang siyang dadating para iligtas ang nag-iisang anak niya?"

Bigla akong naiinitan dito sa loob. Hindi ko magawang gamitin ang kapangyarihan kong magpateleport. Sobrang lakas ng kapangyarihan niya, hindi ko magawang malusutan.

"Ahhhhhhhhhh." Bigla nalang akong napasigaw dahil sa pwersa ng kapangyarihan niya na parang hinihigop yung kapangyarihan ko. Napahawak ako sa'king ulo sa sobrang sakit sa pakiramdam. Napaupo ako sa sakit at kalaunan ay napahiga.

"Itigil mo na yan, Louisa!" Bago pa ako tuluyang makapikit ay narinig ko ang boses ni ama. Hindi ako nagkakamali, dahil nakita ko siyang nakalutang sa ere.

"Ama, buti dumating ka." Bulong ko, pero agad na rin akong nilamon ng dilim.

𝗦𝗵𝗲'𝘀 𝗔 𝗣𝗿𝗶𝗻𝗰𝗲𝘀𝘀 𝗜𝗻 𝗗𝗶𝘀𝗴𝘂𝗶𝘀𝗲Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon